Contract Special: Ako si Seb.

402 Words
Seb’s Blog Entry Ako si Sebastian James Monreal, 18 years of age. Teka alam niyo na ‘to. Hindi ko na sasabihin ‘yung mga basic sa akin tulad ng gwapo at hot ako. I left Philippines for 7 years, bago ako bumalik dito nalaman ko na ipapakasal pala ako sa childhood friend ko na si Jaimee Cruz. Sa totoo lang, alam ko na talaga yan, bago pa man ako umalis ng Pilipinas. Accidentally kong nabasa ‘yung contract na ‘yun. Hindi ko lang pinaalam sa parents ko na alam ko na, baka kasi practical joke lang ‘yun. Pero nga, totoo pala. Hindi na naman ako nagulat. Kung baga expected ko na. Simula no’ng araw na umalis ako sa Pilipinas, itinalaga ko na kay Jaimee lang talaga ako. Aaminin ko, simula pagkabata gusto ko na talaga si Jai, ‘yung gusto hindi bilang kapatid. Oo, siguro noon pa man mahal ko na si Jai. Nakakatuwa ‘no? Ang bata ko pa pero naramdaman ko na iyon. Iba kasi si Jai, hindi siya ‘yung mayabang, spoiled, at maarte na bata kahit mayaman ang pamilya nila. Down to earth na tao siya. Ang ganda niya pa. Pagbalik ko dito, hindi ko expected na mas lalo akong maiinlove sa Jai namaabutan ko. Hindi pa din siya nagbabago. Siya pa din ‘yung Jai na kakabata at babaeng minamamahal ko. Ang masakit lang, may laman na ‘yung puso niya. Akala ko, pagbalik ko makakasama ko na ‘yung taong mahal ko. ‘Yung taong minahal ko sa loob ng 18 na taon na pagkabuhay ko sa mundo. Alam ko, masyadong mahal ni Jai si Arryl. Siguro kasi first love. Kahit alam ni Jai ‘yung mga pwedeng mangyari kay Arryl ayaw niya talagang bitiwan. Nasasaktan talaga ako, kahit na lagi ko siyang kasama. Kasama ko nga siya pero ang utak niya nasa ibang tao. Plinano ko na agawin ‘yung puso ni Jai. Pinilit kong maging cool sa harapan niya, ang alam ko kasi ‘yun ‘yung gusto ng mga babae eh. Pero feeling ko, hindi effective. Feeling ko lalo niya akong inaayawan. Pero habang lalo niya akong inaayawan mas lalo akong napupursigi. Napakaclumsy pa din ni Jai, pero ‘yung pagkaclumsy na ‘yun pabor sa akin. Alam niyo na kung bakit ‘di ba? Tulungan niyo naman ako para mafall siya sa akin oh? Salamat.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD