Chapter Four: Facing My Husband's Mistress

1179 Words
" O ..ano yan saan ang punta mo ha Allyna? Kala ko ba hiwalay na kayo ni Ram?!" ani Jessa. Kararating lang nito at may dala-dala pa na kung ano-anong sangkap sa pagluluto. Balak sana niya yayain ang kaibigan na magluto ng meryenda pero sa nakikita ni Jessa mukhang wrong timing siya dahil may pupuntahan yata si Allyna. Nakasoot ito ng simpleng jeans na tinernuhan ng black na blouse. Tamang-tama yung black na blouse sa nagluluksang puso ni Allyna. "Naku...wag mo sa akin sabihin na babalik ka na sa Ram na yan....na malapit na pala maging ex-husband mo" dugtong pa ni Jessa. "Kailangan ko bumalik doon jessa...nandoon pa lahat ng mga gamit ko!" ani Allyna na tila umiiwas sa mapanuring tingin ni Jessa. Maliban sa gamit na naiwan sa puso ni Allyna ay umaasa pa rin siya kahit papaano. Umaasa siya na baka kapag nag-usap sila ay maayos ang lahat. Baka kasi may mali sa kaniya. Baka may kulang! Baka kaya nagawa yun ni Ram dahil may hinahanap ito na hindi niya naibigay! Abala si Allyna sa pag-aayos ng sarili sa harap ng salamin. Nandito sila ngayon sa kwarto niya. Napa buntong-hininga na lang si Jessa. "Kailangan kong gawin ito Jessa...gusto kong .. magkaroon kami ng closure ni Ram!" "Pero friend... baka lalo ka lang masaktan hindi ba dapat tanggapin mo na lang?!" nag-aalalang ani Jessa. "Sa huling pagkakataon gusto kong magkausap kami nang maayos ...baka may mali din ako ...o baka nagkulang ako Jessa!" malungkot na ani Allyna. Napailing na lang si Jessa. Kung noon lang sana ay pinag-aralan na ng kaibigan niya na mahalin si Tim baka hindi niya sinasapit ang ganitong sama ng loob. Sama lang naman talaga ng loob ang nakuha ni Allyna kay Ram. Panandalian lang pala ang pagmamahal nito para sa kaibigan niya. Nakaramdam ng habag si Jessa para sa kaibigan. Si Ram na ang may kasalanan pero si Allyna pa talaga ang lalapit? Mahal pa ni Allyna si Ram..alam ni Jessa na hindi rin naman ito ganun kadali para sa matalik na kaibigan. Binitawan ni Allyna ang hawak na brush sa buhok at akmang lalabas ng kwarto. Buo na ang pasya niya kaylangan na makausap niya ang kaniyang asawa. Nang halos malaglag ang panga ni Allyna nang mabungaran si Shane. Nasa loob na ito ng maliit nilang bahay habang maarteng iniikot ang mga mata sa kabuuan ng kanilang sala na animoy nadidiri sa lugar na tinitirahan ng kanilang pamilya. Halatang-halata sa mukha ng babae ang panlilibak. Ano nga ba ang maari niyang ipagmalaki sa gaya ni Shane. Kung yaman ang pag- uusapan wala nga siguro siyang masasabi pa..isang tagapagmana si Shane na gaya ni Ram. Nasa palad nila ang daigdig kaya baka nga pagkagaling din maligo pa ito ng alcohol sa tindi ng kaartehan na meron si Shane. "Anong ginagawa mo dito!" ani Allyna na pilit kinokontrol ang bugso ng damdamin. Ang babaeng ito ang puno at dulo ng away nilang dalawa ni Ram. Siya ang salarin kung bakit nasira ang maayos nilang pagsasama! Kaya kung hahamunin siya nito ng away ay talagang hindi niya ito uurungan. "Well dinala ko na lahat ng mga gamit na naiwanan mo sa bahay ni Ram...just in case na gusto mo pang bumalik at isiksik ang sarili mo sa boyfriend ko!"matapang na sagot ng babae. "Boyfriend...so confirmed nga na may namamagitan sa kanilang dalawa!" sigaw ni Allyna sa kaniyang isip. Naka suot ito ng maiksing skirt at tube na pangitaas. Mga bagay na baka nga nagustuhan ng kaniyang asawa dahil hindi naman ganoon ang personalidad niya. Pero ang babaeng kaharap niya ngayon ay tila sanay na sanay na magsoot ng damit na animoy palaging kapos sa haba at lapad. "Boys..paki pasok na lahat ng basura na dala ninyo...kailangan na ma dispose natin ang lahat ng iyan bago pa tuluyan na umalingasaw yan sa loob ng sasakyan ko!" maarteng pahayag ng babae na panay ang tingin sa kay Allyna mula ulo hanggang paa. Pumasok naman ang mga body guards nito na pare-parehas ang uniporme. Dala-dala ang mga damit niya na nakasilid sa malalaking bag. Hindi naman talaga niya nadala lahat ng naglayas siya...dahil ang akala niya ay magkakaayos pa siya at si Ram. Ewan nga ba kung bakit tila martir na siyang matatawag... sa puso niya ay umaasa pa rin siya na magkakaayos sila ni Ram. "Sino ka para pagsalitaan ako ng ganiyan Shane...nandito ka sa pamamahay namin kung gugustuhin ko pwedeng pwede kitang tirisin dito ngayun din! " "Wow..ang tapang mo naman! Alam mo kaya ka inayawan ni Ram... by just simply looking at you ...I can see how boring you are..hindi gaya ko..full of excitement si Ram whenever kasama niya ako... ewan ko nga ba kung bakit ikaw pa ang pinakasalan niya e mauuwi rin naman pala sa hiwalayan... baka kung kami pa ang nagkatuluyan from the start... noon pa siya nag enjoy ng todo todo!" maarteng wika nito na lalo pa ine exagerate ang pagsasalita. "Ah ganun! Yan ba ang sinabi ng magaling kong asawa sa'yo?! Pwes mag enjoy kayo hanggang gusto ninyo! For all I care....now get out of our house bago ko tuluyan ibalibag sa mukha mo ang lahat ng gamit ko na dinala mo dito at tuluyan ko nang makalimutan na retokada ang buong pagkatao mo Shane! Kasing peke ng mukha mo ang ugali mo! Sabihin mo kay Ram na masaya ako para sa inyo! Magsama kayo sa impyerno!" ani Allyna na pulang-pula ang mukha sa galit. Malakas ang pagkakasabi niya ng mga salitang iyon... at mula sa likuran ay hawak-hawak naman siya ni Jessa. "Talaga..your husband is damn good in bed Allyna...kung alam mo lang kung paano niya ako ihatid sa langit baka maglupasay ka lalo sa galit...sige diyan ka na.. good bye Allyna!" ani Shane na tumatawa nang malakas na daig pa ang nababaliw. Hindi niya ma imagine kung bakit naipagpalit ni Ram ang lahat ng meron sila para lang sa isang babae na kagaya ni Shane. Heto siya at nagbabalak kausapin pa sana si Ram for the last time pero inunahan na siya ng kabit ng kaniyang asawa na akala moy basura lang ang mga damit niya na basta na lang dinala dito na wala siyang permiso. Matapos ang lahat para na lang siyang basahan na itinapon ni Ram. At ipinapagpasalamat niya na wala ngayon sa bahay ang mga magulang at kapatid. Nakakatakot ang maaring mangyari kung nandito lamang ang pamilya niya. Kaya mas mainam na ilihim na lang niya ang tungkol dito. Kung nagawa ni Ram na ipagpalit siya sa isang babaeng na kagaya ni Shane ay wala na siyang magagawa! Pagod na pagod na siya sa lahat ng sakit na nararamdaman niya! Gusto na lang niyang maging bula at basta na lang maglaho! Napahagulhol na lamang siya ng iyak sa mga balikat ni Jessa nang tuluyan nang makaalis si Shane. "Ram Steven Contreras kailangan mapawalang bisa na ang kasal nating dalawa sa lalong madaling panahon! Sa ginawa ninyong ito ni Shane sa akin....mas lalo mong pinatunayan na wala na akong dapat na ipaglaban pa ...para sa ating dalawa!" "Suko na ako Ram...pagod na akong mahalin ka!"
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD