Jaimee
“Happy birthday to you, my dear Jaimee.” Bati sa’kin ni Lolo Juanito. I’m his favorite granddaughter. I kissed him in his cheeks.
“Thank you, Lolo. I really love your gift.” He gave me a pink cocktail dress. Sobrang ganda talaga.
“And now that you are 17, I have another surprise for you.” Nagtatakang tinignan ko siya.
“Meron pa po? And that is?” Ngumiti siya.
“Remember Sebestian James Monreal?”
Paano ko makakalimutan ‘yun? Crush na crush ko kaya ‘yun noong mga bata pa kami, kaya lang lumipat siya sa America. Do’n kasi siya nag-aral eh. Nung nasa elementary ako madalas akong pumupunta sa bahay nila kasi umaasa ako na baka bumalik na siya. Pero umasa lang ako. Hanggang sa nag sawa na akong bumalik.
“The only grandson of Lolo Felipe? How can I forget that cute little boy Lolo? Of course I remember him.” Lalong napangiti si Lolo. Bakit kaya biglang na pasok sa usapan si Seb? Ah. Birthday niya nga din pala ngayon kaya siguro bigla siyang na alala ni Lolo.
“That’s nice. Then I want you to meet your future husband as soon as possible.” Napakunot ang noo ko. Ano daw? Future ano?
“Lo, did I hear you wrong? You want me to meet who? My future what?”
“Hija, you’re going to meet your future husband.”
“And he is…?”
“Sebastian James Monreal.” Napa-awang ang bibig ko sa pangalang narinig ko.
“Lo, it’s only a joke right? I’m only 17 and he’s not even my boyfriend.” Kumunot ang noo ko kasabay ng pag kunot ng noo ni Lolo. “You’re kidding me right?” Nakangiting umiling si Lolo. “How?”
“Arrange marriage, my.” Pwede na kong lamunin ngayon ng lupa. As in now na. “Are you okay?”
“Y-yeah. I’m fine, Lolo.” He gave me a piece of paper. “What’s this po?”
“It’s just a contract composed of some to do list and rules.” I slowly open it.
“Marriage Contract.” Basa ko sa title, nanlaki ang mga mata ko sa content. “This is crazy, Lolo.” Natatawang umiling ako sa kanya. “Is this serious? Ganito po ba tayo kayaman?”
“No. Kaya nga ganyang kalaki ang price ng contract na ‘yan so no one will dare to break it. Come on read it out loud. That contract never fails to put a smile on my face.” Hindi man makapaniwala, ginawa ko ang inutos ni Lolo. The contract says…
We, Juanito Cruz and Felipe Monreal, agreed that our grandson and granddaughter will get married when they reached the legal age of 18. My granddaughter Jaimee Cruz is now a member of the Monreal Family. Sebastian James Monreal is very welcome to Cruz family.
Agreement
1. Shall have date every day, when they reach the age of 17, so they can get to know each other.
2. Shall have family gathering twice a week.
3. The two will enter college at JCFM University. The course will be their choice.
4. The marriage of the two will be announced at their school, so that Jaimee Cruz can use the Monreal as her surname.
5. If someone is against the wedding of the two, (e.g boyfriend of Jaimee or girlfriend of SJ) he/she will be automatically kicked out of school.
6. If one of the family member refuse to continue the marriage, he/she will need to pay us 1,000,000,000 (One Billion) pesos in cold cash.
7. After the marriage, divorce or annulment will not allow. The judge that will let them get either the annulment or divorce will be fine of 1,000,000,000 (One Billion) pesos.
8. They will live in one house after the marriage. The house will be designed by both of us.
9. If they’ll have a child at early ages, well we don’t mind. The earlier the better. We’re not getting any younger.
10. THE ONE THAT WILL NOT FOLLOW THESE AGREEMENTS WILL BE FINE OF 100,000,000,000 (ONE HUNDRED BILLION) PESOS IN COLD CASH. BEING A FAMILY IS NOT AN EXEMPTION!
Signed by:
Juanito Cruz Felipe Monreal
I slowly open my eyes. Medyo parang nahihilo ako. Ganito ako pag nag pupuyat. Anemic ata ako eh. Gusto ko nang tulugan lahat ng bisita kagabi kaya lang, nakakahiya naman.
Start na ng college life ko bukas. Excited ako na medyo kinakabahan. Una, makakasama ko na si Arryl sa school. Oh by the way, si Arryl pala ang boyfriend ko. Yes. Boyfriend ko were almost one year na. Mas matanda siya sa’kin ng isang taon, nasa second year college na siya ng engineering. Pangalawa, excited na ko sa magiging tour namin. I’ll be taking up BS Tourism Management kasi. Pangatlo, uhm. Wala na pa lang pangatlo, so yeah. I know this school year is going to be great.
“Jaimee, it’s Mom. Gising ka na ba?” Napakunot ang noo ko. Hindi naman kasi ako ginigising ni Mommy.
“Yes, Mom!” Pumasok na siya. “Good morning.” Bati ko. Umayos na ko ng upo. Nasa kama pa din ako, dahil tinatamad pa talaga akong tumayo.
“Good morning, honey. Did you sleep well?” I nod. “Great. Now, get ready na because we need to leave in a bit.”
“H-huh? Bakit po?”
“Akala ko na sabi na sayo ni Papa kagabi?” Teka, ano nga ba ‘yung napagusapan naming ni Lolo kagabi? Nahagip nang tingin ko ‘yung kapiraso ng papel na nasa night stand sa gilid ng kama ko, dahil do’n na alala ko na kung ano ang tinutukoy ni Mommy na sinabi sa’kin ni Lolo.
“Na alala ko na po. Ngayon po pala ‘yun. Ibig po bang sabihin niyang nakauwi na po ditto sila Lolo Felipe?”
“Oo, dumating nga sila kaninang madaling araw kaya lang tulog ka na.” May kinuha si Mommy sa bag niya. Isang envelop. “And he gave me this. Invitation sa hotel nila para mamaya. Do’n na lang din daw niya ibibigay ‘yung regalo mo.” Medyo tinulak niya ako pababa sa kama ko. “Sige na mag-ayos ka na.”
“Mommy, ayoko pa pong mag pakasal.”
“Hindi ka pa naman magpapakasal ngayon, pag dating mo pa ng 18.” Huminga ako ng malalim at binagsak ulit ang katawan ko pahiga sa kama.
“Parehas lang din po ‘yun. Paano kung hindi kop o magustuhan si Seb?” Nag labas siya ng isang picture. Tinignan ko, in fairness. Gwapo. “Don’t tell me po si… Seb?”
“Yes. Kuha ‘yan nung graduation nila. Sabi ko naman sayo magugustuhan mo eh. Teka, teka tumutulo na laway mo.” Napataas ‘yung kilay ko.
“Mom you’re gross.” Natatawang tumayo na si Mommy.
“Dalian mo na. Kanina pa nag hihintay ang lolo mo sa baba.” Lalabas na sana siya nang may bigla siyang na alala. “Family gathering ang pupuntahan natin ngayon. Simula na kasi ng contract.”
I can feel na magbabago na ang buhay ko.
Naligo na ako, nag toothbrush at nag bihis. ‘Yung niregalo ni Lolo na cocktail dress ang sinuot ko. Huminga muna ako ng malalim bago tuluyang lumabas sa kwarto ko. Pagbaba ko handang handa na sila. Si Daddy at Lolo nakablack suit at si Mommy naman nakared na dress. Parang may pupuntahan kaming formal party. Hahaha.
Nilibot ko ‘yung mga mata ko sa loob ng hotel Monreal. Pangarap ko talagang makapgtrabaho dito eh. Malaki kasi at sobrang ganda. Pang international kasi ang standard nila. Dito na lang siguro ako mag aapply ng internship pag kailangan na.
“You’re very pretty, hija.” Nginitian ko si Lolo Felipe. “Halatang alagang alaga ka huh?” Medyo napayuko ako ng konti.
“Thank you po, Lolo.”
“Look! She’s blushing.” Sabay sabay silang na tawa sa. Nagbablush nga kaya ako? Hindi kasi ako sanay nang pinupuri eh.
“Filipe, na saan na ba si Sebastian? I’m sure excited na si Jaimee na makita siya.” Medyo napailing iling na lang ako. Bakit naman ako maeexcite na makita ang taong sisira sa love story ko?
“Hindi naman po.” Umiwas ako nang tingin.
Napatingin ako sa elevator. May lumabas na lalaking nakablack na coat na nakaopen tapos may v-neck na kulay blue na tshirt sa loob. Nakawhite pants ito at gano’n din ang kulay ng sapatos. In fairness ang hot ng dating niya. Tinignan ko ‘yung mukha niya. Perfect n asana eh. ‘Yun na eh! Gwapo na eh. Bakit bigla namang sumablay sa buhok? Idol niya ba si Rizal at kailangan pareho sila nang ayos ng buhok? Mukha naman siyang mayaman, bakit siya nag titiyaga sa makapal na salamin? Uso na kaya ang contact lens ngayon. Iiling-iling kong binalik ‘yung tingin ko kila Lolo na nag uusap ng hindi ko maintindihan kung ano.
Paimportante naman si Seb. Ang tagal dumating. Gusto ko nang umuwi.
“SJ, you’re here!”
He’s here. Bakit parang kinakabahan ako? ‘Yung puso ko sumisigaw ng ‘dugdugdugdug’.
“I’m sorry, I’m late.” Ang ganda ng boses. Dahan dahan ko siyang nilingon. Napakunot ang noo ko. Siya ‘yung lalaking niluwa ng elevator!
Tumingin ako sa likuran niya. Baka naman jinojoke lang ako. Ang gwapo niya kaya sa picture! Anong nangyari?
“Jaimee.” Siya nga. Alanganing ngumiti ako. “Nice to finally meet you again.It’s been… Uhm?”
“Seven years, I guess.” Napakamot ako ng ulo. “Belated happy birthday pala. Sorry, wala akong dalang regalo. Hindi ko kasi alam na uuwi ka.” Wala din naman siyang regalo sa’kin so quits lang. Hahaha.
“Belated happy birthday din sayo.” Ngumiti siya sa’kin at tinignan sila Lolo. “Uhm, can you excuse us for a while? Kukunin lang po namin ‘yung regalo ko para sa kanya?” Bigla niyang hinawakan ‘yung kamay ko at tinayo ako. “Let’s go?”
“H-huh?” Nagtataka akong tumingin kila Mommy habang hinahatak ako ni Seb. Anong nangyari? “T-teka ‘yung kamay ko.”
“Bakit na iwan mo ba?” Napatingin ako sa seryoso niyang mukha. Nag joke ba siya? Tatawa na ba ako?
“Uhm. Seb, ganyan ba kayo mag joke sa America?” Napakunot ‘yung noo niya at binitawan na ‘yung kamay ko. “Problema mo?” Hindi na siya ako pinansin atdumiretso na nang paglalakad pa puntang elevator. Sumunod lang ako sa kanya. “Saan ba tayo pupunta?”
“Sa regalo ko sayo.”
“Hindi kita gets. Regalo, ‘di ba dapat nasa box ‘yun? Gaano ba kalaki ‘yung regalo mo? House and lot?” Hindi siya sumagot. I take that as a yes. “Aba! Big time na tayo ngayon huh? No more stuff toys na?”
“Kailangan ko bang tumawa? Matagal na kong big time Jai and you know that.” Pinindot niya ‘yung number 13. Wait. 13? ‘Di ba dapat walang 13?
“Uy! Bakit merong 13th floor ‘tong hotel niyo?” Natatakot kong tanong. Hindi ako naniniwala sa mga multo o kung ano man, pero ngayon lang ako nakapunta sa isang building na merong 13th floor!
“Special ‘to, kasi nandito nga ‘yung regalo ko sayo.” Napakunot ‘yung noo ko.
“Lakas mo din mang trip ano? Tss. Grabe, ang laki ng naging epekto sayo ng America.”
“’Wag mo idamay ang America, inosente ‘yun.” Grabe. Hindi ko magets kung tatawa na ba ako sasinasabi nitong si Seb o ano. Hindi ko na nga papangarapin na pumunta ng America baka maging weird din ako.
Sumilip ako sa labas ng elevator nung bumukas. Mukha naman siyang normal floor peros sobrang tahimik. Maganda din ang
pagkaka-decor sa lugar.
“Pikit mo mata mo.” Naglabas siya ng handkerchief.
“A-anong gagawin mo? Baka kung anong gawin mo sa’kin huh?” Kini-cross ko ‘yung dalawang kamay ko sa dibdib ko. Napanganga siya.
“Wow! Grabe ka Jai!” Hindi makapaniwalang sabi niya. “Ang berde ng utak mo. ‘Wag kang masyadong feeling d’yan. Hindi kita type.” Napaawang ’yung bibig ko sa sinabi niya.
“Mas lalo naman ako ‘no!” Natatawang sabi ko.
“Pipikit ka ba o ano? Wala ka na ngang regalo sa `kin kung ano-ano pa sinasabi mo.” Tinaasan ko lang siya ng kilay. “Pipikit o hahalikan kita?”
“Uhm. Is that a threat?”