“Okay ka lang talaga?” paniniyak ni Estephanie. Nag-thumbs up si Amira. Ayaw niyang maulit pa ang nangyari sa tribo ng Lambayan kung saan napaikot ang mga inosenteng katutubo, nakamkam ang lupain ng mga ito at may mga nagbuwis ng buhay. Minsan nang gumamit ng dahas ang mga Banal. Alam niyang posibleng maulit pa iyon. “Masarap ba ang lemon pie?” tanong ng kaibigan niya sa kanya. “Hmmm… masarap naman. May hinahanap lang akong kakaibang lasa. ‘Yung may kakaibang kiliti.” Ibang-iba sa cake na gawa ni Francois. O kahit sa luto nito. “Anong kakaibang lasa at kiliti pa ang sinasabi mo diyan? Sa lalaki lang may ganoon,” pangangantiyaw nito at humalakhak. Pinanlakihan niya ng mata ang kaibigan. “Hoy! Anong lalaki ang sinasabi mo diyan?” “Ganyan din kasi ang sinasabi ko kapag nilalambing ako

