Simula
Malakas ang naging pagkalabog ng unahang bahagi ng sariling sasakyan at bago ko pa man makumprima lang lahat ay namataan ko na ang lalaking nakatumba sa harapan mismo ng aking kotse.
Nanlalaki man ang mga mata at nanghihina ay aligaga akong bumaba para agad na daluhan ang biktima. Hindi ko alam kung ano ang unang gagawin; ang dalhin ba ang lalaki sa ospital o sumuko na lang basta sa pulisya.
“Sir? Sir, ayos lang ho ba kayo?”
Hindi kaagad nakasagot ang lalaking mayroong mahabang buhok, manipis na bigote at katangkaran. Nakapikit lang ito at halatang-halata ang iniindang sakit.
Mabilisan ko siyang inalalayan patayo, ilang beses munang sinigurado kung kaya nito ang makalakad. Marahan ko itong ipinasok sa sasakyan at sinimulang magmaneho kahit nanginginig.
“Dadalhin po kita sa ospital, Sir. Pasensya na po talaga kayo, hindi ko po talaga sinasadya,” tuloy-tuloy kong paliwanag sa lalaki kahit pa mas nangunguna ang pagkamuhi sa sarili.
Hindi na naputol ang titig ko sa daan. Hindi ako mapakali at iniisip na baka mayroon pa akong mabangga.
“Hindi na kailangan. . . my arms felt numb earlier but I am okay now–”
“Nako, hindi ho pwede!” singhal ko, pagkatapos ay bigla ring natigilan nang mapagtantong nagulat ang lalaking kasama. “Hindi po pwede na hindi ko kayo dalhin sa ospital. Kailangang makapagpatingin kayo.”
Plus, I really need to be sure about this. Wala na akong tiwala sa mundo. Paano kung bigla niya na lang akong sampahan ng kaso at biglang manghingi ng isang milyon?
Stupid, Isabella.
“I am fine. Kailangan ko pang pumasok sa trabaho.”
Hindi ko na pinansin ang lalaki. Mas lalo akong natakot sa posibleng mangyari kaya naman agad kong tinawagan ang kaibigang si Liam. Swerte ko na lang at agad niya iyong nasagot pagkatapos ng ilang ring.
“Liam–”
“What’s up?”
“–may nabangga akong lalaki. I. . . Hindi ko alam kung anong gagawin. I insist on bringing him to the hospital pero ayaw niya, gusto niya na raw tumuloy sa trabaho.” Natuloy ang pagsusumbong ko rito. “You know I can’t do that, right? If that happens, hindi lang ako ang mamamantsahan, pati ang IA.”
Hinantay ko ang sagot ng lalaki, nananatili ang pagiging aligaga habang pabalik-balik ang tingin sa lalaking kasama at sa daan.
“Don’t overreact, Isabella. Magkita tayo sa clinic ni Ate. We’ll have him check, then kung gusto na magtrabaho, we should let him.”
Mabilis kong pinaniwalaan ang lalaki at inikot ang sasakyan papunta sa clinic na iyon.
The man beside me was quiet. Hindi ko alam pero ako ata ang hindi matatahimik kakaisip sa kung ano ang nasa iniisip nito.
Sa unang pagkakataon, ginusto kong alamin ang kung ano ang naiisip ng isang tao, gayong wala naman akong pakealam sa iba.
Magulo man ang isip ay ginawa kong ipokus ang sarili sa daan, sinubukan ko nang paulit-ulit kahit ibig sabihin noon ay hindi pagpansin sa malakas na pagkalabog ng dibdib. My days were really plain and boring dahil paulit-ulit lang ang nangyayari pero bumawi naman siguro ang buhay sa akin ngayon.
“A-Ano bang nararamdaman mo?”
Katunayan, ako lang palagi ang daldal nang daldal. Sa bawat sampung minuto ata ay nagtatanong ako kung kumusta siya at paulit-ulit lang ang sinasabi nito.
“I am okay, Miss. Kailangan ko nang bumalik sa trabaho.”
“Hindi nga ho pwede,” masungit kong sabi. Naubusan ata ako ng pasensya dahil na rin sa pagpa-panic.
Nang makarating sa lugar, mabilis kong iginiya ang lalaki para makapasok. Tahimik lang ito at hindi halos umiimik at kumikilos. Hindi ko tuloy makumpirma kung ganoon lang talaga ang lalaki o baka may nararamdaman itong kakaiba dahil sa pagkabangga.
“Isay, what happened?”
There, I felt relieved. Dali-dali akong yumakap sa kaibigan habang malakas pa rin ang pagkabog ng dibdib.
Mabilis na inasikaso ni Liam at ng ate nito ang lalaki na labis kong ipinagpasalamat pero hindi ko pa rin nagawang pumirmi sa puwesto.
Nainom ko na ang napakaraming juice na binigay ni Liam pero nanginginig pa rin ang aking mga kamay.
“Sorry po talaga, Sir. Sorry,” sunod-sunod kong sabi.
Nagawa nang magamot ang iilang mga scratches ng lalaki lalo na sa braso at nakakuha na rin kami ng go-signal mula kay Ate Lianne, ang ate ni Liam na doktor.
“Eto po ang calling card ko, Sir. Tawagan niyo po ako agad kung magkaroon man ng problema,” dagdag ko pa, hindi pa rin mapakali.
“Calm down, okay? Dyan ka na muna kay Ate,” gagad ni Liam pagkatapos ay humarap sa lalaki. “Ihahatid ko na po kayo sa trabaho ninyo.”
Nanlalaki ang mga mata kong hinarap si Liam pagkatapos ay nagmamadaling nagtaas ng kamay. “Ako na! Ako na ang maghahatid sakanya.”
“Quit it, will you?” Sumingit na si Are Lianne sa usapan, nakapamewang na ngumingisi-ngisi. “Baka kayong dalawa naman ang makabangga kung saan dahil sa sobrang pagpapanic mo, Isay.”
Napakamot na lang ako sa ulo saka nagpabaling-baling sa lalaki at kay Liam. “Sasama na lang ako. You should drive us to work, Driver Liam,” sabi ko saka nang-aasar na humalakhak.
The car drive was swift. Tuluyan na nga rin akong kumalma dahil gumaan na rin ang atmosphere kasama ang lalaki.
Hindi ko kasi talaga alam kung ano ang nasa isip kanina’t hindi ko nagawa ang magfocus sa daan. Swerte ko na lang ding maituturing na hindi gaanong napuruhan ang lalaki dahil paniguradong sira ang binubuo ko pa lang na buhay.
“T-Teka, dito ka ho pumapasok?” agad kong sambit nang magalang nitong pinahinto ang sasakyan sa tapat ng isang bangkong katabi mismo ng aking boutique.
Hindi makapaniwalang nagkatinginan kami ni Liam, pagkatapos ay sabay ring nagkibit-balikat.
“Yes, I am a banker.”
Sumunod ang naging pagngisi ko pagkatapos ay napahalakhak na lang. “Akalain mo ‘yun! Magkapit-bahay lang pala tayo, Sir. . . kuya. . .”
Okay, that was awkward.
“That doesn’t matter,” deretsong sambit ng lalaki. “Mauuna na akong bumaba sainyo, ha? Hinahanap na ako ng boss ko, sigurado. Salamat ulit, mag-ingat kayo.”
Nangingiti ako nitong hinarap pagkatapos ay naglabas nang nakalululang mga ngiti, “Lalo ka na.”
Napasandal na lang ako sa inuupuan. Nagawa pa naming manatili sa loob ng sasakyan kahit pa ilang minuto na rin matapos makababa ng lalaki.
“What was that?” gagad ko na may kasamang pagbuntong-hininga. Bahagya akong natigilan dahil sa maingay na pagkalabog ng dibdib. Mukhang kinakabahan pa ata ako dahil ngayon lang nagsink-in sa akin ang nangyari.
“Bumaba ka na, Isay. Magbukas ka na ng shop. Mag-o-overnight ba tayo rito? May trabaho pa ako,” sarkastikong sambit ni Liam na kanina pa pala nakatingin sa akin. Kitang-kita nito ang hindi mapakali kong mukha at ang pagbuntong-hininga.
“I just can’t believe na nakabangga ako, Liam.” Sandali ko pang ihinilamos ang palad sa mukha. “Nakabangga ako ng walang kamalay-malay at ni hindi ko kakilala, teka, ano nga ulit ‘yung pangalan nu’ng lalaki?”
“Angel,” tapat na sabi ng aking kaibigan bago inihinto ang makina ng sasakyan at igiya ako palabas habang tuloy-tuloy pa ring binabagabag ang loob dahil sa nangyari.