Chapter 4

1700 Words
** CHAPTER 4 HUMUGOT NANG MALALIM na hininga si Jiyeon sabay na umupo sa sofa dahil sa nangyari kanina. Kung wala si Heron ay baka napatay na siya ng mga gangster kanina. “Is this for real? Like, paanong may isang nilalang na sumanib sa akin?” wika ni Jiyeon sa sarili na tila bagang nababaliw kakaisip dahil hanggang ngayon ay hindi pa rin siya makapaniwala. “Totoo ang nakita mo, Jiyeon. Ako si Heron ang Lord of Moonhollow. Anak ako ni King Cadmus at Queen Hermonia at Ingkong ko si God Ares.” Napalingon si Jiyeon kay Heron nang marinig niya ang pamiliar na pangalan ni God Ares. “Ingkong mo si God Ares? Meaning lolo mo siya?” “Oo. At hindi ko alam kung bakit dinala ako ng bituin sa mundo mo.” Umupo si Heron sa tabi ni Jiyeon at humarap ito. “Baka may misyon ako dito sa mundo niyo? Hindi ko lang masayado kung ano ‘yon, Jiyeon.” Marahang tumawa si Jiyeon saka tumindig. “Parang yung napapanuod ko sa palabas sa telebisyon. Poseidon, Aquaman, saka yung Percy Jackson na i-save niya yung master bolt ni Zeus.” Nanlaki ang mata ni Heron saka lumapit ito kay Jiyeon at hinawakan ang magkabilang braso nito. “S-Sinong Percy Jackson? At paano mo nakilala si God Zeus?” naguguluhang tanong ni Heron dito. “Oo kilala ko si Zeus kasi pinag-aralan namin yun sa Mythology. Si Percy Jackson naman, palabas lang yun sa tv. Anak daw siya ni Poseidon. Saka kilala ko si God Ares, siya yung God of War. Alam kong anak siya nina Zeus at Hera.” Napataas ng kilay si Heron dahil hindi siya makapaniwalang alam ng mga tao ang pangalan ng kaniyang Panginoon. “K-Kilala pala ang mga Panginoon ko dito sa mundo niyo? P-Paanong nangyari ‘yon?” “Halika. May mga libro ako tungkol sa Mythology,” ani Jiyeon nang maglakad siya papuntang mini-library niya. “Siguro naman maiintindihan mo dahil—” Hindi pa natapos ang sasabihin ni Jiyeon ay biglang sumanib ito si Heron sa kaniya. “Puwede ka naman magpaalam sakin na sasaniban mo ako,” kabadong wika ni Jiyeon pagkuwan ay nagpatuloy na naglakad papasok sa library niya. “Alam mo namang hindi ko maiintindihan masyado ang lenguwahe niyo dito. Buksan mo ang libro dahil gusto ko mabasa ang laman tungkol sa mga Panginoon ko kung tama ba ang nakaasad dito,” ani Heron kaya agad na kinuha ni Jiyeon ang Mythology book niya pagkuwan ay binasa niya ang kuwento tungkol kay Zeus at Ares. Habang binabasa ni Jiyeon ang laman ay napahinto si Heron nang makita ang pangalan ni Hades sa libro at ang parallel universe. “Papasok si Hades sa kabilang daigdig ng mundo para talunin ang isang pinakamalakas na Panginoon? Kailan? At anong mundo?” tanong ni Heron sa sarili. “I don’t know what are you talking about, Heron. Ang alam ko ay Panginoon ng Kamatayan si Hades. At gusto niya makuha ang kaluluwa ng mga tao at paglingkuran siya.” “Hindi ko alam pero may kutob akong may mangyayaring masama kay God Ares!” ani Heron saka siya humiwalay sa katawan ni Jiyeon. “A-ano ang ibig mong sabihin?” naguguluhang tanong ni Jiyeon dito. “Kailangan kong bumalik sa mundo ko, pero hindi ko alam kung paano.” Naglakad ng paroo’t parito si Heron mula sa sala hanggang sa mini-library. Nakatingin siya sa kaniyang dalawang palad at pinagmamasdan ito kung kaya ng kapangyarihan niyang bumalik sa Planet Zeta. “H’wag mong sabihin na mag-teleport ka pabalik sa mundo mo?” tanong ni Jiyeon dito. “Kung maaaring magawa ko ‘yon, makabalik lang ako.” “Bakit ba masyado ka yatang nababahala sa Ingkong mo? Hindi ba’t Panginoon siya? Alam kong malakas siya kasi God of War siya at kaya niyang talunin si Hades. Saka immortal naman kayo, hindi ba?” “Dating immortal si Ingkong ngunit sinumpa siya ni Hades na tatanda at mamamatay siya upang sakupin ang Planet Zeta. Nangangamba ako na baka hindi na siya mabubuhay nang mayaon at tuluyan nang wasakin ni Hades ang mundo namin.” “Paano na lang kung totoo nga ang hinala mo? Paano ka makakabalik niyan?” “Susubukan ko ngayon.” Maayos na tumindig si Heron at biglang nagbago ang anyo niya at kasabay na lumiwanag ang simbolo sa noo niya bilang isang Panginoon. “Buwan?” takang tanong ni Jiyeon nang masaksihan niya ‘yon. “Ang may tatak sa noo ang katibayan na isa akong Panginoon,” pagsagot ni Heron dito. Kalmadong pumikit si Heron na tila bagang pinapakiramdaman niya ang lakas ng sansinukob at inuutusang dalhin siya sa lugar niya. Di kalaunan ay biglang napawi ang liwanag sa noo at bumalik siya sa normal niyang anyo kaya siya muling napadilat ng mata. “Anong nangyari?” takang tanong ni Jiyeon dito. “Mukhang hindi kaya ng kapangyarihan kong bumalik sa mundo ko, Jiyeon,” nababagabag niyang wika dito. “Pag-isipan mo nang mabuti kung paano ka nakapasok dito sa Earth. Then gawin mo ulit?” Nanlaki ang mata ni Heron nang matandaan niya ang ginawa niya noon. “Gumawa ako ng malaking butas sa lupa at do’n ko nakita ang isang bituin. Tama ka nga, Jiyeon. Kailangan kong gawin ‘yon.” Nang akmang bubutasan na ni Heron ang sahig ng condo ni Jiyeon ay bigla niya itong pinigilan. “STOP! Hindi mo puwedeng gawin dito, nasisiraan ka na ba?!” sigaw ni Jiyeon nang hawakan niya ang braso ni Heron. “Bakit? Lupa din naman ito.” “Hindi. Building ‘to at maraming nakatira dito. Kapag bubutasan mo ang building, mawawalan ako ng tirahan.” “Gano’n ba? Edi saan ako puwede magbutas?” Napasampal sa noo si Jiyeon dahil bakit masyado itong ignorante sa bagay na ito? Hindi ba uso sa kanila ang building at palasyo? O baka naman wala itong pakialam na masira ang bagay sa mundo nila dahil kaya naman niyang buoin ‘yon? “May alam akong bakanteng lote. Malawak ‘yon at puwede kang gumawa ng butas.” “Saan?” “Well, medyo malayo kaya kailangan nating lumipad papunta do’n.” “Walang problema.” Biglang sumanib muli si Heron dito na kinagulat naman ni Jiyeon. Napabuntong-hininga na lamang siya dahil hindi sila makakaalis kung hindi gamit ang katawan niya. Kusang lumitaw ang dalawa niyang mga paa at lumabas mula sa bintana. “Hindi ka ba puwedeng mag-anyong tao para hindi ka panay sanib sa’kin?” reklamo ni Jiyeon dito. “Puwede naman, kaso mas gusto kong sumasanib.” Magsasalita pa sana ni Jiyeon ngunit biglang bumilis ang takbo ng paglipad nila papuntang lote. “P-Paano mo nalaman kung saan banda ‘yon?” “Ako at ikaw ay iisa. Nalalaman ko ang takbo ng isip mo at mas nagiging makapangyarihan ako sumanib ako sa’yo.” Ilang sandali pa ay lumapag sila sa lupa at pagkuwan ay humiwalay si Heron upang gumawa ng butas. Nang mangyaring nakagawa siya ng malalim na butas ay wala siyang masumpungang bituin o lagusan palabas ng Earth. Wala siyang makitang liwanag kundi dilim lamang. “Paano ba ‘to? Hindi ko na alam ang gagawin ko, Jiyeon. Paano na ako makakauwi pa sa amin?” “Baka nga may dahilan kung bakit ayaw ng tadhanang bumalik ka sa inyo?” Di kalaunan ay biglang dumilim ang langit at lumitaw ang isang liwanag na bumababa mula sa itaas. Napakunot-noo si Heron habang pinagmamasdan niya ito at nanlaki ang mata nang matantuang isang anghel. “Anghel Gabriel?” takang wika ni Heron dito. “Ako nga ito Lord Heron,” anito nang makababa ito mula sa langit. “A-anong ginagawa mo dito sa Earth?” “Dahil may importante akong sasabihin sa’yo. Winasak na ni Hades ang buong Planetang Zeta matapos na mamatay si God Ares.” Tila hindi makapagsalita si Heron matapos niyang marinig ang sinabi ng anghel. Kaya siguro hindi siya makabalik sa mundo niya dahil sa pagwasak ni Hades dito. Malungkot siya dahil hindi man lang niya nakita muli ang Ingkong bago ito namaalam. At kung nawasak na ni Hades ang mundo niya, hindi na niya muling makikita ang mga mahal niya sa buhay. “P-Paanong nawasak ni Hades ang Planet Zeta? Paano na mga magulang ni Heron? Mga nilalang do’n na nakatira?” pag-aalalang pagsingit ni Jiyeon dito. “Dinala lahat ni Thanatos na katiwala ni Hades upang bihagin sila at sambahin ang Panginoon ng Kamatayan.” Nanlaki ang mata ni Heron at nabuhayan ng loob nang malamang buhay pa ang ama’t ina niya. “Kailangan ka nila, Lord Heron dahil ikaw lang ang tanging makakatulong pigilan ang kaaway na di masakop ang Planetang Earth. Alam kong malakas ang kapangyarihan mo.” Napangiwi si Heron dahil wala siyang lakas na loob na kalabanin si Hades. Alam niyang hindi niya ito basta-bastang mapapatay dahil siya nga ang Panginoon ng Kamatayan. “Kailangan ko ng tulong mula kay God Zeus, Anghel Gabriel. Dahil ilang ulit na ako nag-ensayo ngunit hindi ko malaman kung paano ko makukuha ang lakas na sinasabi ni Ingkong.” “Malungkot kong sasabihin sa’yo to, Lord Heron. Wala sa kapangyarihan ni God Zeus na gawin ‘yon dahil nakipagkasundo si Hades kay God Zeus na h’wag mangialam kung ayaw nitong tuluyan na patayin ang mga bihag. Ikaw lamang ang makakatuklas kung gaano kalakas ang kapangyarihan na mero’n ka.” Unti-unting umangat si Anghel Gabriel pabalik sa langit. “S-Sandali lang, Anghel Gabriel! Hindi ko alam kung paano ko malalaman ang lakas na ‘yon!” sigaw ni Heron dito habang nakatingala siya. Ngumiti si Anghel Gabriel pagkuwan ay nagsalita siya. “Ang kapangyarihan na ‘yon ay na sa’yo, hanapin mo at iyong masusumpungan.” Napahawak sa ulo si Heron dahil hindi niya maintindihan ang huling sinabi ni Anghel Gabriel. “Kalma ka lang, Heron. Hindi pa naman magugunaw ang mundo and we still have hope habang buhay pa tayo. So, ano na ang gagawin mo? Ikaw lang ang pag-asa namin para hindi tuluyang wasakin ni Hades ang Earth,” wika ni Jiyeon kaya humarap si Heron dito at nagsalita. “Kailangan ko ang tulong mo, Jiyeon.”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD