"Ma, Dad, we're here," tawag ni Kate nang makarating kami sa kanila. "Buti naman at nakarating kayo ng safe at ginabi na kayo. Anuman, nakabili kayo? Andy! Thank you dahil sinamahan mo si Kate ha? 'Di ka naman naabala 'no? Kumain na kayo kung 'di pa kayo kumain," magiliw na bati sa'min ni Tita Laura. "Ma, sa room ko na lang po kami kakain. We bought food." Ipinakita ko ang binili naming Jollibee. Tumango na lang si tita at hinayaan na kaming umakyat. Mabilis na ini-lock ni Kate ang room niya. Basta-basta na lang siyang naghubad sabay higa sa kama niya. I turned on the AC. Ipinagkuha ko na rin siya ng pamalit niya dahil tinatamad na naman siya. "Kate, magbihis ka muna bago tayo kumain— Kinakain na niya 'yong spaghetti at fries. Nagkakasala na talaga ako. Ang mga nakikitang kong malul

