Apat na araw na ang makalipas nang mangyari yung dahil sa limam piso. Mariing ipinikit ni Amy ang kanyang mga mata bago lakas loob na lumabas ng sasakyan.
Nang makalabas ay nagtago sya sa likod ni Kiel na nauuna sa kanya sa paglalakad papasok sa mansion. Nagtataka itong tumingin sa kanya na sinagot nya ng peace sign.
"Una ka na" pilit ang ngiting sabi nya.
Wala itong nagawa kundi magpatuloy sa paglalakad habang ginagawang taguan ang likod nito, buti nalang matangkad at malaki ang katawan nitong si Kiel. Hindi nya alam kung bakit ito na ang bantay nya dahil sa ang alam nya'y personal body guard ito ni Mr. Voulger pero hindi na nya inabala pa ang sarili sa pag-iisip ng dahilan kung bakit ito na ang bantay nya sa ngayon.
Ang hindi mawala sa isip nya ay ang nakita nung madaling araw. Napahawak sya sa pisngi nang maramdamang mag-init iyun. Apat na araw na ang nakakalipas pero fresh na fresh pa rin yun sa isip nya, bakit ba kasi ang bastos ng limang piso, sa ilalim pa talaga ni Mr. Voulger huminto may nakita tuloy syang hindi dapat makita.
"Aray!" Daing nya nang matisod sa hagdan. Matutumba sana sya mabuti nalang at nahawakan agad sya nitong si Kiel.
"Be careful Ma'am " bilin pa nito na tinanguan nya.
Kung aalisin yung ma'am kikiligin sya sa sinabi nito. Marupok talaga sya likas na yun. Umiling-iling sya't tinanggal ang mga nasa isip nang makapasok sa mansion. Hinila nya sa laylayan ng damit si Kiel para huminto ito sa paglalakad.
"Ma'am?" takhang tanong nito pero hindi nya ito sinagot. Inilibot nya ang tingin at nang makitang wala ruon si Mr. Voulger ay nakahinga sya ng maluwag.
"Okay na, kaya ko na" nakangiting sabi nya rito saka ito tinapik sa mataas nitong balikat.
"Tangkad, sana ol" pagbibiro nya pero walang nagbago sa ekspresyon nito. Okay, manhid ang lalaking ito.
"Bye na" paalam nya nalang at naglakad na papunta sa hagdan.
"Ija, meryenda ka muna" aya sa kanya ni Manang Tilda. Gusto nyang kumain dahil kanina pa sya nagugutom kaya lang baka maabutan sya ni Mr. Voulger.
"Manang kelan po uuwi si- Asawa ko" tanong nya na naiilang. Hindi nya kasi alam ang itatawag nya sa asawa.
"Dipende Ija, pero nitong mga nakaraan madalas syang gabihin ng uwi" sagot nito na ikinangiti nya.
Simula nung may nakita syang hindi nararapat ay iniwasan na nya si Mr. Voulger, lagi kasi nyang naalala yung nakita nya kapag nakikita nya yung lalaking yun. Ngayon pa lang na naisip nya ang pangalan nito ay bumabalik din sa isip nya yung nakita nya. Ilang inches kaya yun? Parang ang haba eh. Kumurap-kurap sya, ang bastos ng isip nya!.
"Amn Manang, Bababa ako mamaya. Magmemeryenda ako" imporma nya rito na tinanguan nito.
"Sige ija, ipaghahanda na kita"
"Thank you po" magalang nyang sagot at nang pagtalikod nya ay minura nya ang sarili. Ang dumi-dumi ng utak mo Amy! Salbahe! Inis nyang pangaral sa sarili.
Isang malalim na buntong hininga nanaman ang pinakawalan nya habang namimili ng isusuot. Para naman syang prinsesa na required magsuot ng magaganda at mamahaling damit sa loob lang ng bahay nito. Pero wala naman syang magagawa.
Pinili nya ang fitted black skirt above the knee at cream colored long sleeve off shoulder na masikip sa beywang. In fairness a kasyang-kasya sa kanya, pano kaya nalaman ni Mr. Voulger ang eksaktong sukat nya?.
Tinanggal nya ang lahat ng make up at itinali ng ponytail ang wavy na buhok. Tinitigan nya ang sarili sa salamin, pati make up maganda ang quality hindi kasi nakakadry ng skin. Fresh na fresh ang itsura nya.
Ngumiti sya sa malinis at kaaya-aya nyang itsura, sa bagay kahit nasa bahay lang sya ay maraming tao ang makakakita sa kanya, sa dami ba naman ng tauhan sa mansion ni Mr. Voulger.
Pagkatapos mag-ayos ng mukha ay namimili naman sya ng sapin sa paa. Grabe, andaming sapatos na kasyang - kasya sa kanya pero hanggang ngayon ay hindi nya alam kung maisusuot nya ba ang lahat ng sapatos na nasa harap nya mayayaman nga naman.
Hindi na sya nag isip basta kinuha nalang nya ang doll shoes na kulay itim, alangan naman magsuot sya ng may takong sa bahay.
"Manang, andito na ako" tawag nya sa matanda nang makarating sya sa dinning.
Nakalagay na sa mesa ang meryenda nyang cookies at juice. Tinawag ulit nya ang matanda pero hindi ito sumasagot, siguro ay may ginagawa pa ito kaya nagsimula na syang kumain.
Ilang minuto munang nanatiling nakaupo si Amy sa dinning kahit tapos na syang kumain, baka kasi hanapin sya ni manang pag balik nito pero halos limang minuto na ang lumilipas ay hindi pa rin ito bumabalik.
Napahawak sya sa batok, asan kaya yung matanda?. Nagtataka ma'y nagligpit nalang sya ng kinainan at nagsimulang maghugas sa lababo ng pinagkainan. Inangat nya ang sleeve ng damit at nagsuot ng gloves.
Hindi nya mapigilang kumanta habang naghuhugas, gawain kasi nya iyun. Feel na feel nya bawat lyrics na may pa pikit-pikit pa syang nalalaman.
"Akala ko nasa kwarto ka nanaman" napapitlag sya ng marinig ang baritonong boses na iyun. Akala nya ba ay gagabihin ito ng uwi, bakit ang aga naman?. Hindi nya ito pinansin at nagpatuloy lang sa paghuhugas ng pinggan.
"Hey, why aren't you talking?" Tanong nito. Ramdam nya ang paglapit nito kaya nagsimula nanamang bumilis ang t***k ng puso nya. Gusto nyang hawakan ang dibdib para pakalmahin iyun pero may hawak nyang pinggan na binabanlawan.
"Amy" napakurap-kurap sya nang marinig na binigkas nito ang pangalan nya. Sa tanang buhay nya hindi nya manlang naisip na magiging ganuon ka ganda pakinggan ang pangalan nya kapag binigkas iyun ng iba.
Naramdaman nyang kinuha nito mula sa kamay nya ang huling pinggan na binabanlawan nya. Sinundan nya lang ito ng tingin, ang bawat galaw nito ay nakakaakit talaga.
Napalunok sya nang makita ang paggalaw ng adams apple nito. Kailan pa naging ganito kagwapo ang lalaking naghuhugas ng plato? Ngayon lang.
"Dapat iniwan mo nalang ito sa mesa" mahinahong sabi nito habang pinupunasan ang platong nahugasan na.
"Kumusta ang trabaho?" Tanong nito na ikinakurap - kurap nya.
Nagpantay ang kilay nito nang tignan sya nito.
"Bakit hindi ka sumasagot?" Tanong nito na may kasama nang pagkunot ng noo. Ang gwapo naman nito. Kinagat nya ang ibabang labi at nag-isip ng mga salitang sasabihin.
"Ok lang ang trabaho ko" sagot nya't sinumulang tanggalin ang gloves na suot.
Pagkatapos ibalik sa lagayan ang gloves ay muli nyang tinignan ang lalaking nasa harap. Nakasandal ang dalawang kamay nito sa lababong nasa likod nito habang nakaharap sa kanya't tahimik lang na nakatingin sa kanya.
Humakbang sya paatras dahil sa tingin nitong tinutunaw ang puso nya, ang mga mata nitong minamagnet ang kaluluwa nya. Napalunok sya nang madako sa labi nya ang tingin nito. Mr. Voulger please wag kang ganyan! Sigaw ng isip nya, pag hindi pa ito tumigil sa pagtitig sa kanya ay baka hindi na sya makapag pigil.
"D-dun na ako s-sa taas" utal nyang paalam at nagmadali nang humakbang palayo.
"You look pretty today, Wife" awtomatikong nahinto sya sa paghakbang at muling humarap rito.
"What?" Tanong nya rito para makasiguro sa narinig.
Ngumiti ito at naglakad palapit sa kanya. Nadagdagan ang bilis ng t***k ng puso nya, ilang sandali na lang baka ma-ospital sya sa heart attack nito.
"I said you're pretty, I like it when your hair tied on a ponny tail" sabi nito bago humakbang paalis at lagpasan sya.
Napahawak sya sa dibdib. "Grabe, para akong tumakbo ng sampung kilometro" sabi nya habang pinakikiramdaman ang napakabilis na heartbeat.
Hindi natuloy ang business meeting ni Weyn sa Cebu kaya maaga syang nakauwi at pag uwi nya'y naabutan nya si Manang Tilda na naghahanda ng pagkain. Sinabi nitong pagkain iyun ng asawa nya at sya nalang ang maghanda ng juice dahil may gagawin ito sa laundry. Hindi naman sya tumanggi dahil narin sa payo ng kaibigan nya na gumawa ng paraan para hindi agad magsawa sa kanya ang asawa nya.
After preparing he came outside to answer a phone call. Medyo humaba ang usapan at pagkatapos nun ay may isa pa syang tinawagan at pagbalik nya, naghuhugas na ang asawa nya.
This is the first time he saw his wife in a ponytail and he like it. Malinis ang pagkakulot ng buhok nito na lalong nagbigay buhay sa mahabang buhok nitong naka ponytail. Simple lang ang asawa nya manamit pero bumabagay rito ang mga isinusuot nito.
Hihintayin sana nya itong matapos sa paghuhugas pero nabagot sya sa paghihintay, ang bagal nito dahil mas mahaba pa ang pagkanta nito kesa sa paghuhugas ng plato. Umiling sya't inagaw na ang atensyon nito. Lumapit sya rito at inagaw na ang iisang plato nalang na hinuhugasan nito. Ganto ba talaga ito kabagal mag hugas?.
"Dapat iniwan mo nalang ito sa mesa" hindi nya napigilang sabihin.
"Kumusta ang trabaho?" He's trying his best para maging komportable ito sa kanya pero hindi pa rin umiipekto. Bakit ba hindi ito sumasagot?.
Napansin siguro nitong naiinis na sya kaya sumagot ito. Hinintay nya lang itong matanggal ang gloves na hindi inaalis ang tingin rito.
Her wife don't have an elegant beauty, she's just simple and plain yet beautiful enough for a man to fall in love with her. Nanatili syang nakatingin sa mga mata nitong abala sa pagtutok sa ginagawa hanggang sa magtama ito at ng kanyang mga mata.
Hindi nya mabasa ang iniisip nito, umatras ito na parang ayaw nitong tinititigan nya. Then, his eyes landed to her lips nang bahagya itong gumalaw. Wala itong suot na lipstick but her lips is natural pink.
Hindi pa nagtatagal na tinititigan nya ang labi nito nang magpaalam na ito. Makalalayo na sana ito nang maalala nyang kailangan nya ito purihin so he did. Napahinto pa ito at parang hindi naniniwala sa sinabi nya kaya lumapit sya rito para ulitin ang papuring sinabi nya rito bago sya nagpatuloy sa pag-alis at nilampasan ang asawa.
Nahinto sya sa paglalakad ng mag ring ang cellphone nya, hindi nya iyun tinignan at sinagot lang.
"Hello?" Bungad nya pero walang sumagot.
Nagtatakang tinignan nya ang cellphone nang magring ulit pero hindi pala nya cellphone ang nagriring. Hinanap ng kanyang mata ang cellphone na pinanggagalingan ng tunog hanggang sa makita nya ang cellphone na nakalapag sa dinning table.
....GIAN CALLING...
Nagpantay ang kilay nya nang mabasa ang pangalan ng tumatawag. Masama ang tingin na binalingan nya ang direction ng pinto kung nasaan ang asawa. Sinong Gian ang kilala nito?. Gian is a f*****g name of a guy. Walang pagdadalawang isip nya iyung sinagot.
"Huy, babae. San mo dinala yung pinagawa mo saking marriage contract?" Hindi nya inaasahan ang bungad nito. So this guy made their marriage contract.
"Kilala mo ba kung sino yung lalaking may ari ng pangalang ipinalagay mo dun? Puro ka kalokohan, ibalik mo na sa akin yun baka masisante ako sa trabaho kapag nalaman nila yung ginawa ko!" bakas ang inis ng nasa kabilang linya.
"Don't worry about your work and prepare for your promotion" sagot nya sa kabilang linya bago putulin ang tawag.
Agad nyang binura ang call history at ini-block ang number ng Gian. Napangiti sya nang magawa lahat ng balak.
"Bakit mo hawak ang phone ko?" Tanong ng asawa nya na nakalapit na sa kanya.
"Ibibigay ko sana sayo" pagsisinungaling nya't ibinigay rito ang phone. Umalis syang may malapad na ngiti sa labi.
"San ka pupunta?" Pang-aagaw nya sa atensyon ng asawa na paakyat na sa hagdan.
"Kwarto" tipid na sagot nito.
Inangat nya ang kamay at sinenyasan itong maupo sa tabi nya. Labag sa loob itong pumunta sa kinaroroonan nya't naupo sa tabi nya. Pigil nya ang matawa nang hindi maipinta ang mukha nito.
"Anong gagawin ko dito?" Tanong nito na nakasimangot pa rin.
"To watch a movie" tipid nyang sagot at binuksan ang TV. Isang pigil na tawa ang narinig nya mula sa asawa kaya masama nya itong tinignan. Nag-iwas ito ng tingin at huminga ng malalim.
"Paano tayo manonood?. Eh wala ka namang movie dyan sa TV. Wala ka ring Cd' s" natatawang pang-aasar nito.
"Then, I'll buy a f*****g Cd's!" Pikon nyang sabi at tumayo pero pinigilan sya ng asawa.
"Bibili ka? Kelan pa darating?" Natatawa pa ring sabi nito saka sya hinila pabalik sa pagkakaupo.
"Akin na remote mo" inagaw nito ang remote mula sa kanya at ito ang pumindot.
"Ang lakas ng wifi sa mansion mo hindi mo ginagamit!" Pagpaparinig nito na ikinababa ng pride nya. Pakialam nya ba sa mga movies at wifi, hindi naman sya nanonood!?.
"Ano gusto mo? Netflix?" Tanong nito na dahilan para magpantay ang kilay nya. Anong alam nya sa netflix, alam nya lang na trend ito at maraming gumagamit nun pero wala syang alam sa pagmamit.
"Oh, Our hardworking entrepreneur of the year goes to you!" Pang-aasar nito. "Puro trabaho kasi alam mo!" dagdag pa nito.
"Wag na tayo mag netflix, youtube na lang. Connect ko sa cp ko. Marami akong movie playlist dito" excited na sabi nito.
Ilang sandali lang ay nakita na nya ang youtube sa tv. Curious syang tumingin sa cellphone ng asawa at YouTube account nito ang ginagamit.
"Heto na" sabi nito at may lumabas na mga video.
"s**t!" Mura ng asawa nya at namumula ang mukhang tumingin sa kanya.
Fifty shades of grey, fifty shades of darker, 365 days. Hindi na nya tinapos ang pagbabasa ng mga titles na naruon at muling tumingin sa asawa.
Nagmamadali ito sa pagpindot sa cellphone nito pero hindi iyun nawawala. Nagpi-play na yung fifty shades of grey sa screen.
"s**t, h-hindi ako nanonood nyan!" Paliwanag nito kahit hindi naman sya nagtatanong.
"N-nawala yung mga nasa playlist ko!" Dagdag pa nito. Tumaas lang ang kilay nya, bakit ganto ang kinikilos ng asawa nya?.
"P-patayin nalang natin!" Sabi nito at kinuha ulit ang remote pero inunahan nya ito.
"Bakit? Gusto ko manood" kontra nya.
"Bili ka nalang ng cd's" pamimilit nito. Ano bang meron sa movie na pinapanood nila?.
"No, gusto ko yan mapanood!"
"Ayaw ko! P-pangit yan" pinagpapawisan na ito sa kakapigil sa kanya pero masyado na syang curious para mapigilan pa.
"Madamot ka kung ikaw napanood mo yan pero ako hindi" giit nya.
"Naman IEH! H-hindi ko yan pinanood" tinignan nya ito ng nagdududa. Pumikit pikit ito, kinakabahan ang asawa nya. Saan?.
"Gusto ko yan mapanood" pinal na sabi nya.
"Ei, a-ayaw ko nyan. Dun nalang ako sa kwarto" ginagawa nito ang lahat wag lang makapanoo kaya hinawakan nya ito sa braso para pigilan itong makatayo.
"S-sabing ayaw ko manood" giit nito at nagpumiglas mula sa pagkakahawak nya kaya hinila nya ito papalapit sa kanya.
Pinulupot nya sa beywang nito ang kanan nyang braso at ang kaliwa nyang kamay ay inalalayan ito para mapaupo nya ang asawa sa pagitan ng mga hita nya. Sinubukan pa nitong kumawala mula sa pagkakahawak nya pero nahawakan nya ito sa tyan at payakap itong ikinulong sa kanyang mga bisig ng mahigpit. Nasa likod na sya nito ngayon at wala itong kawala mula sa pagkakakulong sa braso nya.
"Dito ka lang" utos nya rito. Ipinatong nya ang baba sa balikat nito para tumigil ito sa paggalaw na naging mabisa naman. Hindi ito kumilos pero sunod-sunod ang pagbuntong hininga nito.
"Stop that" saway nya sa pagbubuntong hininga nito.
"B-bitawan mo nga ako" iginalaw nya ang ulong nakapatong pa rin sa balikat nito para makita ang mukha nito.
Pansin nyang halos hindi ito huminga at napaisip kung mahigpit ba masyado pagkakahawak nya rito. Niluwagan nya yun ng konti at pinakatitigan ang mukha nitong nakaharap sa TV.
"Why would I?" Tanong nya. Gumalaw ang kamay nitong nasa ibabaw ng braso nyang nakayakap rito. Akala nya ay aalisin nito ang kamay nyang nasa tyan nito pero hindi nito iyun ginawa.
"H-hindi ako sanay" utal na sagot ng asawa. Napanguso sya, hindi sanay saan?.
"Sa ganto ba?" Muli nyang hinigpitan ang pagkakayakap rito at humarap ulit sa TV.
"Masanay ka na, dapat kapag nasa harap tayo ng mga tao sweet tayo kaya wag ka na mailang" sabi lang nya habang nakafocus pa rin sa pinanonood.
"P-pwede bang, iba nalang panoorin natin?" Kumunot nanaman ang noo nya sa sinabi nito.
"Bakit ba ayaw mong ipanood sakin yan?" Nao-ubos narin ang pasensya nya rito. Ito ang unang beses na ginaganahan sya sa isang palabas tapos ayaw pa nito?.
"Hindi naman sa ganun. A-ano kasi-" lumunok ito bago nagpatuloy sa pagsasalita.
"Nakakailang manood ng ganyan pag m-may kasama" mas lumalim ang gatla sa noo nya. At kailan pa naging magandang manood ng mag - isa?.
"Stop playing with me, wife. Hindi mo ako maloloko" sabi nalang nya't itinuon ang pansin sa panonood.
Makalipas ang ilang minutong panonood nararamdaman ni Weyn ang paggalaw ng paa at kamay ng asawang hindi mapakali. Wala sa pinanonood ang atensyon nito na mas lalo tuloy syang nakucurious sa kung ano ang pinapanood nila.
"Cr lang ako" paalam nito na halatang hindi totoo.
Hindi nya ito pinansin at mas hinigpitan ang hawak rito. Until the two lead characters in the movie started kissing intensely, mukhang alam nya kung saan iyun tutungo.
Tumaas ang kilay nya nang buong ditalye ng bedscene ang ipipakita, the female lead moaned in so much pleasure so as the male lead.
Nakakunot ang noo at hindi makapaniwalang napatingin sya sa mukha ng asawang pulang - pula na ang mukha. Hindi ito mapakali, yumuyugyog ang paa at ikinikiskis nito ang mga dulo ng sariling daliri.
Lumunok ito at dahan-dahang tumingin sa kanya. Hindi siguro nito inaasahang nakatingin rin sya rito dahil agad itong nag-iwas ng tingin.
"Sabi ko sayong wag yan eh" mahina pero narinig nyang sabi nito. Napapailing syang natawa.
"So, napanood mo na nga!?" nag-angat ito ng tingin pero agad ding umiwas.
"Matagal naman na EH" katwiran nito na mas ikinalakas ng tawa nya nya.
Pinagpapawisan ito at halatang kabado. Inangat nya ang kamay at pinunasan ang namumuo nitong pawis sa noo. Napakurap-kurap itong tumingin sa kanya, nakagat nito ang ibabang labi sa hindi nya alam na dahilan.
"P-patayin natin" mula sa namumula nitong mukha ay tumingin sya sa TV . Natawa sya dahil malakas ang volume at rinig na rinig ang ungol ng dalawa. Maloko syang ngumiti.
"Patapusin natin- Ouch" malakas sya nitong hinampas sa braso.
"Nang aasar ka Ei!" Kusot ang mukhang sabi nito na hindi pa rin makatingin sa kanya.
"Kaya pala ayaw mong ipanood sakin ah!" Pang- aasar nya pa rito kaya muli syang nahampas ng mapanakit nitong kamay.
"Sir" natatarantang tumayo si Amy mula sa pagkakaupo sa kandungan nya nang tawagin sya ni Kiel pero hindi nito nagawa dahil nakakapit pa rin sya rito.
"Bitiwan mo ako" sabi nito habang inaabot ang remote na nasa round table. Hindi pa tapos ang erotic scene sa TV kaya natataranta ito. Si Kiel naman ay napasulyap sa TV, sunod sa asawa nya saka sa kanya.
"Oh, You busy?" Tanong nito na may bakas ng guilt.
"Nah, sabihin mo na kung anong pinunta mo rito" sagot nya. Tumuwid ito ng tayo saka nagsalita.
"Miss Brittany is making a scene outside the village gate, What Am I going to do?" pagbabalita at tanong nito.
"Let her do what she want byt don't let her in" sagot nyang tinanguan nito saka yumukod at nagpaalam na sa pag-alis.
Binaling nya ang tingin sa asawang nakaupo pa rin sa harap nya, nakayuko ito at hindi kumikilos. Magtatanong na sana sya nang magsalita ito.
"Nakakahiya" mahinang sabi nito. Tinignan sya nito ng masama na tinawanan nya lang.
"Bakit ganyan ka makatingin?" Nang-aasar na tanong nya rito pero masama pa rin ang tingin nito sa kanya.
"Aaah Ouch!" Sigaw at daing nya nang madiin sya nitong kurutin. Mahapdi iyun dahil ramdam nyang bumaon ang kuku nito sa balat nya. Nabitawan nya ito at napahawak sya sa braso nyang ngayon ay may sugat.
"Bagay yan sayo, bahala ka dyan!" Sigaw nito sa kanya at mabilis na tumakbo paakyat sa kwarto nito.
"Aisht! Ang sakit ah" nasabi nya habang tinitignan kung gaano kalala ang kinurot nito pero sa huli ay natawa sya nang maalala ang mukha nito. Ang cute talaga nito pag nagagalit.