"Amy, may mga gwapong naghahanap sayo!" Sigaw ng ka trabaho ni Amy na si Kimie kaya sakanya agad napunta ang atensyon ng lahat.
"Gaga ka, kelangan talaga sumigaw!?" Sermon nya rito na tinawanan lang nito.
"Ayan sila, manliligaw mo ba?" Sabi pa nito na ikinairap nya. Ang kulit talaga!. Bad mood na tinignan nya ang direction na tinuro ni Kimie. Duon nya nakita ang tatlong matatangkad at naggagwapuhang lalaki. Totoo ba ito, ito ba yung kwento sa w*****d na pag-aagawan ng mga gwapong lalaki yung bidang babae?. Kung Oo, shet kahit sino ok na!.
"Anong kailangan nyo?" Mataray na sagot nya syempre dapat stay cool kahit laglag panty na sya.
"We're looking for Amy Rivera, are you Amy Rivera?" Sagot at tanong ng lalaking pinakamatangkad at pinaka gwapo sa tatlo, para itong half Greek god and other half, basta nahihirapan syang mag identify.
"Ako nga, bakit?" Tanong nya. Tinanggal ng pinaka matangkad na lalaki ang suot nitong shades, para kasing ewan nasa loob ng office ay naka shades parin. Umangat ang kanang kilay nya nang tignan sya nito mula ulo hanggang paa na para bang sinusuri nitong buong pagkatao nya.
"Bakit ganyan ka makatingin?" Mataray ulit na tanong nya pero kumunot ang noo nito pagkatapos ay inirapan sya. Kalalaking tao wagas makairap.
Sisigawan nya sana ito nang may maalala. Ito yung lalaki dun sa hotel!. Anong ginagawa nito dito?.
"Our boss wants to see you, and we're here to pick you up" paliwanag nito na ikinalukot ng mukha nya. Anong pinagsasabi nito?.
"Sino bang boss nyo? Bakit nya ako gustong makita? Atsaka ayoko!" Madiing saad nya saka tinalikuran ang tatlong nagagwapuhang lalaki.
Ayaw na sana nyang umalis pero baka naman kung anong gawin sa kanya ng mga ito. Oo, kating -kati na sya magkaboyfriend pero mahal parin nya ang sarili nya. Ayaw nyang mabahiran ng dumi ang katawan nya, almost 30 years kaya nyang iningatan sarili nya kaya nga hanggang ngayon wala parin syang boyfriend eh.
"We're not leaving until you come with us" seryosong sabi pa nung lalaki na hindi nya inintindi.
"What's happening here?" Ang matinis na boses ng best friend/Ceo nya ang umagaw sa atensyon ng lahat.
"Oh, anong ginagawa ng tatlong gwapo rito? Ano pong maipaglilikod ko?" Maharot na tanong ni Mayumi. Tsk, Mayumi pa mandin ang pangalan pero sagad - sagad ang kaharutan.
"Gusto nila akong dalhin sa kung saan at ayuko pumayag" sya na ang sumagot sa unang tanong nang kaibigan nya.
"Talaga ba? Weh?" Nakakaloko pa syang kinalabit nito sa balikat na ikinairap nya.
"Okay, Gentlemen come to my office" sabi nito na agad sinunod ng tatlo.
Ilang minuto lang ang lumipas ay lumabas na ang kaibigan nyang CEO kasama ang tatlong lalaki. Malawak ang ngiti ng kaibigan nyang tinawag sya nito.
"Sumama ka sa kanila dahil may gagawin ka" nakangiting sabi nito pagkatapos ay tinulak sya papunta sa tatlong lalaki.
"Mayumi-"
"Inuutusan kita, trabaho ang pupuntahan mo" sabi pa nito kaya wala syang nagawa. Well, sabi ng bff nya kaya magtitiwala sya.
Laglag ang pangang inilibot ni Amy ang tingin nang makarating sila sa malaking mansyon. Mali yata ang napuntahan nila dahil ang sabi ng tatlo ay sa bahay hindi naman sinabi ng mga ito na mansyon.
Kulay puti ang halos kabuoan ng mansion at hindi ito boring tignan. Purity and neatness can feel while staring at the big and white mansion.
"This way madam " rinig nyang sabi ng isa sa tatlong lalaking sumundo sa kanya.
Iminuwestra nito ang malawak na daan patungo sa malawak na pinto. Para syang prinsesa na magtutungo sa palasyo sa unang pagkakataon. Ganto pala ang feeling ni Cinderella, dadamdamin na nya ang feeling dahil baka ngayon lang ito at paggising nya kinabukasan panaginip lang pala ang araw na nakarating sya sa gantong mansion.
"Welcome Madam" namilog ang mga mata nya't napangiwi ng sabay-sabay na bumati ang mga nasa 16 atang tauhan ng bahay.
Nakakailang, nakayuko ang mga ito na para bang ang pagtingin sa mukha nya ang pinakamalaking kasalanan. Bakit sila ganto? Ang wierd.
"H-Hi" utal na bati nya sa mga ito saka lang ito tumuwid ng tayo at tumingin sa kanya.
Yun lang pala ang kailangan nyang gawin para tumigil ito sa pagyuko, siguro ay masakit na ang mga likod nito dahil sa tagal nyang sumagot.
"Ba't kayo ganyan!?" Ilang na tanong nya pero nanatiling nakangiti ang mga ito sa kanya. Para itong mga robot na naka program na.
Nabalot ng katahimikan ang paligid kaya dinig na dinig nya ang kabog ng dibdib nya. Bakit ba sya kinakabahan? Sabi ng CEO/BFF nya ay narito sya para magtrabaho pero bakit iba ang pakiramdam nya?.
Pumikit sya para pakalmahin ang sarili nang makarinig nang mga yabag, tunog ng sapatos at sahig na nagtatama ang nagpabukas ng kanyang nakapikit na mga mata.
Muling yumukod ang mga tauhan na nakahilera parin ayon sa uniform ng mga ito ang hanay. Mula sa likod ng mga matatangkad na lalaking may earpiece sa tenga ay lumabas ang isang matangkad, maskolado at napakagwapong nilalang. Huminto ito sa paghakbang para suriin ang kabuohan nya.
Binasa nito ang nanunuyong labi gamit ang dila at nakamamulsang sinalubong ang mga mata nyang napako na sa mga mata nito. His Hazel brown eyes magnetized her gaze as if she can't ever avoid it, his proud nose, his thin and natural redish lips, and his perfect jawline. Her view is like a heaven, for pete's sake, is this man in front of her is even real?.
He started to walk again towards her still looking at her eyes directly. She can feel her fast heartbeat as if her heart already broke it's ribcage.
Nang ilang pulgana nalang ang layo nila sa isa't - isa ay saka lang ito muling huminto at sinimulang ibuka ang napakaganda nitong bibig.
"Welcome to my house, my wife"
That sentence he said made her froze, even her breathing was almost stagnant. She was shocked, is this freakin real? Wife? How? When? Where? s**t she was clueless!.
"I am not at fault " he grinned and wrapped his arm arround her small waist. "Let me tour you to your new home." He whispered which gave a strange tickle to her sytem.
Anong nangyayari? God please can you explain it to me?
A|N:
Naol nakakasal sa Mr. Voulger. Pa-try din gurl! Chars. By the way, ini-edit ko na ito!! Totoo ang himala! Sinasaniban ako ni Kasipagan!
~•~
KyuT|A.A.