Chapter 2

709 Words
"Yes. May mga kapatid ka sa ama. You have seven half-sisters. Sigurado ako na gusto mo silang makilala." Natahimik si Amira habang malakas ang pintig ng puso niya. Pitong katapid. Pitong kapatid na babae. She remembered how she longed to have a sister. Sisters. Kaya palakaibigan siya noong bata pa siya dahil ayaw siyang bigyan ng kapatid ng nanay niya dahil dala na ito sa pag-ibig. Ngayon ay natupad na ang pangarap niya. May mga kapatid nga siya. Pero hindi niya alam kung paanong tatanggapin iyon dahil sa maduming dugo na dumadaloy sa kanila. "Pag-isipan mo, Miss Catindig. Tawagan mo lang ako dahil baka magbago ang isip mo at mai-provide namin ang kakailanganin mo sa pagpunta dito." Kung pupunta siya sa Sagada, makikita niya ang mga kapatid niya. At makakaharap niya ang lahat ng taong kinamumuhian niya at dahilan kung bakit nasira ang pagkatao ng kaniyang. Kaya ba niyang harapin ang mga lapastangang sumira sa buhay ng maraming tao? No. Not even for her curiosity with her half-sisters. You won't miss what you don't have. "Don't bother, Attorney. Gaya nga ng sinabi ko, hindi ako isang Banal. Isa akong Catindig. May pitong apo na si Don Alfonso kaya di na niya ako kailangan. Goodbye, Attorney Guzman,” aniya at pinutol ang tawag. Sana lang ay hindi na siya tawagan pa ng naturang abogado. "Tumawag sa iyo ang abogado ni Don Alfonso?" Nahigit ni Amira ang hininga at hinarap ang ina na nakatayo sa may pinto. "Nanay!" Namumutla ito habang nakatukod ang kamay sa hamba ng pinto. Na parang nangyari na ang kinatatakutan nito. "Makikipagkita ka ba sa kanya?" Umiling siya. "Hindi po! Sinabi ko na sa abogado niya na hindi ako interesado na pumunta kahit pa may pito akong kapatid." Sinapo nito ang dibdib at sumandal sa hamba ng pinto. "Walang hiya talagang Alfie iyon. Pitong babae ang anak niya sa ibang babae? Malamang sinira din niya ang buhay ng mga ina ng ibang kapatid mo. Wala siyang puso." Pumasok siya sa loob. "Wala akong pakialam sa kanila. I am leaving for Sochi, remember?" "Kung talagang aalis ka na papuntang Sochi, sana itinapon mo na ang imbitasyon sa iyo ni Don Alfonso para sa hapunan bukas." Binuksan nito ang drawer at inilabas ang eleganteng imbitasyon. Gawa iyon sa premium matte stationery na pinaghalong mint green at black. The lettering was even embossed in gold. Really classy. Halatang mamahalin at ipinasadya. Nararapat para lang sa isang Banal. "Paano ninyo nalaman ang tungkol sa imbitasyon sa akin? Nakialam kayo sa gamit ko?" tanong ni Amira sa mataas na tono. "Nag-aalala ako sa iyo. Mukhang distracted ka nitong nakaraang araw. Naisip ko na baka in love ka o buntis pero ayaw mong sabihin sa akin. Tapos nalaman ko na itinatago mo ito sa akin,” anitong puno ng hinanakit ang boses. "Nay, hindi ko po itinago iyan dahil may plano akong pumunta. Wala po kayong dapat ipag-alala dahil hindi po ako interesado." "Bakit di mo pa sine-shred o idinadala sa recycle bin?" Bumuntong hininga si Amira. Mariin ang mga labi niya na kinuha ang imbitasyon sa ina. Hindi niya alam kung bakit parang nanghihina ang paa niya nang naglakad patungo sa shredder. Pigil niya ang hininga nang isalang iyon sa shredder at di niya alam kung bakit parang ginugutay-gutay ang puso niya habang pinagmamasdan ang pagkasira ng imbitasyon na iyon. Para ito sa pagmamahal ko kay Nanay. Hindi ako Banal. Hindi ako Banal. Pilit siyang ngumiti nang harapin ang ina. "There. Wala na tayong problema, Nay,” aniya kahit mabigat ang dibdib. "Naka-register pa rin sa iyo ang number ng abogado nila?” tanong nito. Kinuha niya ang cellphone. Lumunok muna siya bago binura ang numero ni Attorney Guzman sa call history saka ipinakita sa ina. "Iyan po. Deleted na. Nanay, di ko kayo tatraidurin. Alam ko kung anong ginawa ng mga Banal sa inyo. Sa atin. Hindi ko po iyon makakalimutan." "Pasensiya ka na, anak. Ayoko lang talaga na lumapit ka pa sa kanila. Masasama silang tao,” maluha-luha nitong sabi. "Opo.” Niyakap niya si Himaya nang mahigpit. Ang nanay niya ang pinakamahalagang tao sa mundo. Sa dami ng pinagdaanan nito sa buhay, silang dalawa lang ang magkakampi. Wala siyang gagawin na kahit ano para saktan ito. “Kung makakakuha ako ng flight, bukas na bukas din ay aalis na ako papuntang Sochi para mapanatag ang isipan ninyo." "Salamat, anak." "Nasaan na po ang cosmic tea ko?"
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD