Contract Seven: Kung alam ko lang.

1749 Words
Jaimee Calling… Lolo Juanito… Dali-dali kong pinindot ‘yung answer key. “Hello, Lo?” “I want both of you home now!” Nailayo ko ‘yung phone sa tenga ko. “Now na po?” “Right now! Magkasama pa kayo ni SJ ‘di ba?” “Opo, kasama ko nga po si Seb ngayon.” “Nandito kami ngayon sa bahay niyo.” “Sa bahay po? Ano pong ginagawa niyo diyan?” . “We need to talk Jaimee. A really serious talk. Violence is prohibited remember? For god sake! Apo kayo ng may-ari ng school, hindi ba pwedeng mag behave kayo?” “Ha!? Paano niyo po nalaman!?” “Umuwi na kayo, at mag-uusap tayo ng masinsinan.” “Sige po.” Then he hanged up. Tinignan ko kagad si Seb. “Seb, umuwi na daw tayo sabi ni Lolo, nasa bahay daw sila. Galit.” Mariing pumikit siya. “Anong ginagawa nila do’n?” “May nakakita ata sa nangyari do’n sa inyo sa café kakausapin daw tayo.” Napamura si Seb. “Tara na? Kaya mo ba mag drive? Kung hindi ipapatawag ko na lang si Mang Daniel.” “Nasuntok lang ako sa mukha ng magaling mong boyfriend kaya ko pang mag drive.” Inirapan ko siya. Ini-emphasize niya na naman ‘yung word na boyfriend. Tss. Kasalanan naman niya eh. Hinalikan niya ako. Kung hindi niya ginawa ‘yung e ‘di hindi sana magagalit si Arryl. “Ops! Hep hep! Hinto d’yan.” Hinarang kami ni Ate Lynette. “Oh, bakit? Nagmamadali kami.” Mariing pumikit at umiling si Seb. “Wala akong paki. Hindi niyo pa sinasagot ‘yung tanong ko.” Huminga ako ng malalim at hinarap si Ate Lynette. “Sasagutin ko naman ‘yan eh, ‘‘wag muna ngayon, please? Malalagot kami ngayon kila Lolo kung hindi pa kami uuwi.” “Gusto ko ngayon na.” Tumaas ‘yung kilay niya at talagang willing mag hintay ng explanation mula sa’min. “Monique, Michelle, pwede bang pakisabi na lang sa kanila?” Base sa itsura ni Seb, inis na siya. “We don’t have time for this right now.” “Alam niyong dalawa?” Inis na baling ni Ate Lynette kila M at L. “I don’t want to be involved.” Umiwas ng tingin si M. “Same here.” Sabay taas ng kanang kamay ni L. “Argh, what kind of friends are you!?” Nag peace sign lang ung dalawa. “Ugh. Ate Lynette, I promise I will explain everything we just need to go now. Please?” “Ganito na lang, para makaalis na kami. Pumunta kayo sa Saturday sa Cruz Mansion.” At walang sabing hinatak na ako ni Seb papunta sa parking. “’Yung Lynette parang girl version ni Arryl. Magkamukhang magkamukha sila.” “Malamang kambal kaya ‘yung dalawa na ‘yun. Uy, type niya si Ate Lynette.” Nag smirk siya, kaya lang nagalaw ‘yung sugat niya sa gilid ng labi niya. “Ouch! Nakakainis talaga ‘yung Arryl na ‘yun! Sinira niya ‘yung mukha ko! Hindi ko type ‘yung Lynette na ‘yun. All these years wala akong tinignan na babae. Para sa’yo lang kaya ako!” “Echos mo!” Tumawa si Seb. “Bakit ba hindi mo ako pinaniniwalaan?” “Hindi naman kasi kapanipaniwala.” Inismiran ko siya at sinuot na ang seatbelt. “Kahit sabihin kong mahal kita?” Napatingin ako sa kanya. Nakatingin na siya sa’kin. Seryoso ‘yung itsura niya. “Hoy, ang pangit ng biro mo ah!” Tinanggal ko ‘yung seatbelt ko at pumasok ako sa passenger seat umupo, ‘yung do’n sa likuran ng upuan katabi ng driver seat. Ang lakas magbiro nun. “Hoy! Ano ako driver mo!? Dito ka sa tabi ko.” “Ayoko, matutulog ako dito.” Humiga ako, pinikit ko ‘yung mata ko. Kunwari na lang tulog ako. Hindi naman na nag salita si Seb, mukhang effective ang pagkukunwari kong tulog. Hehehe. Ang tagal ng byahe namin, mga 1 hour siguro. Ginising niya ako pag dating namin sa bahay. Naabutan namin si Lolo Juanito at Lolo Filipe na hindi mapakali, lakad dito, lakad doon. Nalibot na ata nila ‘yung buong sala ng maraming beses. “Aherm, nandito na po kami.” Kinakabahang sabi ko. “Jaimee! Who’s Arryl Jon Vasquez?!” Bigla akong na stiff sa kinatatayuan ko. “Lo, he’s just a friend. He’s from Engineering department.” Paliwanag ni Seb. Tinignan kami ni Lolo. “Friend huh?” Tinignan niya ako. “Jaimee, is he your friend?” Alanganing tumango ako. “Really? Last chance Jaimee. Is Arryl Jon Vasquez is your friend?” “He’s my boyfriend Lolo.” “Jai!” Sinenyasan ko na lang si Seb na ‘wag na makialam. “And you know about it SJ?” “Lo, I don’t love Seb. Si Arryl po talaga ang gusto ko. Wala pong kinalaman si Seb dito, I asked him to keep it a secret.” Nanlilisik na ang mga mata ni Lolo. “Lo, hindi po ba pwedeng kami ‘yung pumili ng taong papakasalan namin?” Pinunasan ko ‘yung luhang kumawala sa mata ko. “Marriage is for a lifetime, Lo.” “I know, hija. Kaya nga we choose someone we know na pwede mong makasama sa habang buhay.” “But Lo, did you ask us if we want each other?” Umiling ako. “Lo hindi. Hindi niyo kami tinanong kung ito ba ‘yung gusto namin. Kung ito po ba ‘yung magpapasaya sa’min.” Umupo ako sa couch. Hindi ko na kaya. Nanghihina na ang mga tuhod ko. “Someday, maiintindihan mo din kung bakit namin ginagawa ito.” Huminga siya ng malalim. “Two weeks kayong grounded. From school diretso kayo kagad dito sa bahay. Walang katulong, you two need to learn how to live on your own. And you Jai, I don’t want to hear na nakikipagkita ka pa kay Arryl. You know what will happen to him.” “That’s unfair, Lolo.” “We’re talking about your future life. We won’t do this if this will ruin your future. You need to be open minded, apo.” Tinakip ko ‘yung kamay ko sa mukha ko. “You’ll be fine with SJ, apo. You’ll be fine.” Tinapik niya ako sa balikat at umalis na. “You okay, Jai?” Lumapit siya sa’kin at hinagod ‘yung likod ko. “I’m sorry. Kung hindi ko ginawa ‘yung kanina, hindi siguro magkakaganito.” “I don’t know anymore.” Niyakap niya ako. “I hate them. I hate all of them. Even you!” Pinalo palo ko siya. “Why it has to be you? Bakit hindi pwede si Arryl?” “Kung alam ko lang ang isasagot sa’yo, Jai. Kung alam ko lang.” Humigpit ‘yung yakap niya. “Jaimee!” Napatingin ako sa pintuan. “Arryl!” Napatayo ako, na itulak ko si Seb. “Anong ginagawa mo dito?” “Pinapunta ko siya. You two need to talk.” Huminga siya nang malalim. “Lalabas muna ako.” Tinignan niya si Arryl. “Sorry na pala kanina.” At nag tuloy tuloy na siyang lumabas. “Hindi ka dapat nandito, pag nalaman nila Lolo na nandito ka hindi ko alam kung ano pwede nilang gawin sa’yo.” Pinunasan niya ‘yung luha ko. “I don’t care anymore. I love you, Jaimee. Kaya kahit anong gawin nila tatanggapin ko lang. I won’t leave you unless sinabi mo.” “Arryl…” Niyakap niya ako. “I love you. I love you.” I hug him back. “I’m sorry.” “Bakit ka nag sosorry?” Natatawang tanong niya. Naramdaman ko din na kiniss niya ako sa ulo ko. “I can forgive you kahit ano pa gawin mo. And kiss lang naman ‘yun. We can do plenty of that naman ‘di ba?” Hindi ko masabi na hindi lang sa kiss ‘yung sinasabi kong sorry. “Arryl, ‘yung tungkol sa’min ni Seb…” Naramdaman kong umiling siya. “Hush. May hint na ko, pero I don’t want to think about it right now. Not now, Jai.” Humigpit ‘yung yakap niya at binitawan na niya ako. “Let’s not talk about that. Ang importante ako naman ‘yung mahal mo ‘di ba?” Sunod sunod ‘yung naging tango ko. “Ikaw lang, promise.” “Kita na lang tayo sa school bukas?” Nakangiti siya pero hindi umabot sa mata niya. “Pero kung hindi pa talaga pwede, babantayan na lang muna kita sa malayo. May cellphone naman at internet eh.” “Let’s think something to work this out.” Kiniss niya ako sa forehead. “I love you, Jaimee. Mauna na muna ako.” Tatalikod na sana siya no’ng may bigla siyang na alala. “Siguraduhin mong nakalock ‘yung kwarto mo ha? Baka samantalahin ka no’ng SJ na ‘yun. Hindi katiwatiwala ang itsura niya.” Natawa ako sa sinabi niya. “You look better pag tumatawa ka. “Uwi ka na nga. Don’t worry, nakatriple lock naman ‘yung kwarto ko. I love you.” Niyakap niya muna ako bago tuluyan siyang umalis. Bakit hindi na lang kasi siya? Hindi pa kasi nila kilala si Arryl kaya ang akala nila hindi siya pwede sa’kin. I can see my future with him. Sana lang bigyan nila siya ng chance. Bigyan nila kami ng chance. “I hope I can make you smile like that.” Napatingin ako kay Seb. “Siguro mali sila, I can’t make you happy. Mapangiti nga lang hindi ko magawa.” “Seb…” Ngumiti siya. “Sige na, mag pahinga ka na. Maaga pa pasok natin bukas.” Pareho sila ng ngiti ni Arryl. Hindi umabot sa mga mata nila.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD