Introduction

198 Words
Wala kayo sa lolo ko, sa edad na 80 kaya n’ya pang mag buhat ng barbell. Wala `yan sa lolo ko, 90 years old na pero kaya pang bumuhat ng 210lbs ng barbell. Wala pala `yang mga lolo n’yo, e. `Yung lolo ko ipinagkasundo ako sa apo ng kaibigan n’ya. `Yung kasunduan na `yun ay nagkakahalaga ng 100,000,000,000 pesos. Nabilang mo ba kung ilang zero? Kaya ba `yan ng lolo n’yo? Huh! Hindi, `no? Baliw kasi ang mga lolo ko. Sa maniwala man kayo o hindi. Seryoso itong ikukwento ko sa inyo. Tawanan n’yo na ako pagkarinig n’yo at sabihan na baliw, ayos lang. Totoo naman ang sasabihin ko. Ako si Jaimee Cruz at ito ang kwento ng buhay ko na nagbago ng dahil sa isang piraso ng papel. Ay hindi. Hindi pala siya isang piraso ng papel. Marriage Contract nga pala ang tawag do’n. Hindi `yung marriage contract na nasa munisipyo at katibayan na kasal ang isang tao. Iba `to. Unique ang version ng Lolo ko ng ‘Marriage Contract’. Want to know why unique? Then let me tell you…
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD