NAKAUPO si Amira sa harap ng bonfire sa bandang gilid ng mansion habang hawak ang mainit na mountain tea. Ang bonfire ay para sa mga bantay na nagpa-patrol sa lupain ng mga Banal upang di lamigin sa trabaho ng mga ito. Sobrang lamig sa Sagada kapag gabi at nanunuot ang lamig sa buto. Alas diyes na ng gabi pero di pa rin siya makatulog. Kinakabahan siya sa pakikipagharap niya sa mga board of director ng Banal Mining Corporation. Hindi niya alam kung anong klaseng pagtanggap ang gagawin ng mga ito sa kanya lalo na't sa likuran ng isipan niya ay gusto niyang ipasara ang kompanya ng mga ito. Hindi ito simpleng pagsubok lang sa kanya. Maraming nakataya dito. This battle was way too personal for her. Umungol siya at pumikit. Daig pa niya ang sinabugan ng bomba niya sa mga araw na ito at pakira

