Fake Teacher 6-The Plan
"Fake Teacher?Ikaw?Oh my god!!!"
Maka-react naman si Kyla, mahihiya yung salitang WAGAS.Yeah,sinabi ko sa kanya ang lahat lahat.Na fake teacher ako pero yung pagiging slave ng tripets?It's still remains to be a secret.
"Oo nga!Fake Teacher ako,tsaka hinaan mo nga yang volume ng boses mo,baka may makarinig pa satin dito sa library."
Nasa library kami ngayon,FYI.
Pinag-usapan namin ang kasalukuyan kong trabaho.Nalaman ko rin na kasing edad ko pala siya kaya yung pakikitungo niya sakin?Binalaan ko ng wag niya akong tratuhin bilang teacher,siyempre bilang kaibigan.Ang totoo nga niyan bestfriend ko na siya,tsaka hello?Parehas kaming seventeen years old.Nakakailang lang talaga pag sobrang taas ng respeto niya sakin.
"Eh kamusta naman?Masaya ba?Nae-enjoy mo ba yang trabaho mo?"
"Enjoy ka dyan,sino bang mae-enjoy dun sa G-Six na yun,kung di lang ako pumayag dun sa offer ni Mr.Woo,siguro hindi gugulo yung buhay ko ng ganito.Kaso sayang din kasi eh,biruin mo?18,000 per month?Ang laking opportunity din nun."
"Eh ano na?Nagagawa mo ba yung 'main goal' mo sa trabaho mong yan?"
"Yan nga yung problema ko eh,patulong naman oh Kyla,pangalawang araw ko palang dito pero tingnan mo,hindi pa yata ako nakaka-tatlo sa pag-disiplina sa pesteng G-Six na yun.Please???"
Inayos niya yung pagka-kapal kapal niyang salamin.Tapos ngumiti naman.
"Ano ka ba?Wag ka nga mag-please dyan.Bestfriends tayo at ang magkakaibigan,nagtutulungan."
Ang swerte ko talaga dito kay Kyla.Ang proud proud ko talaga! Buti nakahanap ako ng tulad niyang kaibigan,hindi yung tulad ni Ella na kaya lang ako kinaibigan kasi may kailangan siya sakin.
Kung ako?
Hindi ko gagawin yan kay Kyla.Syempre mangingibabaw pa rin yung trato ko sa kanya bilang kaibigan,hindi yung kung may kailangan lang ako,tsaka lang ako lalapit sa kanya.
"Salamat Kyla!Salamat talaga ng sobra."tapos niyakap ko siya.Ganun din siya sakin.
"Ano ka ba?Okay lang yun.So,pwede ko na bang i-introduce yung Plano?"tinanguan ko lang siya,then she continued to speak."Pero bago yun,bibigyan muna kita ng trivia about sa G-Six."
"Okay."nakangiti kong sagot.
"G-Six. Letter G stands for Gwapo.Yung six,yun naman yung bilang kung ilan silang member nito.Hence,ang meaning ng G-Six ay Gwapong Anim.Anim sila,alam mo naman yun diba?They are Dennis,Kurt,Von,Ken,James,and Marvin.Si Dennis ang leader nila kasi siya yung founder ng group na 'to.Actually,mga magulang nila yung namamahala ng Nicolas,yet,parang hari na din sila dito.Gusto mo bang isa-isahin ko yung characteristics nila?"
"Naku,wag na,alam ko na yun."
"Oh,paano mo nalaman?Ini-stalk mo sila?"
"Eto naman,syempre hindi noh?Nabasa ko lang yung ginawa mong mala-scrapbook tungkol sa G-Six."
"Ha?Paano?"gulat niyang tanong.
"Kay Mr.Woo.Pinabasa niya sakin."
"Ah,oo nga pala.Alam mo na rin yatang number one hater ako nun eh."nagkamot siya ng batok niya."By the way,may alam rin ako sa past nila,baka interesado kang malaman?"
"Sige."sabi ko sabay tango.
''Kilala mo naman si Cindy,hindi ba?Ex niya si Marvin at ang nakakagulat,kaya siya nakipag-break ay dahil may gusto siya kay Melvin.Magkamukha naman sana yung dalawa.Tsk.Nung nalaman nga ni Marvin na kambal niya yung dahilan halos mag suicide siya kasi ganun niya ka mahal si Cindy.Ewan ko dun!Bakit kaya niya nagustuhan yung Cindy na mataray?Sabagay,parehas naman silang bad eh.Ay!Alam mo na bang may kakambal si Marvin?"tumango ako."Triplets sila.Si Melvin at Martin yung dalawa.Yes,magkakamukha sila pero ugali ang pinagkaiba.Si Marvin,cold.Si Melvin,magnanakaw ng halik yan.Lalo na kung alam niyang type siya nung babae pero bilang lang.Masungit yun.Pero matalino,hindi kagaya ni Marvin na bi-ow-bi-ow,in fact,classmate ko siya sa Cream Section.Si Martin?Basta yung tawag sa kanya 'torpe'.Nalaman ko lang naman yan sa mga tsismosa.Sa kanilang tatlo,siya yung pinaka-mabait,pero pag ginalit?Hays,magtago ka nalang sa palda ng lola mo."Grabe talaga itong si Kyla!Ang daming alam!Hindi kaya stalker siya?"Tsaka lahat ng nasa G-Six may Girlfriend na,except for Marvin and Kurt.Pero karamihan sa gine-girlfriend,pinaglalaruan lang nila,minsan nagtatagal lang ng dalawang araw and the maximum is four days,lalong lalo na si Von.Nakaka-isaang daan na yatang girlfriend yan eh."
"ISANGDAAN??????"
"Ah,hehe,actually hindi naman literal na one hundred,in-exagerate ko lang pero basta!Marami na siyang naging GF."tumango tango lang ako."So,yung plano pwede ko na bang sabihin?"
"Oo."sagot ko at may kinuha siyang papel at ballpen sa bag niya.
Rewind nga uli.
Ex ni Cindy si Marvin at ipinagpalit niya si Marvin kay Melvin.
Ang weird niya talaga!Magkamukha naman si Marvin at Melvin ha?Pero not totally the same,baka nabaitan lang si Cindy kay Melvin kaya ayun.
"Steps on how to discipline the G-Six...(sabay sulat sa papel na hawak niya)
1.Blackmail them.Dapat malaman mo yung secrets nila at kung malaman mo yun,magagamit mo to sa pagdidisiplina mo.For example,kung may pinagagawa ka na ayaw nila sundin,then,blackmail them,tell them na alam mo yung secret nila,dahil kung hindi,ipagkakalat mo to sa buong campus.Okay?
2.Gumamit ka ng hugot kapag sine-sermonan sila.Kasi?Dahil sa pagkaka-alam ko,tagos sa buto yung mga salitang dinadaan sa hugot.
3.Patunayan mong mali talaga yung ginagawa nilang pambubully o di kaya'y mali yung hindi pag-respeto sa nakatatanda.For example,binuhusan ni Kurt ang isang babae ng isang basong juice,then,gawin mo rin yun sa kanya para maramdaman niya rin yung pakiramdam ng napapahiya.Gets?
4.Mas prefer kong dapat ikaw yung nagma-manage ng allowance nila."
"Ano?!Ayoko nyan,bakit allowance pa?Nakakahiya kaya."
"Psh,ano bang nakakahiya dun Kate?Eh sa magagamit mo rin yun sa pagdi-disiplina mo eh."
"Eh paano yun?Kakausapin ko yung magulang nila tapos sasabihin ko na fake teacher ako tapos dinidisiplina ko sila tapos kailangang ako yung magma-manage ng allowance nila para magamit sa pagdi-displina sa masamang ugali nila?Pera na yung pinag-uusapan Kyla,baka mapagkamakan pa kong scammer."
"Eh yun lang yung naisip kong way tsaka malaki rin yung advantage nito.For example,kapag nakita mong may inaaway na naman sila,then tell na tigilan na nila yun at matutong mag-sorry or else,hindi mo maibibigay yung allowance nila."
"Sa bagay,may punto ka."poker face kong sagot.
Eh totoo naman eh,parang ayoko nun,kung bakit?PERA yun eh.
Baka mapagkamalan pa akong mukhang pera sa ginagawa ko kasi pati allowance nila,dinadamay ko na. T.T
"Bahala ka,ikaw ang magde-desisyon kung susundin mo ba yung number 4. o hindi na.
The last but not the least..
Iparamdam mong walang mapapala ang pagiging spoiled brat,ipakita mong walang saysay ang pagiging bad boy.
Tandaan mo,ang mga indication na success yung goal mo ay ang mga sumusunod:
1.They respect you.
2.They'll stop bullying.
3.Nagsisisi sila sa mga ginawa nilang masama.
4.Nagbago sila.Nagbago bilang mabuti at hindi masama,okay ba yun?"
"Okay,interesado ako jan sa plano kaso hindi ako sure kung magagawa ko ba yun o hindi.G-Six yun,pangmatagalang proseso dapat."
"Eh ilang buwan ka ba dito mag stay?"
"Three months"
"Three months pala eh,tamang tama,January ngayon,at tingin ko sa March yung end ng operation."
"Sabagay,di pa naman ga-graduate yang G-Six eh."
"Alangan namang ga-graduate agad yan?Third year palang yan aber?!"
Hindi ko pa yata nasasabi to.Oo,third year palang itong G-Six.Ganun din si Kyla.
Bigla niyang binigay sakin yung isang papel na kung saan,dun nakasulat yung plano,pati yung indications na success ang goal ko.
"Eh teka nga Kyla,ba't ba ang dami mong alam tungkol sa G-Six?Stalker ka ba?"saktong pagkasabi ko nito,bigla siyang natigilan.Tinitigan ako at agad inalis ang pagka-titig niya sakin.
"Yan din dapat yung sasabihin ko ngayon eh,pero believe me,hindi ako stalker."
"Eh ano ka?"tanong ko
"Tao."
Di ko alam na may pagka-pilosopo rin pala si Kyla.Biruin mo?Serysong seryoso yung mukha tapos biglang tatawa?
"Hahahahah!Ano ba Kate!Joke lang.Pero tama ka,NAGING stalker ako."
"Anong ibig mong sabihin?"nagtataka kong tanong.
"Kasi, ex girlfriend ako ni Ken..."
To the O to the M to the G!!!
Ex boyfriend ni Nerdie Kyla si John Ken Luther?How come?