ANDY "Andrew, ano ba?! Eyes on the shuttle! Focus!" gigil na sigaw sa'kin ni Luce nang matalo na naman niya ako sa second set. We're having our badminton practice ngayon. Busy din 'yong doubles namin sa two other courts. Nakita kong dismayado sa'kin si coach. "Sorry. Pagod ako," nasabi ko na lang kaya mabilis akong sinugod ni Luce at hinila sa tshirt ko. "One week na lang Andrew Torregozon, one week! Kung ano man 'yang problema niyo ng bestfriend mo, 'wag mong idala rito sa game! Malapit na ang tournament natin!" Halos mapunit na ang damit ko kaya mabilis siyang inawat ni coach at pinagsabihan kami. Nahinto tuloy sa paglalaro ang ka-teammates namin. "Lucy! Andrew! Ano bang kaguluhan 'yan? Ngayon pa kayo mag-aaway kung saan nalalapit na ang game natin. Walang naitutulong 'yang ganyang b

