Chapter 8

1873 Words
Fake Teacher 8-Play Money "Hi ma'am!Need a ride home?"dinig kong sabi ng isang lalaki sa bandang kaliwa ko. Nandito ako ngayon sa tapat ng main gate ng Nicolas University.Papara sana ako ng taxi pauwi at dahil gabi na,halos wala ng sasakyang dumadaan ngayon. Binaba ng lalaking yun yung salamin ng kotse niya.Pagkakita ko sa kanya,bigla akong nagulantang.Siya yung estudyante kanina na bumuhat sakin palayo sa G-Six.Yung nag-apology kanina bago umalis. "Kung okay lang.Kung okay lang na maki-sakay ako."sabay ngiti sa kanya. Nababaitan ako sa kanya,sa totoo lang.Gusto ko yung mga taong marunong mag-sorry at pinapaliwanag kung bakit nila nagawa yung gawain na kinainisan sa kanila,tulad nalang ng ginawa niya kanina. "Siyempre naman po,kaya nga po ako nag-aya eh,tsaka way na rin po to para makapag-sorry ako." Ngumiti lang ako sa kanya at binuksan yung kotse niya.Umupo naman ako sa tabi niya at agad naman niyang in-start yung engine. Tahimik lang yung byahe,medyo malayo layo rin kasi yung mansion nila Mr.Woo. "By the way maam,ano pong address niyo?"kanina pa tumatakbo itong kotse niya pero infairness ha?Tama naman yung tinatahak niyang daan. "Sa Woo's residence,alam mo ba yung bahay nila Mr.Woo?Yung principal ng school natin?" "Ah! opo." "Ano palang pangalan mo tsaka anong seksyon ka?" "Kevin Galang,4th year,section 3." Ka-apelyido niya si Kyla ha?Matanong nga kung kilala niya. "Kilala mo ba si Kyla Nicole Galang?" "Hmmm.Opo." "Talaga?Bakit mo kilala?"   Tumingin siya sakin at bigla namang umiling at ngumisi,anong problema niya? "Kapatid ko ho siya.Bakit niyo naman po natanong?" "KAPATID?!"halatang nagulat siya sa sigaw ko dahilan para mag-preno siya.Eh talaga namang nakakagulat,di manlang kasi sinabi ni Kyla na may kapatid siya.Ang liit naman kasi ng mundo,kung bakit sa dinami dami ng makakakita sakin,SIYA PA?!"Ah,sorry,nagulat lang ako."paumanhin ko sa kanya.Agad naman niyang ini-start yung kotse at nagpatuloy sa pagtakbo. "Bakit po kayo pupunta kila Mr.Woo?"tanong niya sa kalagitnaan ng biyahe. Anong isasagot ko?Na slave ako ng triplet niyang anak? Na dun ako nakikitira?Siyempre,hindi noh? "May importante lang raw asikasuhin para sa forms ng mga estudyante sa 3rd year-Last Section" "Ano?Kayo?Teacher ng last section?Jusko!Mag-ingat po kayo." Marami ng nagsasabi niyan.Alam na alam ko na yung kalokohang pinagagagawa nila sa nagiging teacher nila,kaya nga nandito ako.Kaya ako nandito para bigyan sila ng leksyon,dapat makuha ng G-Six na yun kung anong dapat sa kanila.Eh teka nga,ba't ba mukha siyang concern? "Alam ko na yun." Pagkatapos nun,balik na uli kami sa pagiging tahimik.Ang sakit lang sa tenga,nakakabingi.Nasanay na rin kasi ako dun sa Last section kahit pangalawang araw palang ngayon.Ang iingay kasi ng nga yun,pero itong si Kevin? Walang wala sa kanila.Tingnan mo nga,bagay na bagay yung apelyido sa ugali.Napaka-maGALANG niya.Nagpo-PO at OPO.Sana ganito lahat ng kabataan,'marunong gumalang sa nakatatanda'. Huminto na yung sinasakyan naming kotse,sign na nandito na kami sa tapat ng mansion nila Mr.Woo. Tumingin ako sa labas at hindi naman ako nagkamali.Bubuksan ko na sana yung pintuan kaso pinigilan naman ako ni Kevin. "Ako na po mam."agad naman siyang lumabas,umikot at binuksan yung pintuan ng kotse. Akala ko,wala ng natitirang gentleman sa mundo,meron pa pala.Grabe,pinahanga niya ko sa pinakita niya sakin ngayon,sana hindi to panaginip. "Salamat."nangi-ngiti kong sabi sa kanya at agad naman siyang sumagot ng... "Basta ikaw pa,malakas ka sakin mam eh,sorry po sa pagiging FC." Parehas kaming natawa.Pagkatapos nun ay pumasok na siya at umalis na.Ako naman,nag-wave.Nagbabakasakaling nakikita sa side mirror ng kotse niya. What's the next step? Oh my gosh!Naiinip na pala yung triplet!Ba't ba ngayon ko lang naalala?Oh my god!!!!! Agad akong dumeretso sa gate.At dahil kilala na ako ng guard,walang tanong tanong ay pinapasok niya agad ako. Sht!Ano kayang gagawin ko pag super saiyan mode na yung tatlong yun?Paniguradong matataranta ako!!!! T.T Tumakbo ako papuntang main door ng mansion nila.Pero habang tumatakbo,hinahalungkat ko yung bag ko at hinahanap yung phone ko.Bwisit na phone!Hindi ako nakikipag hide and seek!Magpakita ka! "Aray!!!"bigla akong napahiga sa sahig.Nagkalat yung laman ng bag ko at isa isa ko yung niligpit.Tumayo ako tsaka pinagpag ang sarili.Hoping na pintuan yung nabangga ko pero hindi pala. Si Melvin. Si Melvin yung nabangga ko,nasa kaliwa niya si Marvin at kanan naman si Martin. Oh my gulay! Eto na nga bang sinasabi ko!Super saiyan mode sila ngayon! "Melvin,Martin,Marvin..."nanginginig kong sabi... "It's already 7:11 in the evening.San ka nanggaling?"galit na sabi ni Martin. "Siyempre!Sa Nicolas!San pa ba?Tsaka anong paki niyo?Anytime naman akong pwedeng umuwi dito."pinakita ko sa kanila na hindi ako takot.Tinaasan ko ang pride ko at ayokong ipakita na mahina ako kahit slave nila ako. "Wow.Sa Nicolas?Excuse me!6:30 yung sara nila?Baka di mo alam.Nakipag-date ka pa sa pangit na yun eh.Tsk."cross arms na sabi naman ni Melvin. "Eh ano naman sa inyo kung nagde-date kami ni Kevin?" "Kevin?Sounds familiar."nakapamulsa na sabat ni Marvin. "Hmp!Excuse nga dyan!Dadaan ako."tinabig ko sila pero dahil malalakas tong tatlo,walang akong nagawa kundi ang bumalik sa harapan nila."Ano ba?Papasok na ko!!!!" "No.Hindi ka makakapasok."-Martin. "At bakit?Aber?!" "Samahan mo kami sa Mall."sabi ni Melvin na nakitingin sa kawalan.Ano raw?Mall?Anong gagawin namin sa Mall? "Mall?Anong gagawin dun?Bukas nalang!Gabi na!!" "We will go,either you like it or not!Slave ka at susundin mo kami sa iu-utos namim!"tapos ay bigla akong kinaladkad ni Melvin sa kotse. Psh!Napaka-bwisit talaga!!!Sawa na kong sumakay ng kotse!!!Pabalik balik nalang!!! Na-upo ako sa backseat,katabi ko si Marvin at nasa harapan naman sila Martin.Si Melvin ang driver. "Teka!!!Ano bang gagawin natin sa Mall!Gabi na eh!Bukas nalang!" "Kung di ka pa tatahimik dyan,susupalpalin ko yang bunganga mo eh!Manahimik ka nga!Ang ingay ingay mo."inis na sabi ni Marvin.Nanahimik nalang ako at wala ng magagawa kundi pupunta kaming mall. Nasa kaligitnaan kami ng biyahe nang matanaw ko sa bintana ang grupo ng pulubi na sabay sabay kumain sa gilid ng kalsada,masaya silang nagku-kwentuhan at nag-group hug pa.Dahil mabilis yung pag-drive ni Melvin,mabilis ring nawala sa paningin ko yung pulubi. Sa nakita kong yon,naalala ko yung pinakakamahal kong pamilya,yung inspirasyon ko,yung dahilan kung bakit ako nagpu-pursige ngayon. Ang hirap pala maging malayo sa pamilya,lalong lalo na kung wala pa kayong komunikasyon.Nami-miss ko na sila Nanay,Sila Tatay at yung dalawa kong kapatid .Lalong lalo na si Bonbon na may Leukemia pa.Nami-miss ko yung kakulitan nila. Hays...naalala ko tuloy yung boses ng pamilya ko,mga huling sinabi bago ako umalis... "Alagaan mong mabuti yung sarili mo anak ha?Kung nahihirapan ka,tawagan mo lang kami anak."mangiyak-ngiyak na sabi ni Nanay. Kasalukuyan akong umiiyak.Nalulungkot na mapalayo sa pamilya ko kasi magta-trabaho na ako. "Opo naman nay,ako pa,maalaga kaya ako sa sarili."sabi ko sabay buhos ng luha na nanggaling sa namamaga kong mata.Di ko na kinaya at niyakap na si Tatay,kasama si Nanay na umiiyak na rin. "Ate,wag mong kalimutan yung barbie doll ko ha?"rinig kong sabi ni Anika.Nakababata kong kapatid. Agad akong bumitaw sa pagyakap kina nanay at nilapitan naman si Anika."Ano ka ba Baby Nika?Hindi ko makakalimutan si Barbie,promise,ibibili kita..."pagkatapos kong sabihin yun bigla siyang umiyak."Oh,bakit ka umiiyak?"sabay pahid ng luha niya. "Eh kasi Ate umiiyak ka rin eh...Huhuhuhuhu" "Wag ka ng umiyak,magpapakabait ka dito kina nanay habang wala ako ha?" "Opo ate..." Tumayo ako tapos naglakad papuntang kwarto,hindi para matulog or kung ano kundi para puntahan si Bonbon na namumutla na at nangangayayat... Nakatulala siya sa kisame nang datnan ko siya,tiningnan niya ko at biglang tumulo ang luha niya... "Ate,kailangan mo ba talagang umalis?Wag muna,kasi kung babalik ka na dito...baka nasa langit na ko..."agad ko siyang nilapitan at niyakap.. "Wag mong sabihin yan,diba sabi mo lalaban ka sa sakit mo?Lumaban ka Bonbon...Tatlong buwan lang naman si Ate sa Maynila eh..."bigla uling bumuhos yung luha kong kanina pa pinipilit na pigilan...Hindi ko talaga kaya eh,isipin mong mawalan ka ng mahal sa buhay,ang sakit sakit na.Paano pa kaya kung totoong wala na? "Basta ate,umuwi ka agad ha?Para maabutan mo pa ako..." "Ssshhh.Hindi totoo yan,mabubuhay ka pa Bonbon,basta labanan mo lang yang sakit mo ha?Aalis na ate." Lumabas na ako ng kwarto at pinuntahan naman sa salas sila Nanay.Kasalukuyan silang nagpupunas ng luha maliban kay tatay na naka poker face. "Anak,trabauhin mo ng maayos yung pagiging yaya mo dun ha?" Tumango ako,binitbit ko na yung maleta ko at umalis na ng bahay na umiiyak pa rin. Ang sakit sakit isipin na umalis ka sa pamilya mo at pinagmukha mong tanga.Oo,nagsinungaling ako.Hindi ko sinabi na magiging Fake Teacher ako sa halip sinabi kong yaya. Nami-miss ko na talaga sila,kung malaman man nila na ganito yung trabaho ko,sana mapatawad nila ako... Hindi ko rin namalayan na tumulo na pala ang luha ko,kusa itong nagpatak at nagtuloy tuloy na. Miss ko na talaga sila... Miss na miss.... "Ooooooohhhh!May umiiyak palang 'play money."natatawang sabi ni Marvin kaya pinunasan ko agad yung mata ko at agad na hinarap siya. "Hoy!Anong Play Money ba yung pinagsasabi mo diyan.?!"inis kong sabi na para bang nane-nermon. "Play money?Di mo yun alam?Tsk.Kalahi mo yun eh,pinagkakait mo pa."-Martin. "TSEH!Mga bwisit.Panira ng araw."sabay irap. "Play Money?!Hmmmmm.Nickname ko na yon para sayo!Haha!!" "Hi Play Money!!!" "Mga bwisitt!Wag nyo nga tawaging ganyan!"naiinis kong sabi. "Whatever,Play money."tapos nagtawanan sila. Bahala sila kung anong gusto nila itawag sakin.Hmp.Nakakinis. Biglang huminto yung kotse at dahil huminto,sign na to na nasa mall na kami.Ano ba kasi yung pumasok sa isip nila at kailangan pa talagang mag-mall.Gabi na tsaka,ugh!Suot suot ko pa tong teacher's uniform. Pinark muna ni Melvin yung sasakyan at agad din silang bumaba.Ay sus!Akala ko pa naman pagbubuksan nila ako ng pinto,hindi pala!Mga ungentlemen!!!!!Nadaig pa ni Galang. Naglakad na kami papasok nitong mall.Siyempre,ako naman parang buntot na naka-sunod.Eh sa sinama nila ako ng biglaan eh.Psh. Dumeretso kami sa isang shop na kung saan,dito nabibili yung mga  dress,wedding gown,at kung ano anong pambabaeng accesories at damit... Teka Bakit kami nandito?Anong gagawin namin dito?Bibili ng pambabaeng... Ugh!Bakit dito? Busy ako sa pagtingin sa mga damit na naka-display dito at nabigla ako dahil may inabot sakin si Melvin na dress.Kulay pink siya tapos hanggang tuhod ang haba.May nga designs tapos kumikinang pa.Ang ganda~Teka,bakit niya iniaabot sakin to? "Oh,anong gagawin ko dito?"tanong ko sa kanya. "Isukat mo." "Isusukat ko?Bakit?!" "Basta!Gawin mo na!Dami mo pang dada." Wala akong nagawa kundi ang sundin ang utos niyang isukat ko yung inabot niyang dress.Wala akong kaalam-alam kung bakit niya to ginagawa,bakit nga ba? Pumunta na akong dressing room at hinubad muna yung uniform,agad ko namang isinuot yung dress at tiningnan ko sa salamin yung sarili ko. Ang ganda talaga nito!Grabe!Feeling ko para akong fairy na nakatira sa isang fairy world. Ugh!Gumagana na naman yung pagiging isip bata ko. Hinubad ko naman yun at sinuot uli yung teacher's uniform.Tinupi ko at agad ding lumabas. "Kasya."matabang kong sabi kay Melvin.Tumango lang siya tapos may inabot na namang damit pero this time,casual na siya.May kasama pa kasi tong palda na hanggang hita lang yung haba."Ano na namang gagawin ko dito?Isusukat ko na naman to?" "Suotin mo." "Ano?!Susuotin ko?Eh may damit naman ako ha?!" "Baliw ka ba?Naka-teacher's uniform ka tapos nandito ka sa pa mall." "Eh ano naman?" "Basta!Suotin mo!Nagre-reklamo ka pa kasi." Inirapan ko nalang siya at bumalik ulit ng dressing room,agad kong hinubad yung uniform ko at sinoot naman yung t-shirt na kulay green.Sinunod ko naman yung palda at natigilan ako saglit... Oh my god! Hanggang hita yung haba nito!Paano nalang kung humangin?Makikita yung panloob ko!Kulay pink pa naman.Huhuhu. Tiningnan ko sa salamin yung sarili ko,well,maayos naman.Naka-green na t-shirt,kulay violet na palda at naka-high heels.Kanina kasi nang inabot sakin ni Melvin yung paper bag,damit lang yung nakita ko.May high heels rin pala? Ano ba talagang binabalak nila? Sinukatan ako ng dress,pinasuot ng casual,ano pa?Ano pang gagawin nila? Lumabas akong dressing room pero bago yun,nilagay ko muna yung uniform at sapatos ko sa bag ko. Sumalubong agad sakin si Melvin na inip na inip na.May hawak siyang paper bag at paniguradong dress yung laman nun. "Asan yung dalawa?"tanong ko. "Ewan,naglibot ata."tamad na tamad niyang sabi. Di pa ko nakakapagsalita ay bigla niyang hinawakan yung kamay ko at hinila sa kung saan. San ba nito ako dadalhin? "Ano ba Melvin?San ba tayo pupunta?Di mo naman kailangan na-"bigla siyang huminto,dahilan para huminto rin ako sa paglalakad. "Dito,dito tayo pupunta." Bigla na naman niya kong hinila,hinila papasok ng... Bakit dito? Bakit dito sa... SALON?! "Te-teka Melvin,ba't ba tayo nandito?" "Ano ka ba Play Money?Eh di para mag make-over." "Haha,make-over lang pala..."natigilan ako sa sinabi ko."ANO?!MAKE-OVER?! Oh my god! Ba't nya ko ipapa-make-over?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD