"Attorney, kasing hirap ba ng proviso ko ang proviso ng mga kapatid ko?" tanong ni Amira kay Attorney Ferrer habang katabi ito sa likod ng Ford Everest. Hindi pa man sumasabog ang liwanag ay umalis na sila ng Banal Mansion at bumibiyahe sila sa kalsada palabas ng Mountain Province patungo ng Baguio. Isang mabait na ngiti ang ibinigay nito sa kanya. "You know that I can't break your grandfather's confidence, hija. Ang masasabi ko lang ay kung anuman ang hiniling niya sa mga kapatid mo, para rin iyon sa kabutihan nila,” wika nito sa malumanay na boses. Bukas na bukas din ay gaganapin na ang shareholder's meeting at dadalo din ang board of directors para ipakilala siya bilang major shareholder at bagong special projects manager ng Banal Mining Corporation. "I don't really know why he is

