“What?” Nanlaki ang ulo ni Amira. Inatake si Don Alfonso? Malubha? Parang may sumipa sa dibdib niya. Dali-dali niyang binuksan ang pinto ng passenger seat ng Land Rover. “Bakit hindi mo sinabi agad?” paninisi niya. Sumakay din sa sasakyan si Estephanie at umupo sa tabi niya. “Huwag mo nang sisihin si Francois. Sasabihin din naman sana niya sa iyo. Ikaw lang itong ayaw mamansin at sumama.” Binigyan niya ng matalim na tingin ang kaibigan. Heto nga siya at nag-aalala na sa lolo niya ay kakampihan pa nito si Francois. “Kanina pa kita hinahanap. Di rin matawagan ang number mo,” anang lalaki at minaniobra ang kotse papunta sa direksiyon ng ospital. “Ano bang nangyari?” tanong niya at parang sasabog ang dibdib niya sa sobrang takot. “Maayos-ayos pa siya kahapon ng umaga bago ako umalis ng

