Chapter Five: Hatred

1554 Words
"Grabe! As in grabe din naman ang kabit ng asawa mo Allyna! Hindi ako makapaniwala na siya pa itong may ganang magtaray sa iyo! Eh siya na itong malaki ang kasalanan!" ani Jessa na halos nanginginig sa galit. Kakaalis lang ni Shane at ng mga body guards nito. Kinailangan pa ni Jessa na kumuha ng isang basong tubig at ipinainom iyon sa kaibigan. Nangangatal si Allyna at bakas ang matinding galit sa mga mata nito. At alam ni Jessa na kahit naman siya ang nasa kalagayan ng kaniyang kaibigan ay natitiyak niya na ganitong-ganito rin ang mararamdaman niya. Mabait pa kung tutuusin ang kaibigan niya dahil nagawa pa nitong magtimpi sa babaeng higad na iyon... dahil kung kay Jessa lang nangyari ang ganitong kalapastanganan malamang na sinugod na niya si Shane..lalo pa nga at siya itong nasa teritoryo niya! Pero kilala niya si Allyna...alam niyang nagtitimpi ang kaibigan niya dahil isinasaalang- alang rin nito ang mga magulang. Baka hindi kayanin ng mag-asawang matanda kung makikita nila si Allyna na nakikipag away lalo pa nga kung aabutin ng pisikalan! "Allyna...kumalma ka baka kung mapaano ka niyan e...hayaan mo na lang sila.. tutal mapapa walang bisa na rin naman ang kasal ninyo ni Ram hindi ba?" nag-aalalang ani Jessa. "Ang sakit Jessa...sana sinabi na lang sa akin nang maayos ni Ram na ayaw na niya sa akin...hindi yung ganito para akong maduming basahan na pagkatapos niya gamitin ay basta na lang niya itatapon! Hindi ko akalain na magagawa itong lahat ni Ram sa akin Jessa!" ani Allyna sa pagitan ng paghikbi. "Ganun yata talaga ang mga lalaki Allyna...hindi man lahat..pero marami na sa kanila ang hindi makontento sa iisang babae lang! Ang masama...hindi natin inaasahan na gagawin din ito sa'yo ni Ram..nakita ko naman kung paano ka niya ipinaglaban noon...si Shane lang pala ang sisira sa inyong dalawa!" Nasa ganoong sitwasyon sila nang biglang mag ring ang cellular phone ni Allyna. Hindi niya nahagip ang tawag pero base sa call history ay si Ram ito.. kasunod ng isang text message. "We need to talk Allyna..." Ipinadala din ni Ram ang address ng isang restaurant kung saan sila mag-uusap. Maigsi lang ang message na iyon ng lalaki pero sapat na para bumilis ang tahip ng kaniyang dibdib. May kung anong tila naka bara sa kaniyang lalamunan at pakiramdam niya ay sinasakal siya hanggang sa maubos na ang kaniyang hininga! Nanginit ang magkabila niyang mata at hindi na niya namalayan na patuloy na pala ang paglalandas ng luha sa magkabila niyang pisngi. Ang sakit sa dibdib ng ginawang ito sa kaniya ng lalaking kaytagal niyang minahal. Napaka unfair talaga ng lahat para sa kaniya... matapos niyang ibigay ang sarili kay Ram nang buong-buo...at alagaan ang kanilang relasyon...mauuwi rin pala sa hiwalayan...sana pala hindi na lang sila nagpakasal ni Ram! Sana hindi na lang ito nagpakita ng kabutihan sa kaniya nung una pa lang...para hindi na nahulog ang loob niya...para ano? Masaktan lang sa huli?! Patuloy ang mabilis na pintig ng kaniyang dibdib .... iniisip niya kung sapat na ba ang galit sa puso niya para matanggap niya ang kataksilan ni Ram! At ang sagot ay hindi.... hindi niya matanggap na ang isang kagaya ni Shane ang magiging dahilan para sirain ng kaniyang asawa ang maganda nilang samahan nung una! Kinabahan siya bigla nang maisip na magkikita sila ngaun... hindi niya gustong magpakita ng kahinaan.... Kung hindi niya ito haharapin para na rin niyang inamin kay Shane na isa siyang malaking talunan! At hindi niya mapapayagan na mas lalong mag mukhang kawawa sa paningin ng dalawang taksil na ito! Kung nagawa ni Ram na talikuran siya ay haharapin niya ito nang buong tapang! Wala rin naman siyang choice....kung hindi magtapang-tapangan kahit na ang totoo durog na durog ang buo niyang pagkatao!!!! Wala na siyang balak na suyuin pa si Ram...gaano man kahirap na ituloy ang buhay ay pipilitin na rin niya...dahil wala na siyang mararamdaman ngayon kung hindi matinding galit! Puno nang galit at hinanakit ang puso niya! At dahil tila hindi pa quota ang dalawa ni Shane at ni Ram sa pananakit sa kaniya sa araw na ito ay kailangan niyang magtapang-tapangan! Hindi niya uurungan si Ram! Mabuti na rin ito para mapag-usapan nila ang pagtatapos ng kanilang pagsasama! Para masabi niya na kung ayaw na sa kaniya ni Ram ay mas ayaw na niya! Pagkatapos ng ginawa ni Shane pakiramdam ni Allyna mas lalong tumindi ang poot niya kay Ram. Hindi siya makapaniwala na hinayaan nito si Shane na tratuhin siya nang ganito! "Sis...ano makikipag-usap ka ba kay Ram...tingin ko kasi hindi ka okay eh" nag-aalalang ani Jessa. "Gusto mo ba na samahan kita?!" dugtong pa nito. "Hindi Jessa... haharapin ko nang mag-isa si Ram! *********** Sa isang kilalang restaurant sa Tagaytay sila nagkita ni Ram. Malapit lang ito sa lugar nila kaya siguro minabuti ng lalaki na dito siya yayain. Hindi rin magawa siguro ni Ram na personal na magsadya sa tahahan nila para doon na sana sila mag-usap dahil umiiwas din siguro ang lalaking ito na makarinig ng sumbat mula sa kaniyang mga magulang. Alam ni Allyna na nagpipigil lang din ang kaniyang Itay...hindi rin niya maipapangako na wala itong masasabing makakasakit sa damdamin ni Ram kung magkakaharap ang dalawa ng kaniyang asawa....na ngayon ay malapit na rin niyang tawagin na ex-husband... Saglit na hinanap ng kaniyang mga mata sa loob ang lalaking kanina pa laman ng kaniyang isip.... Hindi nagtagal ay nakita na niya si Ram. Nakaupo ito sa pinaka sulok na bahagi ng restaurant. Seryoso ang mukha ng lalaki. "H'wag kang mag-alala Ram...malapit ka nang maging single...magiging masaya na kayo ng kabit mo!" sigaw ni Allyna sa kaniyang isipan. Pinuno niya ng hangin ang dibdib saka pasimpleng sinulyapan si Ram bago tuluyang pumasok sa loob. Kapansin-pansin ang pagkabalisa ng lalaki habang panay ang sulyap sa relong pambisig nito. Simpleng jeans lang at polo shirt ang soot ng lalaki pero lutang pa rin ang kakisigan nito. Muli...sinaway ni Allyna ang sarili dahil sa likod ng isip niya ay alam niya na namimiss pa rin niya si Ram. Ayaw man niya aminin. nahihirapan siya mag adjust sa araw-araw... "I'm sorry kung pinaghintay kita!" malamig na ani Allyna. Nais sana na alalayan ni Ram sa pag-upo ang babae pero sumenyas lang si Allyna na kaya niya ang kaniyang sarili at hindi niya kailangan ang tulong nito. "I'm so sorry Allyna" ani Ram nang tuluyan nang maka upo ang babae. "Sorry for what?" malamig pa rin na sagot niya. "For... hurting you ... " "Let's make this simple Ram...alam kong gustong-gusto mo nang maging malaya kayo ni Shane!" "Alam mo na hindi yan totoo Allyna...walang namamagitan sa aming dalawa!" "Gustong-gusto kong paniwalaan ka nung unang beses mo pa lang na sinabi yan Ram...pero hindi ko kayang lokohin ang sarili ko! " "Wala kaming relasyon Allyna... nagawa ko lang magkaroon ng back up phone para hindi ka na magalit sa akin tuwing nakikita mo na kausap ko siya...alam mo naman na business partner kami hindi ba? Natural lang sa amin na palagi kaming mag-kausap... pero hanggang doon lang iyon...nothing more!" "Dinala na niya sa bahay lahat ng damit na naiwan ko! I can't believe na hinayaan mo siya na gawin lahat nang iyan?!" sumbat ni Allyna. "What?! Believe me hindi ko yan alam...si Mama... Allyna iniwan ko sila doon sa bahay natin kahapon... sa condo ako natulog....hindi kaya....." "Hindi kaya ang Mama mo at Shane ang nag-empake ng lahat ng gamit ko?! Hindi ko na alam Ram kung ano ang paniniwalaan ko sa lahat ng sinasabi mo!" "H...hindi ko mahal si Shane Allyna... I still love you..ikaw ang mahal ko!" "Hindi mo mahal si Shane? Pero may nangyari na sa inyo ganun ba? Hindi aakto nang ganun si Shane kung wala siyang pinanghahawakan sa'yo Ram!" sumbat ni Allyna na puno nang hinanakit. Pinipilit niyang hanapin ang katotohanan sa mismong bibig ng lalaki. Hindi makasagot si Ram at biglang nagyuko ito ng tingin. "Sagutin mo ako Ram...tama ako hindi ba?!" gustong-gusto ni Allyna na pigilin ang luhang kanina pa nagbabadyang pumatak mula sa mga mata niya pero hindi siya nagtagumpay. Kasabay nang pag-agos noon ang sakit na pilit niyang itinatago sa dibdib dahil ayaw niyang magpakita ng kahinaan. "Babe sorry naging mahina ako—" ani Ram sa nangangatal na boses. Yun lang at isang malutong na sampal ang dumapo sa pisngi ni Ram. "Minahal kita nang totoo Ram...naging tapat ako sa'yo...nangako ka na hindi mo ako sasaktan!" "Sorry babe...sorry...please ayusin natin ito...kakausapin ko si Mama at Papa...hindi ko na itutuloy ang partnership namin ni Shane... please.. hindi ko kaya na wala ka...i-isang beses lang may nangyari sa amin babe...nung nalasing lang ako! H...hindi na yun naulit! Wa...wala naman talaga kaming relasyon....lasing ako Allyna hindi ko alam kung paanong—". " All this time tama pala ako ng hinala—. Wala kang ginawa kung hindi mag deny Ram... ang sakit! Para mo na akong pinatay ng paulit-ulit!" "Babe... I'm sorry sa lahat ng nasabi ko....natakot ako na aminin ang lahat ng ito nung una pa lang...dahil ayoko na mawala ka sa akin! Please maniwala ka..hindi ko sinasadya na may maganap sa aming dalawa...lasing ako nun! Isang beses lang—". "Wala akong pakialam kung isang beses ninyo lang ginawa Ram...niloko mo pa rin ako...pinagtaksilan! Tama lang na maghiwalay na tayong dalawa...wala nang pag-asang maayos natin ito Ram!"
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD