Chapter Seven: Lost in Love

1166 Words
"S...saan ba tayo pupunta Tim?" "Sige...saan sa palagay mo? Ito yung lugar kung saan tayo madalas tatlo ni Jessa." ani Tim na malapad na nakangiti. "Good afternoon po sir dela Vega", magalang na bati ng pulis na nakasalubong nila habang papasok ng police station. Nagtatakang napalingon si Allyna Kay Tim na magalang rin naman na tinanguan ang pulis na bumati sa kanila. "Cuevas...kunin ko lang itong kotse..uuwi na muna ako ha? Kayo na ang bahala dito". "Yes..noted sir!". Malapad ang ngiti ng batang pulis habang nakamasid sa kanila. "O sige.. tawagan ninyo ako anytime kung may problema dito ha?" ani Tim at hinawakan siya sa may siko habang inaalalayan sa pagsakay sa passenger seat ng kotse. Matipid din siya na ngumiti sa iba pang pulis na nakamasid sa kanila ni Tim. Hindi siya makapaniwala na pulis na pala ngayon ang kaniyang kababata. Hindi na kasi sila nagkaroon ng communication after niyang magpakasal kay Ram. Hindi na Rin naikwento ni Jessa... marahil dahil sa ang naging focus na lang nilang dalawa ay ang problema niya sa dati niyang asawa. Nang tuluyan na silang makasakay sa kotse ay pinaandar na ni Tim ang sasakyan. "Allyna" "Hmmm?!" "I'm glad nagkita tayo ulit ... it's been a while..." "O..oo nga Tim... pasensya ka na kung hindi ko na kayo halos nakaka-usap ni Jessa ha..." "Okay lang yun, I understand Allyna" Ani Tim na sinundan ng banayad at tipid na ngiti. Ganun naman palagi si Tim. Palaging maunawain....palaging mapagbigay. Ano na nga ba ang nangyari sa pagiging matalik nilang magkaibigan ni Tim? Pinabayaan niya na umikot ang mundo niya kay Ram pero heto siya ngayon ..sa bandang huli si Tim pa rin pala at Jessa ang magiging karamay niya. Pakiramdam ni Allyna ...nawala na ang dating siya! Halos hindi na niya kilala ang sarili! Naramdaman niya ang kahungkagan ng kaniyang pagkatao! Parang kahit sa sarili ay nawalan na rin siya ng respeto! Hindi siya makapaniwala kung paano na siya magbitiw ng mga salita ngayon. Kung noon ay mahinahon siya...simula nang makaramdam siya ng hinanakit at sama ng loob Kay Ram ay tila kasabay na rin na nagbago ang kaniyang mood ...mas madalas na wala siyang gana sa lahat ng bagay... depressed...mainitin ang ulo at palagi na lang siyang malungkot! Ang hirap din pala! Palibhasa maayos ang naging pagsasama ng kaniyang mga magulang hanggang sa pagtanda kaya mas doble yung sakit para sa kaniya... wala siyang idea na ganito pala ang magmahal at masaktan ng iisang tao lang. Yung mahal na mahal niya si Ram but at the same time ay kinasususklaman din niya ito! Naging banayad ang takbo ng sasakyan ni Tim. Pakiramdam ni Allyna dumagdag pa sa nararamdaman niyang sakit sa dibdib ang unti-unting pagkagat ng dilim. Para bang mapupuno na naman Ng kadiliman ang kaniyang buong daigdig! Pinilit niyang ipikit na muna ang mga mata baka sakaling dalawin siya ng antok. Ilang gabi na rin siyang balisa sa pagtulog. Gustuhin man niyang matulog pero yung isip naman niya ay gising! Yung hindi natatapos yung pagtakbo ng imagination niya sa kung paano ba siya niloko ni Ram! Ang pait .....ang sakit! Si Ram ang pumasok sa tahimik at simpleng buhay niya.... pinaibig ...sinuyo at pinaramdam sa kaniya ang sobra-sobrang pagmamahal pero siya ring nagwasak at dumurog ng kaniyang puso! Hindi niya alam saan ba siya ngayon magsisimula? Sapat na ba yung galit para makalimot? Kung palaging laman ng isip niya ang kabiguan na sinapit niya sa piling ni Ram. Palagi niyang tinatanong ang sarili kung ano ba ang kaniyang kasalanan?! "Hey! Parang ang layo na nang naabot ng isip mo! Please Allyna be kind to yourself... ayokong nakikita Ka na malungkot.... hindi Ikaw yan Allyna!" "Tim... magsisinungaling ako kung sasabihin ko na okay lang ako... of course I'm not...sa totoo lang hindi ko alam kung may chance pa ba na makalimutan ko ang sakit na nararamdaman ko sa ngayon" ani Allyna na bahagyang pumiyok ang boses. Gusto sana niyang pilitin na h'wag na umiyak pero huli na dahil malaya nang naglandas ang mga luha niya. Sana kasabay ng pagpatak ng mga luha na iyon ang pagkapawi ng lahat ng sakit ng kalooban na naramdaman niya. May pag-aalala sa mga mata ni Tim nang lingunin siya nito. Kaagad nitong inihinto ang kotse sa tabi at pinawi ang mga luha ni Allyna gamit ang sariling palad. "Shhhhh.... magiging okay din ang lahat Allyna... I hate to see you crying..." ani Tim habang yakap-yakap si Allyna at masuyong hinahaplos ang likod nito. Dama ni Tim ang bigat ng kalooban ni Allyna. Sing bigat din ng kalooban niya nang sandaling piliin ng babae noon si Ram. Noon halos mawasak rin ang puso niya dahil ilang beses tinanggihan ni Allyna ang kaniyang pag-ibig! Tinanggihan siya ni Allyna dahil noon pa man....alam niyang hanggang pagkakaibigan lang ang kaya nitong ibigay sa kaniya ....nothing more ... Pero ang pinaka masaklap... nagawa rin ni Allyna na kalimutan ang pagkakaibigan na iyon dahil sa labis na pagmamahal Kay Ram. Sobrang seloso na tao ni Ram...hindi nito nais na magkaroon ng komunikasyon sila ng matalik niyang kaibigan. Kahit malinaw na sa kaniya na pagkakaibigan na lang ang intensyon niya sa kababata ay ipinagkait pa rin ito ni Ram. Ginawa ng lalaking ito na siya lang ang mundo ni Allyna! Bawal nilang kausapin ni Jessa si Allyna kahit sa telepono lang...naging makasarili si Ram sa atensiyon na kayang ibigay ng kaniyang asawa. At ngayon na sinaktan lang nito si Allyna ay mas triple pa yata ang sakit para sa kaniya dahil aminado siya sa sarili na mahal pa rin niya ang kaibigan niya kahit ilang taon pa ang lumipas. Walang nabago sa pagmamahal na iyon! Hindi nagawa ng kahit sinong babae ang mapalitan ang pwesto ni Allyna sa kaniyang puso! In fact ...sinubukan rin naman din niya ang magkaroon ng kasintahan....pero wala ni isa sa kanila ang totoong minahal niya. Kusa na siyang nakikipaghiwalay kapag naramdaman na niya na ...gusto na ng mga ito na lumagay sa tahimik. Pakiramdam ni Tim, hindi niya kayang magpakasal sa kahit na sino maliban kay Allyna. Masakit na katotohanan na sa buhay na ito ....hindi talaga lahat ay maaring makuha ng sinoman! Mahal na mahal niya si Allyna noon hanggang ngayon pero mahal pa rin nito si Ram. At si Ram naman... minahal at pinag alayan ni Allyna ng kaniyang pagmamahal at kahit ng buong sarili nito pero heto at nagawa pa rin na lokohin at saktan! Nakakatuwang isipin kung paano sila ni Allyna pinaglaruan ng tadhana...kung kaya lang sana niya na turuan ang puso nito na siya na lang sana ang minahal nito noon pa man...sigurado siya na hinding-hindi masasaktan ang kaniyang kababata sa piling niya.... "Tim... durog na durog ako!!! Gusto ko nang maglaho at mamatay na lang para wala na itong pesteng pagmamahal na meron ako para kay Ram!" ani Allyna na puno nang hinanakit ang kalooban, sa pagitan ng mga hikbi. "No... don't say that Allyna...hindi Ka pwedeng mamatay at maglaho na lang para sa isang lalaki na hindi ka pinahalagahan!"
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD