Contract Eight: Tara sa grocery.

1546 Words
Jaimee Bukas, sara, bukas, sara, bukas. Argh! Wala na talagang laman ‘yung ref! Nakakainis, one week na kaming grounded ni Seb. Aminado naman kaming kasalanan namin, una, nagalit si Lolo Juanito dahil nag sinugaling ako about sa boyfriend ko. Pinapapili nila ako nila Lolo kung makikipagbreak ako o makikick out si Arryl. Pangalawa, si Lolo Felipe nagalit dahil sa pakikipagsuntukan ni Seb kay Arryl. Two weeks kaming grounded, para daw makapag-isip isip kami ni Seb. Pati ‘yung party no’ng Saturday kinancel muna dahil nga sa nangyari sa amin. Hay. “Seb, wala na ding shampoo sa banyo!” Inis na nilabas ko siya sa sala. “Oh, anong gagawin ko? Magpagrocery ka kay Manang Nida.” Eh, loko pala ‘to eh. Nasaan kaya si Manang Nida? Isang linggo na kaming walang katulong dito sa bahay. Hindi ko alam kung saang lupalop ng Earth pinadala nila Lolo ‘yung mga katulong namin dito. “Ano ka ba? Seb. One week na tayong walang katulong.” “Oo nga pala.” Humawak siya sa tiyan niya. “Nagugutom na ako.” “Wala ng stock sa ref.” “Padeliver tayo.” “Bawal, nakatrack lahat ng tawag na gagawin natin, tandaan mo sabi ni Lolo Felipe matuto daw tayo na tayo lang.” Tumayo siya. “Argh, tara na sa grocery.” “Hindi ako marunong maggrocery.” Ngumiti ako. Tinignan niya lang ako ng inis na tingin. Ano bang magagawa ako? Pinanganak akong may katulong sa bahay na gumagawa ng paggrogrocery. Binato niya ako ng throw pillow. “Masakit ah!” “Anong klaseng babae ka? Hindi ka marunong maggrocery? Tsk, pano kung kasal na tayo? Magpalit ka ng damit, bilisan mo. “Saan tayo pupunta?” Binato niya ulit ako ng throw pillow. “Oy! Nakakadami ka na ah!” “Ang slow mo kasi, ‘di ba sabi ko nga mag gogrocery tayo, tapos magtatanong ka pa kung saan tayo pupunta.” Nagpeace sign na lang ako sa kanya, dumiretso na ako sa kwarto para magbihis. Nag suot lang ako ng Tee at short na maikli. Pagkalabas ko si Seb naman ‘yung pumasok. Kung nagtataka po kayo kung paano kami natutulog, kasi ‘di ba isa lang ang kwarto dito sa malaking bahay na ito. Alternate kami sa pagtulog sa couch sa sala. “Tara na.” Anak ka ng nanay mo. “Ano ba?! ‘‘Wag ka ngang mang gugulat. Seb, ganyan ka pupunta sa grocery?” Bakit kanyo? Ang suot V-neck na tshirt at nakashort na maong, nakatsinelas, at HINDI siya nerd. Ang gwapo niya. Parang ang sarap ipagsigawan sa buong mundo na fiancée ko siya. Hahaha. Chos! “Oo, bakit?” Ang suplado naman nito. “Tara na.” Hinatak na niya ako palabas ng bahay. Sumakay na kami sa kotse niya, ang walang hiya hindi manlang ako pinagbuksan ng pinto. Hmp! Since malapit lang naman ‘yung bahay namin sa mall, 20 minutes lang nakarating na kami sa paroroonan namin. Pinagtitinginan kami no’ng mga tao. Bakit kaya? “Ang gwapo niya no?” “Girlfriend niya kaya ‘yung kasama niya?” “Bagay naman sila maganda ‘yung girl.” “Ano!? Mas maganda pa nga ako do’n sa girl.” Napatingin ako do’n sa huling nagsalita. Naku, pigilan niyo ako. ‘yung babae na ‘yun, babae nga ba? Bakla ata, mas maganda pa ‘yung aso namin sa mansion. Kung makapagsalita. Hinawakan ako ni Seb sa kamay. As in naka in between ah. “’Wag mo na sila pansinin, inggit lang sila, kasi may gwapo kang kasama.” Siniko ko nga siya. Ang yabang eh! “Aray, nayayabangan ka na naman, totoo naman ‘yung sinasabi ko.” “’Yung kamay ko, baka may makakakita sa atin.” Pilit kong tinatanggal ‘yung kamay ko sa kanya. “Ano naman kung meron? Mainam nga ‘yun eh, para malaman nila na taken na ‘yung lalaking pinagtitinginan nila.” Tinakpan ko ‘yung bibig niya. Ang ingay niya kasi eh, talagang nilakasan niya pa ‘yung boses niya. “Ay, sila na nga no’ng girl.” “Ang swerte naman no’ng girl.” “Kung ako sa girl, ipagmamayabang ko ‘yung boyfriend ko.” “Tignan mo, buti pa ‘yun, kung ako daw boyfriend niya ipagmamalaki niya ako. Tapos ikaw na fiancee ko, itinatago ako. “’Wag mo ngang ipagkalakasan.” “Ay, bongga! Fiancee na pala ‘yung girl.” Hindi ba mawawala ‘tong mga chismosa na ito? “Kung ako talaga yan, ipagsisigawan ko pa na ganyang kahot ang fiancée ko.” Tinignan ko ng masama ‘yung pesteng tsismosa. “Seb, please tara na. Mag grocery na tayo, gusto ko nang umalis dito.” Ngumiti lang si Seb, tapos hinatak niya ako papasok sa grocery. Pili dito, pili doon. Pili ulit dito, pili ulit doon. Kuha nito, kuha no’n, tingin dito, tingin doon, tanong dito, tanong doon. Ang galing ni Seb, halatang halatang marunong siyang mag grocery. Samantalang ako, hulaan niyo kung na saan ako? Nasa loob ng push cart. Heheh. Parang bata lang ‘no? Tinatamad kasi akong maglakad eh, ang laki kaya nitong grocery. “May gusto ka pa? Kompleto na ‘yung para sa stock sa bahay.” Teka, isip muna ako. Ah! “Gusto ko ng chocolate.” Nagnod lang siya tapos tinulak na niya ‘yung push cart. “Gusto ko no’n.” Turo doon. “Gusto ko din nito.” Kuha nito. “At a’yun pa. Pati na din ‘yun.” “Baka sumakit ngipin mo niyan, ang dami mong kinuha na chocolates.” Nginitian ko lang siya, tapos iiling iling natinulak niya ‘yung push cart papunta sa counter. “Chocolate lang pala mag papangiti sa’yo. “Hon, tignan mo ang sweet nilang dalawa ‘no?” sabi no’ng matandang babae na kasunod namin sa pila. “Oo nga, parang tayo lang noong kabataan natin.” Ngumiti ‘yung matandang lalaki do’n sa matandang babae na nagsalita. Bigla naman akong nahiya. Hintak ko ‘yung laylayan ng tshirt ni Seb. “Baba mo na ako.” Inismiran niya lang ako. “Please?” Nag puppy eyes ako. Pinatayo ako ni Seb, binuhat niya ako pababa, dahil sa mas matangkad siya sa akin, hindi ko pa nasasayad ‘yung paa ko binitawan na siya ako. Na out balance tuloy ako, at shoot! Sakto ‘yung labi ko sa labi niya. “Tignan mo oh? Ang sweet talaga ng mga kabataan ngayon.” Umayos na ako nang tayo, nakakahiya, ang daming nakakakita. Pwede na ba akong lamunin ng lupa? After naming magbayad sa cashier, nag ayang kumain si Seb sa Tokyo Tokyo. Mahilig pala siya sa Japanese food, okay sorry hindi ko alam. “Ahh! Ang anghang! Ano ba ‘yung nasa sawsawan?” Langya, feeling ko umaapoy ‘yung dila ko. “Hindi naman ah? Wasabi lang naman ‘yun.” Kaya naman pala may wasabi. Inabutan niya ako ng iced tea. “Oh, inom ka para matanggal ‘yung anghang.” Uminom ako. Kain ulit kami. After naming kumain, pinunasan ni Seb ‘yung gilid ng labi ko.“Para kang bata kumain, meron pang rice d’yan sa gilid ng labi mo.” Ngumiti lang ako. “Uy, nandito din sila oh.” “Oo nga, ‘yung sweet couple kanina do’n sa grocery.” Hindi niyo po ba kami titigilan? Bakit parang kung saan kami pumunta ando’n din sila? “Kuya.” May kumalabit kay Seb.“Pwede po ba kayong mainterview?” Wow, sikat? Interview pa. Hahaha. “Para saan ba yan?” Natatawang tanong naman ni Seb. “Para po sana sa project ko, mag sesurvey po kasi kami ng mga kabataan na nasa isang relasyon.” “Ah, ganon ba? Hmm... Sure.” Napangiti ‘yung bata, mga nasa 3rd year high school siguro. “Thank you po.” Nag labas na ng papel at ballpen ‘yung bata. “Ano pong pangalan nin’yo?” “Ako si Sebastian James Monreal, tapos siya naman si Jaimee Cruz. Fiancee ko.” Napangaga ‘yung bata. “Fiancee po? Hindi po kayo mag boyfriend-girlfriend lang? Ilang taon na po ba kayo?” “Hindi. 18 na ako tapos siya 17 na. May tanong ka pa?” “Ah, sige po. Salamat po.” ‘Yun lang ‘yun? Umalis na kaagad? “Eh, fiancée niya pala ‘yung kasama eh. Kala ko pa naman girlfriend lang.” Bulong no’ng bata sa kasama niya. Hahaha. Hindi talaga siguro project ‘yun. Kabataan nga naman. “Seb, tingin ko hindi talaga project ‘yun, gusto ka lang no’ng bata.” Natatawa kong sabi. “Hayaan mo na ‘yun, hindi lang siguro siya makapaniwala na kasing gwapo ko ang fiancée mo.” Batukan ko kaya ‘to? “Mr. Monreal and Ms. Cruz, pinapapatawag po kayo ng Lolo niyo. Ako nga po pala si Ms. Iris secretary ni Don. Juanito.” Nagkatinginan kami ni Seb. Bakit na naman kaya?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD