01: The Accidental Contract
The Accidental Contract
"Sana all kinakasal," walang kabuhay-buhay na sabi ni Amy.
She was a wedding organizer, and she was currently at a hotel that partnered with the company she worked for. This hotel was the venue for the wedding assigned to their team, and here she was now, manning the reception desk because the receptionist on duty had left and asked her to cover for a while.
"What?! No, he can't do this to me!" Mula sa counter, nabaling ang tingin ni Amy sa isang babaeng kung makasigaw ay akala mo katapusan na ng mundo.
"I'm sorry, Miss Britthany, but Mr. Voulger had an emergency meeting," paliwanag ng lalaking naka-formal na damit. Kung titignan ay gwapo ito. Pwedeng-pwede na kung ito ang mapapakasalan niya ay papayag agad siya.
"He can't attend the wedding ceremony, and if you still want to marry him, this is the marriage contract," sabi pa ng gwapong lalaki at inilapag nito ang hawak na papel.
Maging siya ay tiningnan ang nakasulat sa papel—marriage contract nga na kahit isa ay wala pang pirma.
Dahil sa pagiging tsismosa niya, hindi niya napansing nakatingin na pala sa kanya ang gwapong lalaki.
"AAAHHH! NAKAKAINIS!" sigaw ng magandang babae bago nag-martsa paalis.
Naiwan ang lalaking gwapo pati ang marriage contract. Nang magkaroon ng pagkakataon, binasa niya ang mga pangalan pagkatapos ay nakangiting nag-tipa gamit ang computer.
Ilang minuto lang ang lumipas, isang lalaking humahangos ang lumapit sa kanya.
"Bagal mo!" Bungad niya rito, kaya sinamaan siya nito ng tingin.
"Kung hindi lang kita kaibigan, hindi ko susundin mga kabaliwan mo!"
"Yeah, yeah. By the way, thankie, Gian," nakangiting sabi niya. "Now leave, shu shu!" pagtataboy niya rito na alam niyang hindi nito ikaiinis.
"Oha!" Nakangiting bulalas niya nang makita ang pinaggagagawa niya.
Isang marriage contract. 'Di ba, sa wakas, feel na feel na niya ang ikasal? Pirma na lang ang kulang.
Nawala ang ngiti niya nang mapansing nagtatakang nakatingin sa kanya ang gwapong lalaki na kausap ng maganda pero eskandalosang babae kanina.
Para tigilan siya nito, sinamaan niya ito ng tingin. Inirapan siya nito bilang sukli na nagpamaang sa kanya. Ka-gwapong lalaki, nangiirap?
Magsasalita pa sana siya, pero iniwan na siya nito at sinundan ang direksiyon ng magandang babae kanina. Iniwan pa ng mga ito ang marriage contract. Lakas maka-insulto ng mga ito. Oo na, siya na ang walang jowa!
Inis na kumuha siya ng ballpen at pinirmahan ang marriage contract na pinagawa niya sa kaibigan niya. Saka, malawak ang ngiting pinagmasdan iyon.
Nawala lang ang tingin niya sa marriage contract na gawa niya nang bumalik ang magandang babae. May dala na itong ballpen pagkatapos ay pinirmahan nito ang marriage contract. Aba, marupok si ate. Maloko siyang natawa kaya napatingin sa kanya 'yung babae.
"Ano, 'to, computer!?" Sabi na lang niya para makaiwas sa babae. Anak ng tinapa! Hindi niya lubos maisip na gagawin niya 'yun.
"b***h!" Nanlalaki ang matang ibinalik niya ang tingin sa magandang babae na ngayon ay naglalakad na palayo.
"Did she call me b***h!?" 'Di makapaniwalang nasabi niya. Balak niyang sundan ang eskandalosang magandang "evil daughter ni Satanas," pero may matandang lalaki ang dumating.
Sinalamin nito pagkatapos ay binasa ang marriage contract na iniwan ng babae. Ilang sandali lang ay may pinirmahan ito. Dahil nga sa tsismosa siya, nakibasa rin siya. Ito pala 'yung judge na magkakasal sana sa dalawa.
"Uncle," pang-aagaw niya sa attention nito na nagtagumpay naman.
"Yes?" Kunot ang noong tanong nito.
"Pwede po papirma?" Nakangiting tanong niya. Mukhang hindi ito kumbinsido kaya nag-puppy eyes siya.
"Sige na po, gusto ko po talaga maranasan ikasal, eh. Marriage contract po ito. Please po, pagbigyan niyo na ho ako," pakiusap niya. Umamo ang mukha nito, at nang makitang marriage contract nga ang hawak niya, nag-aalangan itong pumirma.
"Thank you po, Uncle. Hinding-hindi kita malilimutan. I love you," magiliw na sabi niya.
Pigil niya ang matawa nang makitang namula ang matanda. Hindi pa ba ito nasasabihan ng I love you? Nakaramdam siya ng awa dahil baka sa susunod ay magaya siya sa matanda. No! Ayaw niyang tumandang dalaga.
Pumikit siya at humingang malalim para pakalmahin ang sarili niya. Ikakasal rin siya ng totoo, not now but soon...
"At kailan naman ang soon?" Nang-iinis talaga ang isang parte ng utak niya. Inilapag niya ang hawak na marriage contract saka binatukan ang sarili.
"Unc—" Hindi niya naituloy ang sasabihin dahil wala na ang matanda. Iiling-iling na lang niyang kinuha ang marriage contract na gawa-gawa niya at agad iyong tinago sa bag niya.
Panay lang ang irap ni Amy habang naaasiwang marinig ang "kabastusan" ng bibig ng kaibigan niyang si Mayumi at Casandra na kasalukuyan niyang ka-video call. Kung alam lang niyang puro s*x ang pag-uusapan ng mga ito ay hindi na sana siya sumali sa call time.
"Kawawa naman 'yung makunat diyan, 'di maka-relate," pang-aasar ni Casandra sa kanyang agad niyang inirapan. Like, duh. Pake.
"Mag-asawa ka na, Gaga! Matanda ka na!" asar pa nito sa kanya. OA makatanda, ah!?
"Hoy, FYI lang, ah, twenty-nine pa lang ako. Nasa kalendaryo pa ho ako!" depensa niyang tinawanan lang ng dalawa.
Tingnan mo 'tong dalawang 'to!? Nakakabwisit. Kung nasa tabi niya lang ang mga ito ay tiyak na nasabuyan niya na ito ng kinakain niyang popcorn.
"No need naman mag-asawa agad. Just go find someone to hook up with," payo ni Mayumi na sinalo lahat ng "kalibugan" noong minsang nagpaulan si Lord. So, siya, tulog!?
Pati sarili niya ata ay tinutukso na rin siya. Argh, bakit ba kasi ang hirap magka-boyfriend? Kasalanan 'to ng Papa niya, ay hindi, ng Kuya niya, pero ang totoo ay buong pamilya niya. Tama, sila ang may kasalanan.
"Ay, ewan ko sa inyo. Bye na. Aalis na 'ko!" paalam na lang niya sa dalawa para matapos na agad ang usapan.
"Aba, aba! Hoy, saan ka pupunta!" paninigaw ni Casandra.
"Babae! Huwag mo kaming tatalikuran!" babala naman ni Mayumi.
Inirapan niya lang ang dalawa saka tinalikuran para makapagbihis. Nabobored na rin siya sa bahay, kaya lalabas siya para magpahangin.
"Amy Rivera!" tawag sa kanya ni Mayumi.
Mahina siyang natawa. Hindi talaga mapapakali ang dalawa hangga't hindi siya nakikita.
"Heto pa po ako!" pagsagot niyang isinusuot ang huling butones ng suot niyang cream long suit.
"Aba, balot na balot. Kaya 'di ka nagkaka-jowa, eh," puna naman ni Mayumi na agad tinawanan ni Casandra.
"Ano bang dapat isuot?" kunwari'y inosenteng aniya.
"Aba, pakita mo dibdib mo, pati long legs mo," tumatawang sagot ni Mayumi.
"Pati bare back mo, beh, asset din 'yun," gatong pa ni Casandra.
Muli siyang natawa at tinanggal ang pagkakabutones ng suit sabay ikot sa kamera.
"Gano'n ba?" tanong niyang ipinakita ang bawat detalye ng suot niya.
"Ay, Gaga! Pang-malandi 'yan, ah!?" napasigaw na ani Casandrang tinawanan niya.
"Taray, first time? Saan punta mo, girl?" tumatawang ani Mayumi na taas-taas pa ng kilay.
"Secret," pabirong sagot niyang inayos ulit ang suit.
"Bagong bili mo, gurl? Kinilabutan ka, 'no? Bago sa feeling?" mapang-asar na ani Casandra.
Napailing na lang siya. Nakakapanibago, oo, noong una, kasi hindi naman siya nagsusuot ng expose na mga damit. But, this day is new dahil nangako siya sa sarilihang kailangan niyang makahanap ng boylet by hook or by crook.
"Hindi ko 'to binili. Regalo lang," sagot niyang ikinagulat ng dalawa. Ayst, mga tsismosa nga naman.
"Regalo? Nino? Lalaki ba?" interesadong tanong ni Casandra.
"Gwapo ba?" segunda ni Mayumi na suki ng mga gwapo, palibhasa ay K-pop fan.
"Dati kong boss. Remember Sir Drexel? May aatendan siyang party at in-invite niya 'ko as muse. Nasa Germany ang relatives niya at wala siyang kasalukuyang girlfriend. So, as bayad sa pang-aabala ko noong hatinggabi na tinawagan ko siya para kumuha ng 'paano makasungkit ng guy tips' ay ni-request niya 'to," paliwanag niyang diretsong kuwento na rin.
"Okay na sana, kaya lang babaero pa. Hoy! Huwag ka papapa-fall doon, ah. Lalaspagin ka lang no'n pero 'di ka papakasalan," advance na payo ni Casandra.
"Magpa-party lang talaga ako pero skip na 'ko kay Ex boss. Okay ka na!?" pagpapagaan niya sa loob nitong tinawanan ni Mayumi.
"Naku, naku! Basta hanap ka boylet!" tumatawang ani Mayumi.
"Yes, ma'am!" Sumaludo pa siya na ikinatawa nilang tatlo.
"O siya, bye na. May pupuntahan rin akong party, eh," paalam ni Mayumi sabay patay sa linya.
Nagkatinginan sila ni Cassandra sa screen. Nagkibit-balikat siya bago rin agad patayin ang tawag. Bala ka diyan, Casandra, aniya sa isip, at saka na umalis. It's her time para lumandi, haha!
"Mr. Voulger, here's the marriage contract," hindi pinansin ni Weyn ang dumating.
Nagpatuloy lang siya sa pagtipa sa keyboard hanggang sa maramdaman niyang inilapag nito ang papel na dala.
Walang gana niyang inabot ang ballpen at pinirmahan ang marriage contract na binigay ng judge na pinatrabaho niya sa kasal niya.
Kung hindi lang talaga niya kailangan, hindi na siya mag-aasawa. Bullshit marriage! Ang bagay na pinakahindi niya interesado ay doon pa nakasalalay ang lahat ng mga pinaghirapan niya. Kailangan niyang makapag-asawa bago sumapit ang ika-tatlumpu't tatlo niyang birthday. Kung hindi, ay walang mapupuntang ano man sa kanya.
Sampung taon niyang pinaghirapang mapalago ang negosyo ng kanyang ama. Tapos ngayon, malalaman niyang ganoon-gano'n lang kadaling mawawala sa kanya ang lahat? Gusto niyang magalit sa ama, pero hindi niya magawa dahil bukod sa ama niya ito, ay ito na lang ang natitirang pamilya niya.
"Bring her to my house tomorrow," utos niya rito bago ibalik ang attention sa trabaho.
Ilang minuto pa lang ang lumilipas ay bumukas ang pinto ng office niya at iniluwa no'n ang secretary niyang si Crixia.
"Sir, the board meeting will start after five minutes," imporma nitong may mapang-akit na tono.
Mula sa mukha nito, nabaling ang tingin niya sa dibdib nitong halos ma-expose na ang kabuuan. Pagkatapos siyasatin ang kabuuan ng sekretarya ay marahas siyang napabuga ng hangin.
Halos araw-araw siyang inaakit ng sekretarya niya na wala namang epekto sa kanya. Hindi maitatangging maganda ito at may magandang hubog ng katawan. Dibdib pa lang nito ay magagawa nang makatawag ng sandamakmak na kalalakihan, pero hindi siya. Imposibleng maakit siya nito, o nang kahit sino mang babae.
Hindi siya nakakaramdam ng attraction sa babae at lalong-lalo na sa mga lalaki.
He is one of the one percent of population who's identified as an asexual. He can't feel s****l attraction to anyone but can have a s*x if he wants to.
Ang isip niya ang may kontrolado sa s****l attraction niya. Hangga't hindi niya gusto, hinding-hindi talaga siya maa-attract kahit kanino. Kahit isa pang literal na diyosa ang nasa harap niya, he will not give a damn f**k.
"I got it, now leave," walang emosyong pagtataboy niya rito.
Disappointment was written on her face. Bakit ba na-disappoint pa rin ito kung halos araw-araw na nga niya itong itinataboy? Woman is a waste of time, 'yun ang paniniwala niya.
"Sir, may problema," kumunot ang noo niya sa sinabi ng bodyguard niya. Sa ilang taon nitong pagtatrabaho, ay ngayon lang ito nagsabing nagkaproblema.
"The marriage contract you signed..." Naghintay siya sa kasunod ng sasabihin nito.
"Mali ang napirmahan niyo. Ibang pangalan ang nandoon. Si Miss Britthany dapat ang pakakasalan niyo, pero ibang marriage contract ang naibigay sa inyo," paliwanag nito.
"Are you kidding me!? My name is written there," madiing sabi niya. Napalunok ang bodyguard niya bago muling nagsalita.
"Pangalan niyo nga po 'yung nandoon at totoong marriage contract 'yun. Ang kaso, ibang babae ang napakasalan niyo," paliwanag ulit nito. Nagkibit-balikat lang siya na para bang walang pakialam.
"Whoever she is, just bring her to me as long as our marriage is valid," sabi niya saka nagpatuloy sa ginagawa. Walang ibang choice ang bodyguard niya kundi ang sumunod sa utos niya.
"Who is she?" Naitanong niya sa kawalan.
Kung sino mang babae ang nakasulat ang pangalan at nakapirma sa marriage contract, alam kaya nito kung sino ang mapapangasawa? Natatawang napailing siya.
Paniguradong magsisisi ang babaeng iyon. That woman is married with him, an asexual man.