Lumipas ang mga araw, linggo at buwan. Hanggang sa dumating na ang araw na napawalang bisa na ang kasal ni Allyna at Ram. Maimpluwensya ang pamilya ni Ram at kilala sila sa lipunan kaya hindi malabo na magawan nila ng paraan ang agarang pagpapawalang bisa ng kasal nila. Isang bagay na hindi naman ipinagtataka ni Allyna. Siguro nga mas mabuti na rin na ganun na yung mangyari dahil doon rin naman mauuwi ang lahat. Para matapos na ang sakit na nararamdaman niya na tagos na yata hanggang buto. Baka sakaling mapagod yung isip niya sa patuloy na pagtakbo hanggang sa matutuhan na niyang ibalik sa dati Ang buhay niya na sinira ng sobra niyang pag-ibig sa dati niyang asawa! Karaniwang inaabot ng apat na taon o higit pa para ganap na mawalan ng bisa sa Pilipinas ang kasal ng dalawang tao pero

