Chapter 2

2111 Words
CHAPTER 2 BAGSAK ANG BALIKAT ni Heron habang naglalakad siya sa gitna ng gubat. Malungkot siya dahil sa nangyari at sigurado kamumunghian siya ng mga kalupain niya. “Bakit ba palagi akong natatalo sa mga gano’ng paligsahan? Nag-ensayo naman ako nang maayos? O baka naman nagsinungaling si Ina na ako ang malakas sa buong planeta upang gumaan ang loob ko?" Umiling si Heron dahil para sa kaniya ay hindi mangyaring magagawa ni Queen Hermonia ang magsinungaling tungkol dito. Huminga siya nang malalim at umupo sa malaking bato habang nilalaro ng daliri niya ang lupa. Ilang sandali pa ay kumandirit ang palaka sa harap niya kaya bigla siyang napatindig sa gulat. “Hay! Bakit naman ngayon ka pang nangugulat?!” pagtuturo ni Heron dito sa walang malay na palaka pagkuwan ay muling lumukso ito palayo sa kaniya saka siya bumuntong-hininga. Muling hinakbang ang mga paa niya ang lupa hanggang sa mapunta siya sa isang bayan. “Bayang Apollo ‘to, ah?" aniya sa isip. “Uy! Si Lord Heron!” manghang sigaw ng isang lalaki nang makita siya nito. “Oo nga si Lord Heron nga ito!” tuwang sabi ng isa pang lalaki sa pagdating niya. May isang matandang lalaki na tant’ya niya ay isang pinuno ng bayan ang lumapit kay Heron. “Anong pakay ninyo po at naparito kayo sa bayan namin, Lord Heron?” “Ah...Eh... napadaan lang ako,” nahihiyang tugon ni Heron sa matanda. “Gano’n ba? Pero bakit wala kayong kasama? Naglayas ba kayo dahil sa nangyari?” Naiilang na ngumiti si Heron dahil dinidiin ng matanda ang pagiging talunan niya. Wala na siyang mukhang maihaharap sa mga taong nasasakupan niya. Di kalaunan ay biglang sumingit ang isang babae na naghahabol-hininga sa kakatakbo. “Pinuno! Pinuno! May nalanghap po akong balita tungkol kay God Ares!” ani ng babae kaya nagkumpulan at pinalibutan ng mga tao ito upang madinig ang sunod nitong sasabihin. Nanlaki ang mata ni Heron nang marinig niya ang pangalan ng Ingkong niya. “A-anong balita tungkol kay God Ares?” pag-aalalang tanong ng pinuno kaya muling nagsalita ang babae. “Bilang na lang ang kaarawan ni God Ares at naghahanap na sila ng dios na papalit dito!” Alam ng lahat na sinumpang gawing immortal ni Hades si God Ares upang puksain ang planetang Zeta pagdating ng araw ng kamatayan. Nagningas ang nasa ni Hades na masakop lahat ng mga nilalang sa mundong iyon upang makilala siyang dios at maging mas makapangyarihan. “Paano na? Sinong papalit kay God Ares?” tanong ng isang lalaki dito. “Bali-balita raw na si Lord Sabir ang papalit kay God Ares.” “Pero di ba may halalang gaganapin?” “Oo, sina Lord Sabir at Lord Heron lang ang kandidato.” “Naku! Sigurado akong si Lord Sabir ang kukuning tagapamahala ng planeta natin. Paano ba naman ‘yan? Eh, natalo nga si Lord Heron!” “Tahimik! Nandito si Lord Heron, ‘wag kang maingay,” pagsuway ng matandang pinuno dito. May kung anong kirot ang tumurok sa puso ni Heron na mas sinuportahan ng mga nasasakupan na i-halal si Sabir bilang tagapamahala kaysa sa kaniya. Mas lalo pang lumungkot ang mukha niya dahil pabor sa kanila na manalo ang kaaway niyang si Sabir kaya tahimik na nilisan niya ang bayan at maglakabay malayo dito. Muling huminga nang malalim si Heron at may kung anong namumuong likido sa mata niya kaya agad niyang pinigilan iyon upang hindi na pumatak. Masakit para sa kaniya na hindi siya kinikilalang panginoon ng mga nasasakupan niya kaya humayo siya’t nagpakalayo. Pagdating niya sa gitna ng gubat ay nagpahinga siya at sumandal sa puno. Di kalaunan ay nakarinig siya ng babaeng humahagulgol ng iyak. Ginala ng paningin niya ang paligid at hinanap kung saan naroon ang babae, hanggang sa matagpuan ng kaniyang mata ito sa di kalayuan sa likuran niya. Tinabihan niya ang nakaupong babae at nilagay ang kamay sa balikat. “Bakit ka umiiyak?” tanong niya saka pinahid ng babae ang luha sa mata at nilingon si Heron. “Lord Heron?” Nanlaki ang mata ni Heron nang matantuang kaharap niya ngayon ang babaeng kinagigiliwan niya—si Miya ang Diyosa ng Buwan. “W-wala po ito. May nangyari lang po sa palasyo kaya naglayas ako,” tugon nito sa kaniya. “Ano? Naglayas ka?” Napangiti si Heron nang malaman iyon at saka muli siyang nagsalita. “Naglayas din kasi ako,” masayang banggit dito. “At bakit naman masaya kang naglayas?” gulat na tanong ni Miya. “Kasi kasama kita ngayon,” pabirong wika ni Heron dito upang maaakit niya si Miya. Nang magkagayon ay tumindig ang babae saka galit na nagsalita. “Huwag kang magsalita nang ganiyan! Dahli alam kong...” Napadilat ng mata si Heron sa kaisipang baka alam na ni Miya na matagal na siyang may gusto dito, kaya mas lalo pinatalas niya ang kaniyang pandinig upang abangan ang sunod nitong sasabihin. “...malungkot ka ngayon sa pagkatalo mo kay Sabir.” “Sana pala hindi na kita tinatakan sa noo para maging isang Lord,” pabirong dagdag na wika ni Miya dito. Napabuga ng hangin si Heron kasabay ng nahihiyang marahan niyang pagtawa. “Napanuod mo nga ang laban namin kanina. Kalimutan mo na ‘yon, sadyang nakatadhana sa akin ang maging talunan,” malungkot na sabi ni Heron kay Miya. “Bakit di mo subukang labanan ako?” Nagulat si Heron dito dahil sigurado siyang matatalo niya lang si Miya. “H’wag na, hindi ako pumapatol ng babae, saka ayokong saktan kita,” kumpiyansa nito sa sarili. Biglang lumitaw sa harap ni Miya ang kaniyang pana at tinutok ito kay Heron. “Hindi ako natatakot sa’yo, Lord Heron kaya maglaban na tayo,” seryosong saad ni Miya dito. Napatayo si Heron dahil sa sinabi nito. Ibang klaseng babae si Miya dahil lumaki itong amazona bago tinanghal bilang Diyosa ng Buwan kaya matapang at walang kinatatakutan ito. “Sige kung ‘yan ang gusto mo at h’wag lang natin seryosohin ang laro,” tugon ni Heron pagkuwan ay pinalabas ng kaniyang kapangyarihan ang espada niya saka siya ngumiti dito. “Walang problema,” wika ni Miya saka mabilis siyang lumipad palayo at sunod-sunod niyang pinana si Heron. Mabilis naman pinitak ni Heron ang mga pana habang tumatakbo siya palapit dito. Nang nasa tapat na siya ay dagli siyang lumipad kasabay ng paglaho ng kaniyang espada at bumilog siya ng kapangyarihan mula sa kamay niya at mabilis niyang hinagis ito papunta kay Miya. Nanlaki ang mata ni Miya nang matantuan niyang papalapit na ito kaya mabilis siyang umandap kaya diretsong tumama ito sa lupa. “Ang lakas ng kapangyarihan niya,” tulalang bigkas ni Miya sa sarili nang maramdaman niya ang enerhiyang bumabalot sa katawan ni Heron. Bumaba silang madali sa tapat ng tinamaang lupa hudyat na tapos na ang kanilang laban. Unang inusisa ni Miya ang malalim na butas na ginawa ni Heron dito saka siya nagsalita. “Ibang klase ang lakas mo, Lord Heron. Bakit di mo nagawang talunin si Lord Sabir? Sa tingin ko kung gagamitin mo ang kapangyarihan na ginawa mo kanina, sigurado akong nanalo ka sa Mythic Battle of the Lords.” “Hindi ko rin maintindihan kung paano kontrolin ‘yon, Miya.” “Sa tingin ko... eepekto lang ang lakas na ‘yon kung mangyaring naging kalmado ka’t kontrolado mo ang emosyon mo.” Napahinto saglit si Heron at binuklad niya ang kaniyang palad at nagpormang kamao. “Siguro kung hindi ko sineryoso ang laro sa arena ay baka nalabas ko ang lakas na ‘yon,” ani Heron sa isip. Ilang sandali pa ay biglang inusisa ni Miya ang butas sa lupa. “Nakagawa ka ng isang malalim na butas, pero bakit may nakikita akong maliit na bituin sa gitna?” “Talaga?” Dahil sa kuryusidad ni Heron ay mahinay na sinilip niya ang butas at namangha siya nang matanaw ang isang maliit na bituin na nakalutang sa harap niya. Ginamit niya ang kaniyang kapangyarihan upang mas lalong mawari niyang malinaw ang bituin na ‘yon at nang mangyari ay nabigla siya nang may isang lalaking kamukha niya sa loob na di kalayuan sa hitsura niya. “M-may nakikita akong nilalang na kawangis ko!” sigaw ni Heron dito kaya nanlaki ang mata ni Miya nang matantuan niya ‘yon. “Oo nga! Saang mundo kaya ito?” Mas lalong naintriga si Heron kaya muli niyang ginamit ang kapangyarihan para masuyod niya ang hitsura ng kamukha niyang lalaki. Ilang sandali pa’y nahigop siya ng bituin papunta sa kabilang mundo at naiwan niya si Miya. “Lord Heron!” sigaw ni Miya nang biglang naglaho ito. Ang nangyari ay dumiretso si Heron sa katawan ng kaniyang kawangis at laking kinagulat niya nang matantuang nasa harap siya ng mga taong tantya niya ay inaabangan ang sasabihin nito sa kanila. “Nasa’n ako?” gulong tanong niya sa isip.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD