Mabilis na lumabas si Allyna mula sa restaurant. Nasa dulong bahagi na sila ng restaurant ni Ram pero nakuha pa rin nila ang atensiyon ng mga tao.
May mga dumadaan na bus sa highway diretso ng Batangas, kaya bago pa siya tuluyan na makakuha ng simpatiya ng mga tao sa lakas ng sampal na ibinigay niya sa pisngi ni Ram ay kaagad na siyang lalayo.
Isa pa hindi niya alam kung kaya pa niyang magtimpi pa ng damdamin kung mas magtatagal pa siya sa lugar na iyon.
Parang mawawalan siya nang hininga matapos aminin ni Ram ang lahat!
Masakit pa rin pala marinig kahit matagal na naman itong nararamdaman ng puso niya!
Alam niyang may ibang babae si Ram... kahit paulit-ulit itong mag deny!
At malakas ang pakiramdam ng mga babae...
Nakita pa niya na hinabol siya ni Ram pero mabilis na siyang nakasakay sa bus kaya wala na itong nagawa pa.
Tahimik siyang lumuha habang nakatanaw sa labas ng bintana.
Wala na siyang pakialam kung pinagtitinginan siya ng mga tao na sakay rin sa bus.
Balewala na sa kaniya ang anumang iisipin nila dahil hindi na niya kaya pang magkunwari na durog na durog ang buong pagkatao niya!
All this time lahat ng hinala niya ... lahat ng tumatakbo sa isip niya ay totoo!
Tapos ....nang mga panahong puro siya hinala ay puro tanggi din ang lalaki at siya pa itong mali?!
Yun naman pala ay totoo nga...totoo na niloloko siya!
Ano ba ang kulang sa kaniya?
Bakit nagawa ni Ram na makipag s*x kay Shane?
Ano ang kulang sa kaniya?
Mataba na ba siya? Hindi na ba sexy, ganun ba?
Hindi na ba kaakit-akit para kay Ram ang katawan niya?
O baka tama nga si Shane... boring siya?
Na bored na ba si Ram sa kaniya?
Dahil lagi siyang nasa bahay at naka simpleng ayos?
Nawala na ba ang spark sa kanilang dalawa?
O sadyang matigas ba ang loob niya dahil kahit na nag sosorry na sa kaniya si Ram ay hindi niya kayang patawarin ito?
Dahil sa bigat ng kasalanan ni Ram alam niya na hindi lang basta sorry ang makakapawi noon!
Hindi magic ang salitang sorry para bigla na lang niyang makalimutan ang kataksilan ng kaniyang asawa!
Totoo pala ang kasabihan na " What you don't know won't hurt you" pero masakit din naman na hindi mo nga nakikita na pinagtataksilan ka pero nararamdaman na ito ng puso mo!
Wala na ang anim na taon nilang pagsasama bilang mag-asawa...tapos na ito ngayon!
Hindi na niya alam kung gaano pa siya katagal na lumuluha pero nararamdaman niya na namumugto na ang mga mata niya dala ng pamamaga noon.
Ilang sandali pa may lalaking tumabi sa kaniya at nagulat pa siya nang abutan siya nito ng isang panyong puti.
Bahagyang napakunot ang noo niya dahil naisip niya na baka kanina pa siyang pinagmamasdan ng lalaking ito at naawa na sa kaniya kaya sa kakaiyak niya kaya hindi na nakatiis at nag offer na ng pamunas sa namamaga niyang mga mata na hindi na yata mauubusan ng luha.
Nagdalawang isip pa siya kung tatanggapin niya iyon o hindi pero sa huli ay kinuha na rin niya.
"S...salamat!"
"Mas mabuti siguro kung uubusin mo na yung luha mo ngayon Allyna...para bukas maka- move on ka na...walang halaga ang pagluha mo para sa taong hindi naman katapat dapat iyakan! "
Biglang nakaramadam ng kakaibang kaba si Allyna nang marinig ang pamilyar na boses na iyon.
Kanina pa sige ang pagpupunas niya ng luha gamit ang panyolito ng mamang katabi niya pero hindi naman niya tinitingnan ang mukha.
Halos malaglag ang panga niya nang mapagsino ang may kaniya ng baritonong tinig....walang iba kung hindi si Tim!
Or... si Timothy Ralf Dela Vega.
Isa sa matalik nilang kaibigan ni Jessa si Tim noong highschool at college.
Isa rin ito sa mga naging manliligaw niya noong college days pero hindi niya talaga makita ang sarili na mainlove kay Tim kahit pa magandang lalaki rin naman ito kahit noon pa dahil sa pagiging matalik nilang magkaibigan at magkababata.
At kahit ilang beses pa nga niya binasted si Tim kahit kailan hindi niya nakita o naramdaman na nagtampo ito sa kaniya.
Kahit si Jessa sinasabi sa kaniya noon pa man na mas mainam na si Tim na lang ang mahalin niya dahil tiyak na hindi siya nito magagawang saktan...pero baliw ang puso niyang nagmamahal kay Ram dahil sa huli ay mas sinunod pa rin niya ang tawag ng damdamin.
Pinili niya ang pag-ibig sa lalaking malaki ang agwat ng pamumuhay sa kaniya, isang lalaki na may mga magulang na hindi naman siya tanggap dahil sa mahirap lang siya at hindi gaya nila na mayaman.
Suntok man sa buwan ang relasyon nila ni Ram ay naging bulag siya dahil sa sobrang pagmamahal.
At ngayon tila nagkatotoo na nga ang kutob ng kaibigan niyang si Jessa dahil mukhang failure nga ang marriage nilang dalawa.
Sa halip na ligaya ay dusa ang sinapit niya!
Mahirap talagang magmahal nang sobra-sobra...lalo na kung wala nang matitira para sa sarili dahil kapag nabigo ka wala ka nang iba pang mararamdaman kung hindi puro pait na lang!
"Mukhang hindi ka okay Allyna?!" may pag-aalala ang boses ni Tim.
"Ah....na..naku...okay lang ako Tim.. Wala ito!" ani Allyna na ibinaling ang tingin sa labas ng bintana ng sinasakyang bus.
Nakaramadam ng pagkapahiya si Allyna sa muli nilang pagkikita ni Tim.
Sa halip na magkamustahan sila ng magagandang bagay bilang matalik na magkaibigan ay tila nahuli pa siya ng lalaki sa pinaka worst na tagpo ng buhay niya.
"Halika... sama ka sa akin...bababa ako diyan sa may kanto iniwan ko ang kotse ko kanina diyan sa station ng pulis... may nilakad ako sa Tagaytay e..walang pwede pag parkingan kaya nag commute ako.. diyan na tayo sumakay pauwi ng Batangas" nakangiting ani Tim.
"Ha..hindi na Tim ...okay lang dito na ako"
"No...I ..insist...magkaibigan pa din naman tayo hindi ba? Hindi kita kayang hayaan dito na ganiyan ang kondisyon mo Allyna".
Sandali siyang nag-isip.
Naisip niya na kung didiretso na siya pauwi baka namumugto pa rin ang kaniyang mga mata at maga pa rin ang mga ito dala ng sobrang pag-iyak.
Hanggang maari ayaw na sana niyang bigyan ng alalahanin ang kaniyang mga magulang.
May edad na rin ang mga ito.
Makakasama sa kanila kung patuloy nilang makikita na miserable ang buhay niya dahil sa failed marriage nila ni Ram.
"Tim..sure ka ba na okay lang na sumabay ako sa'yo?" may pag- aalinlangan niyang ani.
"Don't worry Allyna...binata pa rin ako hanggang ngayon kaya for sure wala ka magiging problema...wala akong asawa na magseselos kapag nakita na kasama kita!" natatawang ani Tim.
Nakaramdam ng pag-iinit ng mga pisngi si Allyna... hindi niya akalain na mahulaan ni Tim ang tumatakbo sa isip niya.
Hanggang maari ayaw rin naman niyang may ibang babae na sumama ang loob at pag-isipan pa siya ng malisya kung sakali.
Inilahad ni Tim ang palad niya kay Allyna at marahan na pinisil iyon.
Hanggang sa pumara na ito nang marating nila ang kanto na sinasabi ng lalaki.
Inalalayan siya nitong pababa sa bus.
"Stop crying now Allyna... I know exactly one place kung saan mababawasan ang problema mo!"