Chapter 3

3333 Words
CHAPTER 3 GALIT NA hinampas ni Chairman Ricardo Ricafort sa lamesa ang sales report dahil sa pagbagsak ng stock market ng kompanya. “Nalulugi na ang kompanya natin, Chairman. Ano na gagawin natin?" pag-aalalang na wika ni Secretary Yuson dito. “Wala tayong magagawa kundi isara ang kompanya,” aniya pagkuwan ay tumindig ito mula sa kinauupuan. “Paano na ang mga empleyado?” Huminga nang malalim si Chairman Ricardo dahil hindi na niya alam kung paano ang gagawing isalba ang kompanya. Wala na rin siyang natitirang ari-arian para mag-invest ulit kaya nagbawas na sila ng mga tauhan at ibigay na lang ang severance pay. Ilang sandali pa ay biglang pumasok ng opisina ang asawa niyang si Romania Ricafort. “H’wag mong isasara ang kompanya natin, Mahal. Hindi ba’t kilala mo si Jiyeon Park?” Napaisip nang malalim si Chairman upang alalahanin kung saan niya nakilala ang pangalangang binanggit ng asawa hanggang sa nanlaki ang mata niya nang matantuang niyang isang magaling na business consultant and IT analyst ito. “Oo! Naalala ko na! Siya yung tumulong sa atin five years ago no’ng nagsisimula pa lang tayo. Magaling siyang consultant at IT analyst. Pero paano natin siya makokontak?” Ngiting nilabas ni Romania ang lumang calling card ni Jiyeon sa bulsa. “I kept this for a long-time para kung sakaling dumating ang ganitong problema,” ani Romania sa asawa. “But, we don’t have enough money to invest.” “May natitira pa akong hacienda sa Rizal na minana ko kay dad, puwede natin isangla ‘yon for investment.” “Sigurado ka bang gagamitin natin ‘yon? Alam ko kasing mahalaga sa’yo ang lupa na ‘yon. Paano na lang kung hindi natin mabawi ang lupa at bumagsak ulit tayo?” Kalmadong lumapit si Romania at pinatong niya ang palad sa balikat nito. “Relax. Alam kong magiging successful tayo. Kailangan lang natin i-recruit si Jiyeon bago pa mahuli ang lahat,” ngiting tugon ni Romania dito. Kaagad na tinawagan ni Ricardo si Jiyeon upang i-hire ito bilang parte ng kompanya. *** NABALIKWAS ng bangon si Jiyeon sa biglaang paglakas ng tunog ng cellphone niya habang nasa kalagitnaan siya ng pagtulog. Kinusot ng kaniyang kamay ang mata niya saka kumurap nang dalawang beses bago kinuha ang cellphone sa side table. “Hello? Sino sila?” “Is this Jiyeon Park?” “Yes po. Speaking.” “Do you remember the Formula Solutions Company?" Nanliit ang mata ni Jiyeon habang inaalala niya ang pangalan ng kompanya. “Ah—yeah! Naalala ko na at si Ricardo Ricafort ang owner no’n.” “Tama at ako nga ang kausap mo ngayon.” Nanlaki ang mata ni Jiyeon nang matantuan niya ‘yon, dahil hindi siya makapaniwalang tumawag ‘to sa kaniya after five years na nag-resign siya bilang business consultant. Matapos siyang mag-resign ay bumalik siya ng probinsya upang alagaan ang tatay niyang may sakit. Dahil dalawa na lang sila sa pamilya ay wala siyang magawa kundi manatili at alagaan ito. Nagtayo na lang siya ng maliit tindahan para kahit paano may kita siya. Ngunit nang mamatay ang tatay niya no’ng nakaraang taon ay biglang nalugi ang hanapbuhay niya. Sa madaling salita ay wala na siya ngayon mapagkikitaan. Bumalik siya ng Manila at sinubukang mag-apply ng trabaho at ibalik ang buhay niya bilang business consultant ngunit bigo niyang makuha ‘yon dahil sa experience gap na nangyari sa kaniya. “B-bakit po kayo napatawag, Chairman?” “May trabaho ka ba ngayon?” “W-wala pa po akong nahahanap na trabaho, Chairman.” “What happened? Nag-resign ka ba?” “Mahabang kuwento po pero after po ako mag-resign sa inyo ay hindi na nasundan dahil nagkasakit po ang tatay ko.” Nagulat si Ricardo nang madinig niya ang sagot nito. Hindi niya inaasahang ang dating magaling na Jiyeon Park ay walang trabaho ngayon. “Okay. Better we talk in person, nasa’n ka ngayon?” “Nandito po ako sa Manila.” “Okay. I’ll text you the address ‘coz I want to meet you now,” wika ni Ricardo nang ibaba ang tawag. Nang matanggap ni Jiyeon ang mensahe ay agad niyang binuksan ‘yon. “Sakto malapit lang dito sa boarding house ko,” aniya kaya dagling nag-ayos ng sarili si Jiyeon at nagpunta ng restaurant kung saan sila magkikita ni Ricardo. Pagdating niya ay agad na sinalubong siya ng secretary nito. “Dito po tayo Sir Jiyeon,” ani ng lalaking secretary saka inalalayan siya nito kung saan ang puwesto nila. Ngiting tumayo si Ricardo at nilahad ng kamay niya ang upuan ni Jiyeon. “Have a seat please,” ani Ricardo kaya sumunod si Jiyeon at umupo sa harap nito pagkuwan ay iniwan sila ng secretary. “I’ll cut the chase, Jiyeon. Kailangan kita kasi palugi na ang kompanya namin. I heard what happened to you earlier and I guess you badly need a job.” Huminga nang malalim si Ricardo bago siya magsalitang muli. “Gusto kong maging business consultant ka namin pero mas maganda siguro kung ito ang ibibigay kong offer sa’yo,” wika niya saka pinadulas sa lamesa ang folder na naglalaman ng job offer. Hindi na nagdalawang isip si Jiyeon na kunin ‘yon at basahin ang laman. Laking kinagulat niya nang mabasa niya ang position na nakasaad sa papel. “C-Chief Executive Officer?” nauutal na gulat niyang wika dito saka binaling ang tingin kay Ricardo. “Yes, dahil naniniwala ako sa talento mo, Jiyeon. Saka magaling ka rin na IT analyst kaya bagay sa’yo ang posisyon na ‘yon.” “P-pero sobra naman po itong posisyon na ‘to.” “Look, Jiyeon. Wala na kaming mahanap na ibang puwedeng mag-take over sa posisyon na ‘yon. Sira na rin ang pangalan ko sa mga empleyado kaya kailangan ko ng bago. Anim na taon kong ginugol ang sarili ko dito sa kompanya at ayoko maglaho lang ‘to na parang bula, kaya pag-isipan mo nang mabuti ang job offer na ‘yan.” Tumindig si Ricardo at muli siyang nagsalita. “Alam kong hindi ka pa kumakain kaya nag-order na ako at binayaran ko na ang pagkain para sa’yo. Tawagan mo ako kapag nakapag-decide ka na,” anito bago iniwan si Jiyeon. Tulalang nakatingin sa malayo si Jiyeon dahil wala siyang kasiguraduhan kung makakaya niyang maangat muli ang Formula Solution sa tagal na niyang hindi ginagawa ‘yon. Ilang sandali pa ay dumating na ang pagkain. “Here is your order po,” ani ng waiter nang ilagay ang isang order na pork steak, kanin at iba pa bang side dishes. “Thank you.” Nang mahawakan na niya ang kutsara’t tinidor ay bigla siyang tumayo. “Hindi pa siguro nakakalayo si Chairman Ricardo,” aniya sa sarili pagkuwan ay dagli siyang tumakbo palabas ng restaurant dala ang job offer. Pagkalabas niya ay nilinga niya ang buong paligid at muli siyang tumakbo nang makitang papasok pa lang ng kotse ito. “Sandali po!” hinagal niyang tawag dito kaya napahinto niya si Ricardo. “Tinatanggap ko na ang offer niyo, Chairman,” ngiting tugon ni Jiyeon dito kaya marahang tumawa si Ricardo dahil sa tuwa. “Madali ka lang pala makumbinsi, Jiyeon. Sige pumasok ka bukas para masimulan na natin ang trabaho,” masayang wika ni Ricardo dito. Matapos na ihalal ni Ricardo bilang CEO ng Formula Solutions Company si Jiyeon ay nagpasya silang dumalo sila sa isang malaking Investment Summit kung saan do’n nagtitipon ang mga prospect nilang investors. Kabado si Jiyeon dahil unang beses niyang gagawin ang presentation niya sa harap ng mga malalaking tao sa buong mundo. Di kalaunan, habang nagsasalita siya sa pulpito ay bigla siyang nakaramdam ng ekstraordinaryong bagay nang mabasa niya ang isip ng mga tao sa loob at maintindihan ang mga linguwahe ng iba’t ibang lahi ng mga investors. Lahat ng tanong ay nasagot niya nang tama at dahil do’n ay namangha ang mga investors sa galing niya kaya marami siyang nakumbinsi na mag-invest sa kompanya niya. Sa pag-uwi ni Jiyeon sa apartment niya ay bigla niyang nakitang lumilitaw ang baso at pistel sa harap niya nang makaramdam siya ng uhaw. Nanlaki ang mata niya at napaatras dahil sa kababalaghang nakita niya. “W-what is going on? Bakit lumitaw ‘yon?” takot niyang wika sa sarili saka kinusot ng kamay niya ang mata niya ngunit nand’yan pa rin ang bagay na ‘yon. Lumapit siya dito upang hawakan ang pitsel at baso. “Nahawakan ko siya,” aniya saka nagsalin ng tubig sa baso pagkuwan ay ininom saka marahang tumawa sa kaisipang nag-iilusyon lang siya. Binagsak niya ang kaniyang sarili sa couch at nang maisip niyang kunin ang remote control para sana manuod ng soccer ay bigla na namang lumitaw ito sa harap niya. Nangilabot siya dahil baka nasa paligid niya lang ang namayapa niyang tatay. “H’wag mo naman ako multuhin ng ganito, Tay. Alam kong namimiss mo ako pero hindi naman maganda ang ganitong klaseng pagpaparamdam,” takot niyang wika dito habang nililinga ang paligid ng sala. Dagli niyang kinuha ang remote sa hangin at binuksan ang TV. Nang makaramdam na siya ng gutom ay naisip niyang kunin ang cellphone upang mag-order ngunit bigla naman itong kusang lumabas sa bulsa niya at lumitaw sa harap niya. Nagsitindig ang mga balahibo ni Jiyeon dahil hindi siya makapaniwalang nangyayari ang mga bagay na ‘yon sa ikatlo. Pumikit siya at inisip ang bagay na gusto niyang kunin. “Magbabasa ako ng Harry Potter Novel,” wika niya sa isip pagkuwan ay minulat niya ang kaniyang mata at laking gulat na nasa harap na niya ang librong ‘yon. “Gusto kong lumutang,” aniya sa isip kaya mahinay na umangat ang kaniyang dalawang paa hanggang sa lumulutang siya sa hangin na animo’y zero gravity. Sinubukan din niya dumaan sa bintana at laking gulat na lumipad siya sa labas. Dahil sa takot na baka mahulog siya ay pinikit niya na lang ang kaniyang mga mata at dumaing na ‘wag sana siyang mabangga at bumalik na lang ng apartment. May kakaibang kapangyarihan siyang nararamdaman sa buo niyang pagkatao. Paano nga ba siya nakakuha ng gano’ng kapangyarihan? Ilang araw na ang lumipas ay halos mabaliw na siya kakaisip ng dahilan kung paano niya nagagawang lumipad at gawin ang bagay na hindi kayang gawin ng isang normal na tao. Nagpasya si Heron na humiwalay sa katawan ni Jiyeon kaya laking gulat ni Jiyeon nang matantuan niya ang kaniyang kapareho na may mahabang balbas. “S-sino ka? Bakit kamukha kita?” takot na tanong ni Jiyeon. “H’wag kang matakot. Ako si Heron. Nakikita mo ako?” manghang wika ni Heron dito. Hindi makapaniwala si Heron na nakikita siya ni Jiyeon. Sinubukan niyang lumipat ng ibang lugar at pansinin ang mga tao sa paligid niya ngunit bigo siyang makilala ito, tanging si Jiyeon lamang ang nakakakita sa kaniya, wala nang iba. Bumalik ng apartment si Heron upang kausapin muli si Jiyeon. “Galing ako ng planetang Zeta. Anong mundo ito?” tanong ni Heron dito. “N-nasa Earth ka. P-paano ka nakapasok dito? Teka! Haha! Nababaliw na ata ako. Hindi ito totoo. Nag-iilusyon lang ako,” ani Jiyeon saka pinagsasampal ang sarili upang gumising siya sa katotohanan. Sinalaysay ni Heron ang nangyari kung paano siya sumanib sa katawan ni Jiyeon ngunit di ito naniwala. Nagpunta si Jiyeon sa doctor, nagpa-laboratory test ngunit walang makitang malubhang problema ang doktor tungkol sa kalusugan niya maliban na lang sa pagiging stress nito sa trabaho . Walang magawa si Jiyeon kundi pumunta ng Psychiatrist para magpa-counsel hanggang sa sumuko na lang ang doktor sa kaniya dahil normal naman lahat ng mga test na ginawa nito. Sa panghihinayang ni Jiyeon sa perang pampa-test at konsulta sa doktor ay nagpasya siyang kausapin si Heron at kinuwento nito lahat ng nangyari kung bakit ito nakapasok sa Earth. “Nakatira ako sa Planetang Zeta at ako si Lord Heron ng Land of Moonhollow. Ginamit ko ang kapangyarihan ko hanggang sa nakagawa ako ng malalim na butas. May bituin sa gitna at nakita kita sa loob at bigla na lang ako hinigop ng bituin at napunta ako sa katawan mo.” Malakas na halakhak ang narinig ni Heron mula kay Jiyeon dahil di pa rin ito naniniwala sa kaniya. “Prank ba ‘to? Oh siya sige! Sumusuko na ako, ilabas mo na ang mga camera at nasa’n ang director. Bakit di mo naman sinabi sa’kin na may shooting dito?” natatawang wika ni Jiyeon dito. “Ano ang ibig mong sabihin sa prank, camera, shooting, at director? Ngayon ko lang ‘yan narinig.” Nanlaki ang mata ni Jiyeon dahil sa narinig niya. “Seryoso? Hindi mo alam ‘yon?” “Oo dahil nagsasalita ako ng totoo. Hindi ba’t ikaw si Jiyeon Park?” “P-paano mo nalaman ang pangalan ko?” gulat na tanong ni Jiyeon dito. “Siyempre, sumanib ako sa’yo kanina, kaya nga nasagot mo ang tanong ng mga tao sa harap mo.” “Kung gano’n, bakit hindi mo alam ang mga salitang ‘yon?” “Hindi ko rin alam. Baka... may kakaibang kapangyarihan ako kapag sumanib ako sa’yo.” Muling natawa si Jiyeon dahil hindi pa rin siya kumbinsidong galing sa ibang planeta si Heron, hanggang sa dumating ang araw kung saan nasa gitna ng panganib si Jiyeon sa harap ng mga tulisang tao na tantya niyang mga gangster. “Saniban mo ako! Saniban mo ako!” sigaw ni Jiyeon habang hinahabol siya ng mga miyembro ng gangster. “Paano ko gagawin ‘yon kung hindi ka naman naniniwala sa akin?” pang-aasar ni Heron dito habang pinagmamasdan niyang pawisan at pagod na tumatakbo ang kamukha niya. “Naniniwala na ako! Believe me!” Nang dadapo na ang matulis na bahagi ng kutsilyo sa likod ni Jiyeon ay walang alinlangan na kaagad na sumanib si Heron dito kaya nabigla ang lalaki nang makitang naging kulay pula ang mata ni Jiyeon. Dahil sa kakaibang inerhiyang naramdaman ng mga gangster ay nagsitakbo sila dahil sa takot. “S-salamat. Kung hindi dahil sa’yo ay baka namatay na ako,” aniya dito kay Heron saka bahagyang tinaas niya ang kaniyang dalawang kamay upang pagmasdan ito. “Ang lakas ko kapag sumanib ka,” dagdag niyang wika kaya naniniwala na siya tungkol sa ekstraordinaryong kapangyarihan ni Heron.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD