Ano na girl, mission accomplished ba?si Roma
What do you think??
Tinignan siya nito ng hindi makapaniwala, ohh my, where's my bag??
Andun sa bahay kunin mo, sabay irap.
Ayy labag sa loob.. Pabulong na sabi nito.
Wala nakong magagawa kahit labag sa loob ko nu.
,
So, wala na talagang kasalan na magaganap??
Wala na..sabi ni mom pina cancel na daw lahat.,and bumalik na daw ng America si Adieline.
So sad naman... Ayy este ang saya pala hahahaha sabat ni Shanti.
Ang plastic mo kaibigan ba talaga kita??
Grabe naman Maria Cynthia, since baby pa lang magkaibigan na tayo pagsususpetsahan mo pa ba ang loyalty ko sayo.
Sus,talaga ba, ngayon ka nga lang bumalik pagkatapos ng napakahabang bakasyon mo, san na pasalubong namin?
And will you please stop calling me that,its annoying.
Kakabalik lang kasi nito galing mag out of the country bilang graduation gift ng parents nito sakanya.
Arte naman, sisihin mo mama mo siya nagbigay sayo ng pangalan na yan!
Sinisira mo ang araw ko, kakainis ka na, bumalik ka na nga dun sa Netherlands!
Hoy, ano ba naririndi nako sainyo, para kayong mga bata.saway ni Roma sakanila.
Tama na yan, mag celebrate na lang tayo, what do you think??
Lets go, mag bar tayo!
Yeah, namiss ko din mag bar.
Lets go girls!!
At the bar
Maci nakikita mo ba nakikita ko?pabulong na sabi
Biglang nangislap ang mga mata niya. Umaayon na naman sa kanya ang pagkakataon.
Walang sabi sabing iniwanan niya ang dalawa at dumeretso sa isang sulok ng bar kung saan nakaupo mag isa si Ephraim at parang lasing na.
Mag isa ka lang?
Sa lahat ng taong pwede kung makita dito, ikaw pa talaga Maci, sarcastic na sagot nito. Namumungay na ang mga mata nito halatang lasing na.
Leave me alone, I dont need you here.At kinaway kaway pa nito ang isang kamay telling her to get lost.
Kapatid kita, I know how youre feeling right now, please let me help you.
No, i said get lost, i dont need you b***h.
Tumayo ito at biglang na out of balance buti na lang naalalayan niya.
See, i told you, you need me.
Hindi na ito nakapagsalita dahil bigla na lang nawalan ng malay dahil sa kalasingan.
To the rescue naman ang dalawa niyang supportive friends, sa bigat ba naman ni kahit tatlo na silang umaakay dito ay hindi pa din nila kaya.
Omg, nakakawala naman to ng poise.. Reklamo ni Shanti.
Konting tiis na lang girls, malapit na tayo sa parking area.
Yeah, konting push na lang.
Ok,now naughty girl, ano na naman binabalak mo??
Tanong sakanya ni Roma ng maipasok nila si Ephraim sa sasakyan.
You'll find out tomorrow, she smile at them, start the car and wave them goodbye.
Habang nagmamaneho, pasulyap sulyap siya sa passenger seat kung saan nakaupo ang kuya niya.
Medyo nagiguilty siya dahil sa itsura nito ngayon.He looks so miserable now, dahil lang sa babaeng yun? Swerte naman niya!!!
Buti pa yun mahal mo.. E ako, kelan ba? Ako naman pwede ba yun?
Naiinis na pinunasan niya ang mga mata, umiiyak na pala siya.. Shet naman!
Napaka unfair naman ng buhay oh!!
Dinala niya ito sa condo niya at nagpatulong na lang sa guard para maakay ang lalaki.
Nagshower muna siya saglit at pagkatapos ay hinubaran niya ang lalaki ng sapatos at mga damit nito tinira niya lang ang suot nitong boxer.
Sa kama na niya ito pinahiga, pero wala siyang balak gahasain ito ngayon, well, she really wants to but she has her period right now, wrong timing diba??
Shet!
Humiga na siya sa tabi nito,nakaharap ito ngayon sa kanya at naamoy niya ang hininga nitong amoy alak. Hinawakan niya ang mukha nito at tinitigan ng maigi.. Kahit siguro titigan niya ang mukha nito sa loob ng isang araw hindi siya magsasawa.
Panu niya pagsasawaan ang ganito kagwapong mukha. Ang lalaking una at huli niyang mamahalin, she smile.. Yeah his gonna be my first and definitely going to be my last..
What is going on here!!
Ano ba, gusto niya pang matulog e.
Dahan dahan niyang binuksan ang mga mata at napabalikwas ng makita ang mom at dad niya.
Shetttt!
Panu na to??
Gusto niyang tingnan ang kuya niya pero wala siyang lakas ng loob naiimagine palang niya ang mukha nito ngayon parang nanginginig na tuhod niya.
Both of you, put your clothes on, mag uusap tayo!!
Ang dad niya yun, ngayon niya lang ito nakitang nagalit ng sobra.. Her body is shaking habang kumukuha ng damit sa closet niya.
Knina pa nakalabas ang mom at dad niya pati si Ephraim.
God please help me...
At lumabas na siya ng kwarto, nasa sala na ang tatlo at nag uusap.
Tiningnan niya ang mom at dad niya, medyo humupa na ang galit sa mukha ng dad niya. Ang mom naman niya ay pilit ngumiti sakanya.
Mom, dad im sorry.. Im really sorry..
Naiiyak na siya,hindi niya alam kung bakit siya naiiyak, nagsisisi ba siya o tears of joy?
Lasing na lasing lang po kasi kami kagabi..
Its all set, magpapakasal kayo.
Whatt??? Oh my God!!! Gusto niyang tumalon sa saya.
Tama ba narinig niya??
Tinignan niya ang mom at dad niya, hindi siya pwedeng magpahalata na masaya siya.
Why mom, dad?? Bakit kelangan naman magpakasal??
Plastic mo girl, diba yan naman ang gusto mo mangyari, ipokrita!!
Because its is so obvious, may nangyari sainyo anak, and we know na wala kapang nagiging boyfriend hindi ako papayag na hindi kayo makasal kahit hindi ko gusto dahil magkapatid kayo. Umiiyak na ang mom niya.
Kunwari tatanggi siya.
Mom, hindi namin kailangan magpakasal ni kuya..
No, you are going to get married and thats final.
Nagkalakas siya ng loob na tignan saglit si Ephraim, buti n alang hindi ito nakatungin sa gawi niya ngayon.. Napalunok siya. kawawa naman ito, nakayuko lang, kanina pa ba sila nag usap, hindi na siya nagawang intayin ng mga ito.. Pumayag kaya siya magpakasal sakin?? Malamang kung ang dad niya ang nagsabi ay hindi talaga ito makakatutol kahit ayaw pa niya.. He has so much respect to her dad.
Maci ano naman to girl? Masaya siya pero sobrang nagiguilty siya ngayon.
Masyadong mabilis ang mga pangyayari, hindi niya ineexpect na ganito ang kakalabasan.
Nakaalis na ang mom at dad niya sa condo pati si Ephraim. Mas lalo siyang kinakabahan ngayon, hindi man lang siya nito krinumponta about sa nangyari.
Does he realized na mas ok pag sila ang ikinasal?
I dont think so..
Kahit siya na lang ang natitirang babae sa mundo, alam niya hinding hindi siya magugustuhan ni Ephraim.. Bakit? Simple lang dahil kapatid lang ang turing nito sakanya.
Unang beses niya palang makita si Ephraim, nagustuhan na niya ito, masisi niya ba sarili niya?
Alam niya hindi niya kapatid ang lalaki kahit iniinsist ng mga parents niya na magkapatid sila.
Dumating ito sa bahay nila na walang dalang kahit ano, para siyang pulubi back then, he lost his parents by plane crash,and when they died kinamkam ng mga relatives niya ang mga kayamanan at ari arian na iniwan ng mga magulang niya sakanya, how?Money can do everything. Bigla na lang napabalita na namatay ang family attorney nila the day after his parents died and the last will and testament is nowhere to be found. Saklap diba? Thanks to her parents they adopt Ephraim with arms wide open,nalaman kasi ng mga magulang niya na sa katulong na lang daw ito nakatira dahil pinalayas na din sa bahay na tinitirhan nito.Her parents are one of his families closest friends. All of the sudden a prince turns into a beggar but she wanted to save this prince, one day he will be the one to reign her kingdom.
Yun ang itinatak niya sa isip niya, kaya kahit napaka cold sakanya ng lalaki hindi siya nawawalan ng pag asa na darating ang araw na ngingitian din siya nito ng napakatamis.
Paparating na ba ang araw na yun? Bakit bigla na lang nag iba ang ihip ng hangin,bakit hindi man lang siya sinakal nito nung umalis na ang mga magulang niya, well he has all the chances, nauna kasing umalis ang mga magulang niya. Naiwan itong nakayukopa din.Parang biglang tumigil ang mundo niya kanina nung sila na lang dalawa sa condo, gusto niyang kausapin ito, pero wala siyang lakas ng loob, matapang siya, pero sakanya lang siya tumitiklop.. Ilang minuto din itong nag stay bago walang lingon likod na umalis..
Napaka selfish nga niya siguro para gawin ito sa isang lalaking walang kalaban laban, yes walang kalaban laban dahil hindi nito kayang tanggihan ang mga magulang niya, how could he? He owe everything to them.
Kaya heto siya nagtetake advantage,a spoiled brat who will do everything makuha lang ang pinakamimithi. Ayan na nakuha mo na siya, masaya kana ba?
After a long years of battle, well, its really like a battle, para siyang isang knight na nakikipagbuno para hindi makuha ng iba ang kaharian na alam niyang para lang sakanya.
Napangiti siya, ang lakas niya talaga kay Lord. Sana ito na ang simula ng masasayang araw sa piling ng pinakamamahal niya.
.