Wedding no more

1567 Words
Hindi ako makapaniwala na ikakasal na ang alaga ko, maluha luha ang yaya tinay niya habang nakatingin sakanya. Nasa kwarto niya siya ngayon nag eedit ng video, this time about sa shein dresses hauls ang content niya, bumili siya ng mga shein dresses and sinusukat niya isa isa,she love all of the dresses actually, its kinda cheap but it looks good in her, kahit naman kasi 5'4 lang ang height niya ay proportion naman ang katawan niya and syempre hindi din niya nakakalimutang mag work out, an dami na nga din niyang uploaded videos about sa mga work outs niya, madami kasing followers niya ang nagtatanong kung anong mga exercise ginagawa niya dahil toned daw ang katawan niya and may mga nanghihingi din ng mga tips bakit hindi daw siya tumataba kahit most of her vlogs are food asmr, well binayayaan lang siya siguro talaga ng magandang katawan. Napatingin siya sa yaya niya, nagpapalit ito ng bedsheet niya habang siya naman ay nakaupo sa couch. Nu kaba yaya, kahit naman mag aasawa nako dadalawin pa din kita, dont worry.. Umiiyak pa din ito.. Sama mo na lang kaya ako,san niyo ba balak tumira ni Ephraim? Bigla siyang napaisip, oo nga pala, syempre pag kasal na sila kelangan na nilang bumukod, san kaya siya ititira ng lalaki? May mga plano na kaya ito.. Ni hindi man lang nga siya kausapin. Bigla siyang napangiti sa sinabi ng yaya tinay niya, Gusto niyo po bang sumama sakin? Cge yaya I'll tell mommy na sasama ka samin. Nangislap ang mata ng matanda sa sinabi niya,Salamat nak,alam mo naman ikaw lang ang pinagsisilbihan ko dito sa mansiyon baka pag umalis ka sisantehin na din ako nila mam at sir... Hindi naman siguro nila gagawin yun yaya,wag na po kayong mag isip jan ng kung anu ano, halata kasi sa mukha ng matanda ang pag alala. Salamat nak.. Nagpatuloy na nga ito sa ginagawa at siya naman ay mataman lang itong tinignan.. Since pinanganak siya ang yaya tinay na niya ang nag alaga sakanya,ito ang nagpuno ng pagmamahal at pag aaruga na dapat ay ang mom niya ang gumagawa, naiintindihan namna niya na masyado silang busy sa mga business nila.Kaya bumabawi n alang ito sa mga materyal na bagay inispoiled siya nila sa mga material things but never in love. Kaya siguro siya lumaki na parang uhaw lagi sa atensiyon. Napabunting hininga siya, she maybe a spoiled brat pero kung kikilalanin mo siya malalaman mo kung gaano siya ka vulnerable. At ang yaya tinay niya ang isa sa mga taong nakakaalam nun. Natapos na niya ang iniedit niyang video at naupload na din. Ang sabi ng yaya niya ay andito daw ngayon si Ephraim sa mansiyon, nakaalis na kaya siya? Andami niyang gustong sabihin sa lalaki pero wala siyang lakas ng loob na kausapin ito. Ilang araw na lang ikakasal na sila, nag hire na lang ang mom niya ng mga mag aasikaso para sa kasal nila, gusto niya sana siya ang pumili ng wedding gown kaya lang baka isipin nila na excited siya para sa kasalang magaganap.. Kaya wag na lang. Ayaw niyang mabuko siya ng mga magulang niya, kunwari hindi siya masaya at napipilitan lang dapat galingan niya ang pag arte. Dapat maging convincing,para walang mangyaring aberya. Ito na yun e, konti na lang, konting konti na lang magiging siya na ang pinakamasayang babae sa buong universe. Iniimagine pa lang niya na ikakasal na siya kay Ephraim parang hindi na siya makahinga sa sobrang excitement. Masaya siyang lumabas ng kwarto niya at naisipang magpahangin muna sa may veranda.. Shes walking gracefully while humming her favorite song A Thousand Years. Pwede kaya irequest na yun ung kanta habang naglalakad siya papasok ng church?? Malapit na siya sa veranda ng mapansin na nakaawang ang pinto ng office ng dad niya. Isasara na sana niya ang pinto, inisip niya na baka nakaligtaan lang isara ng dad niya pero bigla siyang napahinto ng may marinig na boses sa loob,lumapit pa siya ng kaunti sa pinto para marinig ang boses ng nag uusap sa loob..Sa office ng dad hindi basta basta nakakapasok ang mga maids o kahit sino ng walang pahintulot ng dad niya kaya bigla siyang napaisip kung sino ang kausap nito ngayon. Ephraim take good care of her.. I dont know dad,bakit kelangan kung maipit sa ganitong sitwasyon. She's my sister, bakit kailangan naming ikasal? Dad, kailangan niyong gumawa ng paraan para ayusin ito.. Siya pala ang pinag uusapan, napabuntong hininga siya, ayaw talagang makasal sakanya ni Ephraim. Pero wala siyang magagawa dahil hindi papayag ang dad niya,diba dad? Tell him pls.. Hindi pa din siya umaalis gusto niyang pakinggan lahat ng pinag uusapan nila. Anak, gustohin ko mang hindi matuloy ang kasal niyo ay wala nakong magagawa, si Olivia na ang nagdesisyon. Then why dont you tell her the truth dad? Napaurong siya ng kaunti, truth?? Bakit ano ba ang totoo? May tinatago ba sila?? Lalo niyang nilapit ang sarili sa nakaawang na pinto If you really love me dad, tell your wife who really i am. Tell her na anak mo ako kay Katrina Salvador!! What!!! Anak siya ni dad sa ibang babae????? All this time niloloko sila ng dad niya, kaya pala inampon nito si Ephraim. Kawawa naman ang mom niya, ang tagal na pala sila nitong niloloko. Nanginginig ang katawan niya, gusto niyang umiyak pero kailangan niyang pigilan ang emosyon niya baka malaman nila na naandun siya at nakikinig sa pinag uusapan nila. How can I tell Olivia?Kung may lakas ako ng loob, matagal ko na sanang ginawa. You know how much I love her.. Then how about mom, minahal mo man lang ba ang mom ko?? I'm sorry anak.. So, magkapatid pala talaga sila ni Ephraim?Pinaglalaruan ba siya ng tadhana?? Ok na e, bat naman ganito, paano niya magagawang pakasalan ang kapatid niya!! Paano na kami ni Ephraim?? Paano na... Hindi na siya lumabas ng kwarto niya kahit ilang beses na siyang kinakatok ni yaya tinay para kumain. Gusto niya munang mapag isa.. Gulong gulo ang isip niya. Gusto niyang magpakalayo layo, gusto niyang makalimutan si Ephraim.. Kaya niya kaya?? Kelangan niyang kayanin.. Nagawa niya dati diba, siguro naman ngayon magagawa niya ulit.. Gusto niyang sumigaw!! Gusto niyang magpakalasing.. Gusto niyang makalimutan lahat ng narinig niya.. Parang dalawang patalim ang tumurok sakanya.. Paano sila nagawang pagsinungalingan ng dad niya.??Kawawa naman ang mom niya, walang kaalam alam sa mga sekreto ng dad niya! I hate you dad!!!I hate you!! Ayaw na niyang makikita ang pagmumukha ng dad niya at gusto na din niyang makalimutan ng lubos si Ephraim. Buo na ang loob niya, aalis siya, magpapakalayu layo siya. Hello,Maci whats wrong,bat napatawag ka ng ganitong oras? Wala sa loob na napatingin siya sa alarm clock na nakapatong sa maliit na mesa sa tabi ng higaan niya.. Shet, 2:30 am na hindi man lang siya dinalaw ng antok. Si Shanti ang tinawagan niya, alam niyang matutulungan siya nito. Shanti, listen.. Magkapatid kami ni Ephraim..hindi na niya mapigilan ang luha habang kausap ang kaibigan sa telepono. What!!? Yeah,mamaya ko na ikukwento sayo. Pwede mo ba akong sunduin dito sa bahay?? Gusto ko ng umalis dito... Yeah sure, mag impake ka na, I'll be there in an hour. Hindi na nga ito nagtanong ng kung anu ano pa, maaasahan niya talaga ito sa lahat ng pagkakataon. Her one true bestfriend, close din sila ni Roma, pero iba ang closeness nila nito. Thanks Shanti.. Napabuntong hininga siya pagkatapos makausap ang kaibigan, mabigat man sa loob ang gagawin niya, pero alam niyang ito ang mas makakabuti. Alam niyang walang balak ang dad niya na sabihin sa kanila ang totoo. Pero hindi niya kayang magpakasal sa half brother niya. Nagmadali na siyang mag ayos ng mga gamit niya, konting damit lang ang dadalhin niya, mag shashopping na lang siguro siya. Bigla niyang naalala ang mom niya, paano na to, habambuhay itong pagsisinungalingan ng dad niya. Naaawa siya sa mom niya. Mom Im sorry kung aalis ako, hindi ko alam kung kelan ako babalik, mamimiss kita ng sobra.. Naisipan niyang mag iwan ng letter para dito, pero san niya ilalagay ang letter, she wants to tell her everything,She needs to know the truth, naisip niyang iipit ang letter sa paborito nitong libro.. Yeah thats it! Alam niyang makikita iyon ng mom niya, dahil binabasa niya ang libro na yun araw araw bago matulog. Dali dali siyang lumabas saglit sa kwarto niya, papunta siya ng mini library nila buti na lang at malapit lang to sa kwarto niya. Pagkabalik niya ng kwarto,nagvibrate ang phone niya,si shanti.. Malapit na daw ito, kinuha na niya ang bag na pinaglagyan niya ng mga damit, dahan dahan ang mga kilos niya walang pwedeng makaalam na aalis siya.Buti na lang wala ng gising sa bahay nila ng ganitong oras, malaya siyang makakalabas ng bahay, e ano kung makita nila sa cctv hindi naman nila alam kung sa siya pupunta. Kahit sa mom niya di niya nilagay sa letter kung san siya pupunta.. Gusto na muna niyang mapag isa.. Konti na lang malapit na siya sa main door,mabigat sa loob niya ang pag alis niya sa bahay nila.. Pero ito ang nararapat kailangan niyang palayain ang puso niya sa pagmamahal para kay Ephraim. Ito lang ang naisip niyang paraan.. San ka pupunta??? Biglang nagtayuan ang balahibo niya.. Kahit mahina lang ang boses nito ay alam na alam niya kung sino ang may ari nun.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD