Chapter 7

1447 Words
Fake Teacher 7-Her Love Story "Su-sure ka?Ex ka ni Ken?"buong pagtataka kong tanong sa kanya. Siyempre,hindi yun kapani-paniwala.Just imagine?Nagkagusto si Ken sa isang nerd?Eh kasi naman sa pagkaka-alam ko iba yung taste niya sa babae.Nakaka-gulat lang talaga. "Oo nga, ba't ba ayaw mong maniwala?"-Kyla "Weh?Di nga?Naging kayo talaga?"-Ako "Mukha ba kong nagjo-joke?"-Kyla "Oo nah,naniniwala na ako pero paano naging kayo at bakit kayo.....bakit kayo nag-break?"-Ako "Mahabang kwento Kate.Gusto mo ba talagang malaman?"-Kyla "O-oo naman,curiosity kills kaya."-Ako "Sabagay,naiintindihan kita.Ok....Ganto kasi yan.." *Kyla's Point Of View* First year ng una kaming nagkita ni Ken.Tanda ko pa non,nung una ko siyang makita,ang gaan gaan ng loob ko sa kanya.Nasa cream section kami nung time na yun,at parehas running for top 1.   Oo,magkalaban kami pagdating sa academics pero pag hindi na pag-aaral ang pag-uusapan,bestfriends na yung turing namin sa isa't isa. Nung mga panahong yun,hindi pa ako nerd.Hindi ako loner at maayos pa yung paraan ko ng pananamit. Every weekend,niyayaya ako ni Ken para pumuntang mall or we should say na nagla-lakwatsa kami.Ewan ko kung bakit pero nahulog ako sa kanya,na-inlove ako ng todo todo.Sino ba namang di mai-inlove sa isang matalino,gwapo + mabait?Bihira ka yata makakita ng ganung guy. Siyempre,kung mag-a-outing kami,di ko maiwasang kiligin.Iniisip ko na nagde-date kami kahit hindi naman talaga.Kaibigan ang turing niya sakin pero ang turing ko sakanya?Higit pa sa kaibigan. Months past.Habang lumilipas yung panahon,mas lalo kaming nagiging close at mas lalo akong na-inlove sa kanya.Lagi niya akong hinahatid sundo at laging siya ang ka-textmate ko. Pero itong pangyayari sa buhay ko ang hinding hindi ko malilimutan... "Kyla?"nanginginig na sabi ni Ken.Nasa park kami ngayon at parehas naka-upo sa swing. "Bakit?" "Ummm.May sasabihin sana ako." "Ano naman?Anong sasabihin mo?"nakangiti kong tanong sa kanya. "Kasi..."hinintay ko yung susunod niyang sasabihin,tumayo siya,lumapit sakin at... Niyakap ako... Para akong nasa cloud nine.Ewan ko kung bakit pero ang saya saya ko.Ang sarap sa pakiramdam na mayakap ka ng taong gusto mo. Teka,teka,teka,bakit niya ako niyayakap?OMG! "Kyla,kasi,gusto kita." Hindi ko alam yung gagawin ko.Magkahalong kaba at tuwa ang nararamdaman ko.Tuwa dahil may gusto rin siya sakin at kaba kasi di ko alam yung gagawin ko. Tinanong niya ako kung gusto ko rin ba siya,at oo,sinabi kong oo at sa sobrang saya niya,sumigaw  siya nun at binuhat pa ako. Yun din ang naging araw na naging kami,naging boyfriend ko na siya. Siya ang naging first boyfriend at first kiss ko. Simula nung araw na yun,lagi na kaming magkasama,HHWW lagi ang peg.Nakakahiya man makita ng ibang estudyante pero proud pa rin ako kasi naging kami ng taong gusto ko. Tatlong linggo ang lumipas,ganun ang naging routine namin.Susunduin sa umaga,sabay mag-lunch,at ihahatid pauwi. Hanggang dumating yung araw na pinakilala na niya ako sa barkada niya,ang G-Six. Masasama na ang ugali ng G-Six,dati pa.Lahat ay may kanya kanyang girlfriend.Nung mga araw na yun,magkasintahan pa si Marvin at Cindy pero hindi nagtagal,nag hiwalay din sila.Ayon sa mga usap-usapan,kaya daw sila nag-break up ay dahil kay Melvin.Sobra talagang nasaktan si Marvin kasi ganun niya talaga kamahal si Cindy. At simula nung araw na naging broken hearted si Marvin,doon na nagsimula ang kalbaryo ng mga estudyante sa Nicolas University. Naging malupit na ang G-Six.Mas malala pa kaysa nung nakilala ko sila.Kung dati,puro estudyante lang yung binubully,ngayon kahit teacher ay nasasali na. Kung ano anong klaseng pagpapahiya yung pinagagawa nila sa teacher,babatuhin ng bulok na kamatis o kaya'y bulok na itlog,bubuhusan ng harina o di kaya'y tubig,lagyan ng thumb tacks yung upuan at lalagyan ng super glue yung mga gamit nila.Kaya yung mga nagiging teacher nila?Hindi pa nakaka-isang linggo ay nagre-resign na.Kasangga nila yung last section sa mga kalokohan nila na kung saan,yun yung section ng G-Six,maliban kay Ken na kaklase ko pa ng mga araw na yun. Akala ko hindi madadamay si Ken sa kalokohan ng G-Six kaso,ang ayaw ko mangyari ay nangyari.Pinalipat siya nila Dennis sa last section para daw kumpleto silang anim doon. Ang sakit para sakin kasi simula nung nag-iba na siya ng section,dun din nag-iba yung pakikitungo niya sakin.Naging cold siya at mas lalong naging masungit.Nawalan kami ng communication sa isa't isa.Lapit ako ng lapit sa kanya pero itinataboy niya ako,ayaw niya ako pansinin at lagi siyang dedma. Sobrang sakit, kasi sa isang buwan,naging ganun siya sakin,lalong lalo na nang mahuli ko siya sa ginagawa niya isang gabi... Sabado ng gabi.9:30 at tandang tanda ko pa yun.Di ko alam kung anong pumasok sa isip ko na pumunta sa bahay nila.Nagulat pa ang securiy guard pero dahil kilala niya ako bilang girlfriend ni Ken,pinapasok naman niya ako. Pumasok ako sa mansion nila.Tinanong ang yaya kung nasaan si Ken at sinabi nilang nasa kwarto.Naghintay ako ng ilang minuto pero hindi parin siya bumababa,nainip ako kaya ako na ang pumunta sa kwarto niya. Dahan dahan. At the same time,kinakabahan. Paano kung makipag-break up siya sakin ngayon?Hindi ko yata kakayanin. Nasa tapat na ako ng kwarto niya,dahan dahan ko itong binuksan at.....nagulat ako sa nakita ko... Ken is n***d. At ang nakakagulat sa lahat... He's having s*x with someone... Umagos ang luha ko,kasabay nun yung pagsipa ko sa pinto dahilan para lumingon sila sakin. Ang sakit sakit lang.Yung mahal mo kabud mo nalang makikita sa kawarto niya at nakikipag-s*x?How bad!Ang sama sama niya talaga! Ang sakit sakit lang na makita siyang gumaganon... Dali dali niyang sinuot yung damit niya at yung babae na ka make-out niya,agad nagtalukbong ng kumot. Nilapitan niya ako at hinila  palabas,galit na galit siya,as in galit na galit...Kitang kita ko sa mukha niya..Isinakay niya ako sa kotse niya at pinaandar,ilang sandali pa ay huminto rin kami.Dito niya ako dinala,dito sa park,ito rin yung lugar na kung saan dito naging kami. "ANO BANG PUMASOK SA ISIP MO AT PUMUNTA KA SA BAHAY NAMIN HA??????"pagalit niyang tanong. Sa inasta niyang yun,mas lalo akong naiyak.Naiyak dahil siya pa ang galit eh ako na nga yung nasaktan. "At may gana ka pang magalit ha?!Ken?!Ako na yung nasaktan,ako na yung niloko at ako na yung pinagmukhang tanga dito sa relasyong to.Ikaw pa talaga yung may ganang magalit?!How could you?!" "Hindi lang ikaw yung nasasaktan Kyla,hindi lang ikaw kundi pati ako." "At bakit ka masasaktan?Ikaw na nga tong naging cold sakin at ang malala,nakita kitang nakipag- make-out sa isang babae?Iyan ba yung sinasabi mong nasasaktan ka?Sa nakikita ko kasi Ken,ang saya saya mo sa ginagawa mo,nae-enjoy mong lokohin ako."mas lalo akong naiyak sa mga sinabi kong yon."Aminin mo nga?Ano bang pinagkulang ko?Di pa ba sapat yung pagmamahal ko sayo ha?Ken!Bakit!Bakit!Bakit!"sunod nun ay pinagsuntok-suntok ko siya sa dibdib. "I'm sorry,Kyla,but we have to do this..."natigilan ako sa sinabi niyang yun at hinintay ang susunod niyang sasabihin.."I'm breaking up with you,hindi ako yung lalaking naka tadhana para sayo,just move on..." Nagwala ako sa harapan niya.Nagwala at nagmaka-awang wag niya tong gawin.Ang sakit nito eh!Hinding hindi ko to matatanggap!Siya yung maging buhay ko!Naging mundo ko!Hindi ko kaya!!! "I'm sorry,but we have to do this,mas lalo ka lang masasaktan kung ipagpapatuloy pa natin to." "Paano ako Ken!Paano ako!Mahal kita!Mahal kita diba alam mo naman yun Ken!Ikaw yung naging buhay ko!!!!!Paano ako!!??" "Just move on,Kyla,I'm sorry." Niyakap ko siya pero umiwas siya,agad naman siyang naglakad papuntang kotse niya iniwan akong naka-upo sa damuhan at umiiyak. Simula non,pinangako ko sa sarili ko na wag nang magmahal pa ulit.Kung bakit?Kasi masasaktan lang ulit ako. Nagbago rin ako pagkatapos ng pangyayaring yun.Nag-aral ako mag taekwando.Naging nerd ako at iniba ko yung style ng pananamit,maluwang yung blouse at halos talampakan yung haba ng palda,nagsalamin din ako kaso pinili ko yung makapal. Kung bakit ko to ginagawa? Para wala nang magkagusto sakin. Kasi takot na kong magmahal ulit,takot na kong masaktan... ***Klairol Kate's Point of View*** Unti unting pumatak yung luha na tingin ko kanina pa pinipigilan ni Kyla.Oh my God!Sana pala hindi ko na naitanong eh!Napaiyak tuloy siya. "Sorry Kyla,natanong ko pa,tumahan ka na..."sabay himas sa likod niya. "Ano ka ba?Okay lang ako,nakapag-move on na ako kay Ken.Tsaka maganda na rin to para gumaan yung loob ko."sagot niya sabay punas ng luha with matching ngiti pa. "Ibig mong sabihin Kyla,hindi ka pa ganyan dati?Hindi ka nerd at hindi ganyan yung style mo ng pananamit?"tumango lang siya."Buti nalang pala tinanggap ko yung offer sakin ni Mr.Woo." "Anong ibig mong sabihin Kate?" "Para naman mabigyan ko ng leksyon yang G-Six.Sumusobra na talaga sila,dapat madala na sila sa ginagawa nila,hindi na yun patas hindi ba?Hindi ba nila alam yung Human Rights?Hay naku." "Whooo!Correct ka dyan!Kaya galingan mo!Hulog ka talaga ng langit!Para sa mga estudyante dito sa Nicolas University!" "Hahahahaha!" So ayun,nag-usap lang kami ni Kyla about her and the history of this school,ganun din yung mga pangyayari nung wala pa ako dito. After two hours... "Geh,ba-bye na,anjan na yata si Daddy para sunduin ako.Bye."-Kyla "Bye." Haaaaaay!!!Mahaba haba rin yung kwentuhan namin.Ang dami ko talagang nalaman sa kanya,lalong lalo na sa buhay niya at ng G-Six.Teka,anong oras na nga ba? 6:21 na!Oh my god!Papagalitan ako nung triplets!6:00 pa naman yung curfew ko.  Beep beep May nag-text!Sino naman kaya to? Tiningnan ko agad yung phone ko at nagulat nalang ako kung sino yung sender nito... *************** From:Marvin    Asan ka ba?Ba't ang tagal mo??? *************** Beep! From:Martin Ugh!Dami kong gawain dito!Asan ka ba? *************** Beep! From:Melvin Hay naku!Kanina pa kita hinihintay!Nasaan ka ba? *************** Beep! From:Martin Antagal mo! *************** Beep! From:Marvin Umuwi ka na!Kanina pa kita hinihintay!!! *************** Beep! From:Melvin Fck!Namumuti na mata ko sa kakahintay sayo!!!!!Ugh! *************** Oh my god! Naiinip na sila! Lagot na ako nito!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD