Contract Nine: It’s hard to say goodbye.

1594 Words
Jaimee “Lo, pwede niyo pa po ba akong bigyan ng one week pa para makapag-isip?” Nandito kami ngayon sa office nila Lolo sa school. Hindi ko expected na dito kami dadalin ni Ms. Iris. Pinipilit na din ako ni Lolo Juanito na magbigay ng desisyon ko. Ang hirap, ayoko kasing bitawan ‘yung taong mahal ko. Pero kung gagawin ko man ‘yun, si Arryl naman ‘yung masisira. “Jaimee, hindi pa ba sapat ‘yung one week? Ang tagal na no’n.” Matagal na sa kanila. Sa akin, kulang pa ‘yun. Hirap kaya. “Lo, bigyan niyo pa po ng time si Jai. It’s very hard to make a disicion with her situation. She really loves Arryl.” “SJ, dapat pinipilit mo siya na makipaghiwalay na. You know that’s the best thing to do. Pero anong ginawa mo? Pinapayagan mo silang magkita. Alam kong pinapunta mo siya sa bahay niyo.” “I know, Lolo Felipe, but can we just understand her situation right now? Give her at least one more week. Since our suspension is not yet lifted.” “We can’t wait any longer.” *knock knock* “Come in.” “Sir, Mr. Vasquez is already here.” Si Ms. Iris pala ‘yun, ang pormal niya talaga. Tingin ko naman bata pa siya, seryoso lang talaga sa trabaho. Ay, teka. Si Mr. Vasquez daw nandito. Parang may kilala akong gano’ng surname. Nag nod lang si Lolo. At pumasok na si Mr. Vasquez... “Arryl?” Medyo gulat na tanong ko. “Jaimee, what are you doing here?” “I should ask the same question.” Lumapit ako sa kanya. “Hindi ka dapat nag punta dito.” “I asked him to go here. Para makausap namin siya ni Felipe.” Ano naman kaya pinaplano ni Lolo? “Sir. May I ask what are we going to talk about?” “I heard that you are the boyfriend of my granddaughter.” Napatingin siya sa akin. ‘Yung tingin na nagtatanong. Nagtataka siguro siya kung paano nalaman ni Lolo. “You just need to answer me yer or no.” “Yes, sir.” Hinawakan niya ‘yung kamay ko. Seryoso ‘yung itsura ni Arryl. Mukhang nakakapagod na araw ito. Napahampas si Lolo Juanito sa table. “Iris!” pumasok naman kaagad si Ms. Iris. Kung ako din ‘yun eh, papasok din ako kaagad. Galit kasi ‘yung tono ni Lolo. “Ilabas mo ‘yung Marriage Contract.” At mabilis namang kinuha ni Ms. Iris. “Explain everything that written there.” Sige explain, explain. “To desolve this contract you need to pay 100,000,000,000 pesos. Sa sitwasyon ngayon, ang ika-limang rule ang bibigyan natin ng pansin. Mr. Vasquez, tingin ko naman naiintindihan mong maigi ang nakasaad sa nasasabing kontrata.” “Yes.” Kinakabahan ako sa maaring mangyari. “You have to choose, you’ll going to break with my apo or mas gusto mong makick out.” Humarang ako kay Arryl. “Wait, Lo! Baka pwede po muna kaming mag-usap?” “Okay, Jai, I know you’ll make the right desicion.” Lumabas na kami ni Arryl sa office, nagpunta kami sa sanctuary ng school, para tahimik at walang manggugulo sa amin. “Jai, totoo ba lahat ‘yung kanina?” He looked worried. Huminga muna ako ng malalim bago nag salita. “Arryl, totoo lahat ‘yun. Alam ko nakakabigla, pero kahit ako hindi ako makapaniwala no’ng una.” “All these time, tinago mo sa akin? Bakit Jai?” “Alam mo bang masakit sa’kin ‘to? Matagal ko ng gustong sabihin sa’yo ‘to. Matagal na, na alala mo no’ng nagkita tayo after no’ng birthday ko? Sasabihin ko na sana eh, kaya lang natatakot ako sa maaring mangyari, na baka iwanan mo ako. Hindi ko kaya ‘yun Arryl. Hindi talaga, mahal kita eh. Mahal na mahal. Alam mo naman ‘yun hindi ba?” Tumulo na ‘yung luha ako. Niyakap niya ako. “Mahal na mahal din naman kita ah? Ngayon naiintindihan ko na kung bakit ka nawalan ng time sa akin, dahil pala ‘yun sa contract na ‘yon. Sa totoo lang nathreatened talaga ako kay SJ no’ng dumating siya, lagi kasi kayong magkasama. Ngayon, siya pa pala ang papakasalan mo. Mas lalo akong natakot. Alam mo ba, no’ng wala pa si SJ takot na takot na akong mawala ka, pero ngayon, mas lalo pa akong natakot. Tuluyan ka ng mawawala sa akin, Jai. Feeling ko magugunaw na ‘yung mundo ko.” Nagpatuloy ‘yung pagdaloy ng luha ko, hindi ko mapigilan, parehas kami ng nararamdaman. Lalo niyang hinigpitan ‘yung pagkakayakap niya sa’kin. Naramdaman ko na may parang tumulo sa balikat ko. Umiiyak siya? “Arryl, umiikyak ka ba?” Hinigpitan niya pa lalo ‘yung yakap niya bago niya ako pinakawalan. Nakita ko ‘yung mata niya, may luhang tumutulo. Nasaktan ko siya. Nasaktan ko ‘yung taong mahal na mahal ko. Feeling ko dumoble ‘yung sakit na nararamdaman ko. “Hindi naman sa lahat ng oras kaya kong maging malakas. May kahinaan din ako, Jai. Lalo na kapag nasasaktan ‘yung puso ko.” Tinuro niya ‘yung puso niya. “Hindi ko naman kontrolado ‘yung nararamdaman ko eh.” “Nag sisisi ka ba na ako ang minahal mo?” Hinawakan niya ‘yung magkabila kong balikat at saka mariing umiling. “’Yan ang bagay ng hinding hindi ko pagsisisihan, Jai. Naalala mo ba noong una tayong nagkita? Nabungo kita, inis na inis ka sa’kin kasi nahulog ‘yung panyo mo sa putik.” Bigla akong natawa, naala ko ‘yung araw na ‘yun, kulang nalang ihampas ko sa kanya lahat ng librong hawak ko dahil sa sobrang inis. Paboritong panyo ko kasi ‘yung nahulog sa putik. “Lalo ka pang nainis no’ng nginitian kita. Sabi mo pa nga, ang lakas ng loob kong ngitian ka. Kaya lang naman ako napangiti noon kasi noon lang ako nakakita ng babaeng inis na nga, sobrang ganda pa din.” Pinahid niya ‘yung luha ko. “Tulad ngayon, umiiyak ka pero ang ganda mo pa din.” “`Wag mo na nga akong bolahin.” Pinahid ko na din ‘yung luha niya. “Nayabangan talaga ako sa’yo nun, hindi mo manlang kasi ako tinulungang kunin ‘yung panyo ko, nginitian mo lang ako, tapos nagpatangay ka na do’n sa babae. Kung hindi ko nalaman na kakambal mo pala ‘yung naghatak sa’yo, isusumpa na talaga kita.” Natawa kami pareho. Pero kung may makakarinig ng tawa namin, sasabihin na pilit lang o may halong sakit. Bigla siyang sumeryoso. “Jai, naisip ko lang, kung lilipat ba ako ng school hindi na natin kailangang maghiwalay?” “Arryl, ayokong umalis ka dito sa school. Sayang ‘yung mga pinaghirapan mo. Sa loob ng isang taon na pag-aaral mo dito, gumawa ka kaagad ng pangalan. Nagbigay ka ng karangalan sa school. At ikaw ang nangungunang dean’s lister ngayon. Dito mo binuo ‘yung mga pangarap mo. Ayoko namang ako ‘yung maging dahilan para masira lahat ‘yun.” “Kung mawawala ka din naman sa akin, para saan pa ‘yung mga pangarap na ‘yun? Jai, kasama kita no’ng binuo ko ‘yung mga pangarap na sinasabi mo.” Pilit akong ngumiti. “Arryl, noon, wala akong pangarap. Pero no’ng nakilala kita ng lubos, sinabi mo sa’kin ‘yung mga pangarap mo, sabi ko sa sarili ko dapat kitang gayahin. Madami kang pangarap sa buhay. Kaya mong abutin lahat ‘yun. Kaya mo ng wala ako.” “Hindi ko kaya...” pinigil ko ‘yung sasabihin niya, inilagay ko ‘yung hintuturo ko sa labi niya. “Dapat mong kayanin. Tandaan mo, magkahiwalay man tayo, hindi kailangang huminto ‘yung mundo mo sa pagkawala ko. Andito pa rin ako para sa’yo. Hindi man tayo ‘yung katulad ng dati, pwede pa din tayong maging magkaibigan.” “Ganyan lang ba kadali sa’yo na sabihin lahat ‘yan? Kakalimutan mo na lang ba lahat ng pinag samahan natin?” “Wala naman akong sinabing madali ‘to sa’kin, Arryl. Masakit lahat ng sinasabi ko, ayaw ko mang sabihin, pero ito ‘yung tama. “Pero... Mahal kita... Hindi ko kaya...” Umiyak na naman siya . Niyakap ko siya. “Mahal din kita, at hindi ko din kaya, pero para sa ikabubuti mo, kakayanin ko. Pipilitin kong kayanin. Kung para sa isa’t isa talaga tayo, magiging tayo pa din sa huli kahit anong mangyari. “Hihintayin pa din kita. Kahit anong mangyari.” Kumalas ako ng yakap sa kanya. Tinignan ko siya mata sa mata. “`Wag kang maghintay, paano kung may dumating na mas better sa akin? You deserve to be happy, Arryl.” Niyakap ko ulit siya, para kahit sana sa huling pagkakataon mayakap ko ‘yung taong mahal ko. “It’s hard to say goodbye, pero kailangan na nga siguro. Ayoko ng makita kang umiyak ng dahil sa akin. Lagi mong tatandaan na mahal na mahal kita.” At sa una at huling pagkakataon, nahalikan na din ako ng taong mahal ko.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD