Contract Six: Good kisser?

2099 Words
Jaimee One month na kaming nagdedate ni Seb, as in one month straight. Walang araw na hindi. Gusto ata nitong libutin namin ang buong Pilipinas, para lang sa date namin. Wala na tuloy ako time kay Arryl. I talked to Lolo and asked him kung pwedeng hindi naman araw araw ‘yung date namin. Fortunately pumayag naman. Okay, aminan tayo ngayon, inaamin ko na gusto ko ang Sebastian James Monreal na kasama ko tuwing date namin. ‘Yung Seb, na hot at gwapo ang itsura, kaysa sa nerd na Seb sa school. Mas feel ko kasi siya pag gano’n. Parang normal siya. Pag nerd kasi alam ko o ramdam ko na may tinatago siya. Hindi ako masyadong komportable “Sorry for waiting. Here’s your mocha frappe, Ma’am.” Nginitian ko si Luke. Isa siya sa mga orphan sa Less Fortune pero may nakaampon na sa kanya, malapit lang din dito kaya pinili niyang tumulong dito sa Café. “Thank you, Luke.” Then nilapag niya sa table ko ‘yung frappe na order ko. Tumingin ako sa entrance. Wala pa din si Arryl. Medyo may katagalan na din akong nag hihintay sa kanya. Pero okay lang, kailangan kong bumawi sa kanya eh. “Jai, since you’re our regular costumer here, you’ll be given a mocha cake with chocolate coating and vanilla icing.” Bigla akong natawa sa hindi ko malamang kadahilanan. O baka dahil sa katotohanan na ang iseserve nilang cake ay ‘yung favourite ko? “You know what? That’s my favourite cake.” Nagsmile si Luke, yung smile na parang may something. ‘Yung smile na may halong kilig. Nilapag na niya sa table ko ‘yung cake. Bakit parang may mali sa cake? “Ah, Luke.” Tawag ko sa kanya. “Yes, Ma’am?” “Bakit may nakalagay na ‘I miss you’ dito sa ibabaw ng cake?” Natatawang tanong ko. Nag smile naman siya sa’kin. “I miss you, Jaimee.” Tinignan ko kung sino ‘yung nagsalita. Hindi ko na napigilan ‘yung ngiti ko. “Arryl! Sa’yo galing ‘tong cake?” Nagnod siya tapos lumapit sa akin. “I miss you, too.” Lalo akong napangiti no’ng nag labas siya ng isang boquet ng flowers. “Flowers? Pang kumpleto ng drama ko.” Umupo na siya sa tabi ko. “Wala ba akong hug diyan?” Tumawa ako at niyakap siya. “I love you, Jaimee.” “I love you, too Arryl.” “Nakakakilig naman ang eksena niyo d’yan.” Napahiwalay kami sa isa’t isa. “L? Anong ginagawa mo dito?” Ngumiti siya at sinenyasan ako na tumingin sa likod. Ginawa ko naman. “Hi there!” “Pati ikaw Monique?” Tinaasan ko sila pareho ng kilay. Minsan na nga lang kami mag kita ni Arryl. Singit pa sila. Tsk. “Yes, at may kasama pa kami.” Biglang pumasok si Seb. Napairap ako. “Seb?” Tumingin siya sa table namin. Ngumiti siya kagad. “Jai, nandito ka pala.” Walang ganang tumango ako. “Anong ginagawa niyo dito?” Medyo mataray na tanong ko, para naman ma feel nila na ayaw ko sila dito ngayon. “Ininvite namin si SJ na mag coffee, since vacant naman natin at walang klase si L, nagpunta na kami dito.” Tinignan kami ni M na para bang kinikilig na ewan. “Eh, kayo? Anong ginagawa niyo dito? Hugging in public?” Pabirong umirap pa si L. Nag belat ako sa kanya. “Inggit ka lang.” Sabay hawak sa kamay ni Arryl. Tinignan ko si Seb, walang reaction. ‘Yan. Tama ‘yan. “I’ll just order for us. Excuse me.” Nag punta na siya sa counter. Walang nag sasalita sa’min hanggang sa nakabalik siya. “Oh, bakit ang tahimik?” “Hey, SJ. Are you really a nerd one?” Napangiti ako sa tanong ni M. Tignan natin kung ano isasagot ni Seb. Hahaha. “Well, sort of?” Sort of? Anong sagot ‘yan? Tinignan ko si Seb na para bang naghihintay pa ng kasunod. “You mean you’re not a nerdy one?” Nagtatakang tanong ni L. “I’m not. I’m just using my nerd look for some purposes.” Nag clear throat ako at sumabat sa usapan nila. “What purposes?” Tinignan niya ako ng naniningkit niyang mga mata. “That’s none of your business, Jai.” Ay ang sungit! Tss. “Ah, I want to see the real SJ.” Tinungkod ni M ‘yung braso niya sa lamesa at parang nag day dream. “Same here~! I also want to see it.” Napakunot ‘yung nook o sa kanila. “Baka mainlove kayo sa akin pag nakita niyo?” Napangisi ako sa sinabi ni Seb. “Grabe, bakit biglang lumamig dito?” Siya naman ang nag smirk. “Jai, I’m stating a fact.” Nagkibit balikat ako. “Okay. No comment.” Tatahimik na lang ako, baka masabi pa niyan na lagi kong nakakasama ang other Seb. Anyway, okay lang naman nasabihin niya kila M at L kaya lang kasama ko si Arryl kaya hindi niya pwedeng sabihin. Mapapatay ko siya pag ibinuking niya ako. Tinignan ko si Arryl, nangingiti lang siya sa usapan nila M. “Jaimee?” Parang narinig ko na tinawag ako ni Lolo? “Lolo Juanito!” Napatayo ako no’ng nakita ko si Lolo sa likuran ni Seb. “SJ! You’re also here?” Napatingin sa’ming lahat si Lolo. “Are you two in a date right now?” “No, Lolo. We’re having a bonding with our schoolmates.” “Oh, I see.” Binitawan ko ‘yung kamay ni Arryl. Mahirap na baka makita pa. “Lo, what are you doing here?” “I’m just checking this cafe, Felipe ask me if I can help this cafe since it helps a charity.” “Lo, that’s a great idea!” Lumapit ako sa kanya. “That’s great, Lolo.” “You think so? How about you SJ?” Tinignan ko na kagad siya ng masama. Sumang-ayon ka, kundi lagot ka sa akin. “I agree with her, Lolo.” “Then it’s settled.” Aalis na sana sila nang bigla siyang bumalik. “Ah, before I leave. I would like to invite all of you this coming Saturday at Cruz Mansion. I will have a very big announcement. See you there.” And umalis na si Lolo. Ano kaya ‘yung big announcement na iyon? Hindi kaya…? “Babe, I think I need to go. See you tomorrow?” Napatingin ako kay Arryl. “Sure, just call me later okay?” He just nods and leaves the cafe. “Hey, anong problem no’n? Bakit hindi nag ‘I love you’?” “Bakit kailangan ba lagi nag a ‘I love you siya sa’yo?” Inirapan ko si Seb. Tss. Sa kailangan ‘yun eh? “Hate you!” Inis na sabi ko. “Bitter much.” Sabay na sabi ni L at M. Inangilan ko sila. “No I’m not. It just happened that I just hate his presence these past few days.” “Really? You hate the other me? I thought you’ll love that. I mean the hot and handsome one?” Kung pwede lang umangat pa ng todo ‘yung kilay ko baka umabot na sa kisame nitong café. “Dagdagan mo na din kaya ng boastful?” “Eh kung good kisser na lang kaya?” In a blink of an eye. His lips touched mine. 1... 2... 3... 4... 5... 6... 7... 8... 9... 10... Ang tagal nang magkadikit ‘yung labi namin, bakit parang gusto ko na lang matulala at hintayin na alisin ni Seb ‘yung labi niya sa mga labi ko? Sige na nga good kisser ka na din... Nagakahiwalay lang ‘yung labi naming no’ng may sumuntok kay Seb. Sumuntok? Ops! Sintuntok ulit siya. “Gago ka! Bakit mo hinahalikan girlfriend ko?!” Si Arryl pala ‘yung sumuntok! Teka, akala ko ba aalis na ‘to? Sinuntok niya ulit. “Nakakarami ka na ah!” Gumanti na si Seb. “Eh tarantado ka pala eh! Makakarami ka talaga sa akin! Ang kapal ng mukha mong halikan girlfriend ko!” Suntok ulit. Kami nila L at M sa sobrang pagkagulat hindi nakapagreact kaagad. Nakatayo lang kami. “’Yung girlfriend mo nga hindi nagreklamo, ikaw kung magalit ka d’yan parang ikaw ‘yung hinalikan ko!” Suntok ulit. Dahil sa sinabi na iyon ni Seb, nagising ang aura ko. “TUMIGIL NA NGA KAYO!” Pumagit na ako sa kanila. Buti na lang walang masyadong tao sa loob. Sinuntok ulit ni Arryl si Seb. “Arryl, ‘di ba sabi ko tumigil na?” Akmang susuntok ulit si Seb, kaya lang nahawakan na siya sa magkabilang braso ni L at M. “Seb, tama na. Nakakahiya na.” “Pag sabihan mo ‘yang boyfriend mo, kung makaasta kala mo asawa ka na!” “Papasaan pa’t do’n din naman kami matutuloy!” “Hindi mangyayari ‘yun, napakalabong mangyari niyang iniisip mo Arryl!” “Ano bang alam mo!?” “Ikaw! Ano bang alam mo!?” Akmang magsusuntukan ulit sila. Ah! Ayoko na! Tama na! “Tumigil na kayo, please. Kung gusto niyo mag away, please ‘‘wag naman dito.” Naiiyak na sabi ko. “Please?” “Oh my gosh! Anong nangyari dito?” Lahat kami napatingin kay Ate Lynette. “Ate Lynette, you’re just in time, ilayo mo muna si Arryl.” Suggestion ni L. “Bakit? Ano bang nangyari dito? Bakit parang may nagsuntukan?” Napatingin siya sa mukha ni Arryl. “Arryl! Sino sumuntok sa’yo? Bakit nag dudugo ‘yung gilid ng labi mo?” “Ate Lynette, I’ll tell na lang everything later dalhin na lang muna natin siya sa clinic ng school.” Tinignan ko si Seb, ‘yung tingin na nakamamatay. Pero nagbago ‘yun no’ng nakita kong may dugo din ‘yung gilid ng labi niya. “Sumama ka na din, Seb.” “Sa bahay ko na lang ‘to ipapagamot. Uuwi na ako.” Akmang maglalakad na siya palabas no’ng hatakin ko ‘yung braso niya. “What?!” “Sabi ko ‘di ba sumama ka na din sa clinic? Sino gagamot niyan sa’yo sa bahay? Wala namang nurse do’n!” “Anong ginagawa mo? Edi ikaw ang gumamot pag uwi mo!” “Paano kung hindi ako umuwi? Sino gagamot sa’yo?” “Teka! Nakatira kayo sa iisang bahay!?” Sabay sabay na tanong nila. Ay, hindi ko pa nga pala nasasabi sa kanila na simula no’ng dinala ako ni Seb sa bahay namin, do’n na kami nakatira. “Arhg. I’ll explain everything later, okay? Let’s bring them at the clinic muna.” Lalabas na sana kami sa cafe no’ng tawagin kami no’ng Manager. “Ma’am, sino po magbabayad ng mga damages?” “Ako na.” Naglabas ng cheque si Seb, tapos pinirmahan niya. “Ilagay mo na lang d’yan ‘yung amount.” Pag dating namin sa clinic inasikaso naman kaagad si Seb at Arryl no’ng mga nurse. Ang mga nurse humaharot! “Sir, ang gwapo niyo po pala kapag walang salamin.” Pilit na nagsmile lang si Seb. “Arryl, sino gumawa niyan sa gwapo mong mukha?” Hinaplos niya‘yung mukha ni Arryl. Tinignan ko ng masama ‘yung nurse. Aherm. Nandito po ‘yung girlfriend, baka pwede pong konting pagrespeto lang. After 10 years natapos din sila sa pakikipaglandian, ay este pakikipaggamutan with the nurses. “Now, you two kindly explain what is happening in both of you? Bakit kayo nakatira sa iisang bahay?” Take a deep breath. Inhale. Exhale. Kaya mo yan, Jai! Go! “Kasi ganito ‘yun...” I wanna be a billionaire so f*****g bad... Chineck ko kung sino ‘yung tumatawag. Calling... Lalo Juanito...
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD