Halos mapugto ang hininga ni Jessa nang makita ang namumutlang mukha ni Allyna. Bahagyang nagkukulay ube na rin ang labi ng babae. Walang malay ang kaniyang kaibigan nang ihiga ito sa sahig ng cottage. Gusto niyang sumigaw nang ubod lakas sa tindi ng emosyon na nasasa dibdib niya.... pero alam na alam ni Jessa na sa mga sandaling iyon walang magagawa kung magpapadala siya sa nerbyos baka lalo lang hindi maging wasto ang maging aksiyon nila ni Tim. Presence of mind ang higit na magiging lakas nila upang mailigtas ang kaibigan nila! Hindi nila sukat akalain na gagawin ni Allyna na patayin ang sarili! Yes given na wasak ang puso nito ngayon.. pero hindi naman nila akalain na talagang aabot siya sa ganito! Alam nila parehas na hindi marunong lumangoy ang kaibigan nila. At malaki ang ta

