Chapter#03:

3853 Words
"Starting from now this is your house and they are your servants" hindi na nya mabilang kung ilang ulit lumaki ang mata nya kapag may sinasabi ang gwapong lalaking asawa kuno nya na hindi nya alam kung kelan nya naging asawa. "Hey, are you listening to me?" Napakurap-kurap sya't buong tapang na sinalubong ang nakakaakit nitong tingin. "Y-yeah, p-pero pano kita naging asawa?" Tumaas ang kilay nito sa narinig pagkatapos ay nameywang na lumapit sa kanya. Napalunok sya, bakit ba kasi kailangan pang lumapit? Marupok panaman sya. "I should be the one asking you that, what did you do and you became my wife?" "Huh?" Natutuyo na ang utak nya kakaisip ay dinagdagan pa nito ang palaisipang gumugulo sa kanya. "I signed a marriage contract with my name and your name with it. And that marriage contract even registered" paliwanag nito. Dun lang nya naalala ang pinaggagagawa nya pero nailagay nya pa sa bag nya yung marriage contract na pinagawa nya ah!?. Nagmadali syang buksan ang bag nya na ilang araw na nyang hindi nabubuksan and there she saw a marriage contract at wala pang pirma sa pangalan ng groom na kinopya nya sa marriage contract na nilapag nung dalawa sa counter. Isasampal nya sana sa pagmumukha nung gwapong lalaki ang marriage contract na gawa nya nang makita ang pangalan ng bride. Britthany Hermstrone, muli nyang binalingan ng tingin ang gwapong asawa nya kuno na totoo yata talaga saka nag-aalangang nagtanong. "Ikaw si Zifrouweyn Voulger?" Ngumisi ito at proud na tumango. "Yes, I am" sagot nito. Parang tumigil ang pag-ikot ng mundong mabagal na nagproseso aa isip nya ang lahat. Kubg ganun ay yung kagagahan nyang kontrata ang nadala nung judge tapos pinirmahan agad ng lalaking ito? Nung groom?. Umiling-iling sya't hindi pa rin naniniwala sa sinasabi ng lalaki kahit pa napagtugma-tugma na nya ang mga maaaring nangyari. Isipin nya pa lang ay imposible talaga, ano naman kung napirmahan nito ang marriage contract nila? Pwede namang punitin nalang yun dahil iba naman talaga ang bride nito, paano na yung bride nito? "What?" Pantay ang kilay na tanomg ng gwapong lalaki sa harap nya. Lutang ang isip syang tumingin rito saka naguguluhan pa ring nagsalita. "B-bakit ako? Nasaan yung bride mo?" Tanong nya rito. Tama, pano yung bride nito?. Ngumisi ito at namulsang itinuon ang buong tingin at pansin sa kanya. Yumukod ito at nagiwan lang ng isang dangkal na pagitan ng nga mukha nila bago ito nagsalita. "Sa kasal ko lahat bride ay ko at kung kaninong pangalan ang nakalagay sa contract na pinirmahan ko ay ang magiging asawa ko" sagot nitong hindi nya pa rin naintindihan. "Baliw ka ba?" Tanging nasabi nya pero mahinang tumawa ang lalaki saka sya dinampian ng halik sa mga labi bago ito tumuwid muli ng ngiti. Nakakahiya man aminin kahit sa sarili nya ay first kiss nya yun. Ninakaw nito ang first kiss nya?. Napalunok sya't nanunulis ang tinging ibinigay rito pero tumawa lang ito. "Marriage is nothing but just a business contract to me, Wife. I need marriage to get what I deserve so yeah, I got married without any interest with that thing and now, you're tied at me" nawala ang ngisi nito at bigla itong sumeryoso. "It was your fault wife so pay for it." Huling sinabi nito at humarap sa matangkad na lalaking sumundo sa kanya kanina. "Kasalanan ko na!" Malakas nyang sigaw na gumulat sa lahat. Nanlalaki ang mga matang tumingin muli sa kanya ang lalaki na matalim pa rin ang tingin nya. "Pero bakit kailangan pa kong halikan!?" Sigaw nyang dugtong na nagpaatras ng bahagya sa lalaki. Nabangga pa nito ang lalaking matangkad na lalaking sumundo sa kanya. Nagkatinginan ang dalawang gwapo nga pero mga kupal namang lalaki saka sabay na nagkibit-balikat bago muling tumingin sa kanya. Tumikhim ang lalaking asawa kuno nya saka ito naiiling na natawa. Tinignan sya nito mula ulo hanggang paa saka tatawa-tawang napahilot sa panga nito. "Kiel, take her to her room. I still have a lot of work to do" imbes na sumagot sa kanya ay bilin nito sa lalaking matangkad na tinawag nitong Kiel bago tuluyan silang talikuran pero muli rin itong humarap sa kanya. "I'll prepare your cards tomorrow " sabi nitonv seryoso na ulit ang tonong nagpawala agad sa galit nya kasabay nang pagpatuloy na sa paglayo nito. Cards?. Ano yun?. Umiling-iling sya't sumunod sa lalaking nagngangalang Kiel na iginigiya sya papuntang kwarto raw nya. So, hindi kami magsasama sa isang kwarto? Sumilay ang malapad na ngiti sa kanyang mga labi nang maalala ang sinabi ni Kiel. "This is your room and that room is my master's room." tumalon-talon sya sa malambot na kama. Grabe, napakalaki ng kwarto, feeling nya mas malaki lang ng konti ang buong condominium na inuukupa nya. Kumpleto ang mga gamit, may isang bookshelf na may mga libro, may maliit na mesa sa gilid ng kama, may lamp, may mahabang sofa, malaking closet, may banyo. Bumaba sya sa kama at tinungo ang banyo, gaya ng inaasahan kumpleto rin, may shower duon at may bathtub. Pati mga shampoo, sabon, conditioner pati pang skincare product meron. "Aahhhh! I like it!" Hindi nya mapigilang mapasigaw at mapatalon-talon. Lumabas sya ng banyo at dumiretso sa bintana. "Ang ganda ng garden" puno ng paghangang sambit nya habang pinagmamasdan ang garden na kitang-kita mula sa bintana. "Mnn? May balcony pala?" Muli syang napangiti at binuksan ang akala nya bintana pero sliding glassdoor pala. Akala nya ay sa panaginip lang nya ito mararanasan ngayon heto na sya. Ano kayang mangyayari sa kanya kinabukasan? "Mmnn" she groaned while her eyes still closed. She can feel the cold of fresh air touching her face. So relaxing, she said to her mind. Napahawak sa tyan si Amy nang tumunog iyun, nakusot nya ang mata at napahikab. Pilit nyang inalala ang nangyari, pagkatapos pala nyang magpahangin sa labas ay nakaramdam sya ng antok kaya nahiga sya sa kama. Hindi nya namalayang nakatulog pala sya. Bukas ang ilaw kaya nakita nya ang mini clock sa bedside table. Halos mapatalon sya nang makitang alas otso na ng gabi. Dumating sya sa mansion ng alas tres ng hapon kaya halos limang oras syang nakatulog. "Takaw tulog talaga!" Sermon nya sa sarili. Lalabas na sana sya nang mapansing hindi pa sya nakakapagbihis kaya pala pakiramdam nya ay ang lagkit ng katawan nya. Kailangan nyang maligo at makapagpalit. Halos manlumo si Amy nang makitang walang damit sa closet. Yung gamit sa banyo kumpleto pero damit wala? Pinaglololoko ba sya ng Voulger na yun? Buti na lang ay hindi pa sya naliligo kundi maghuhubad sya buong gabi. Mabibigat ang hakbang na lumabas sya ng kwarto para maghapunan, paniguradong tapos nang kumain ang lalaking asawa nya pero may tira naman siguro. Muli syang napahimas sa tyan nang tumunog ulit iyun. Gutom na talaga sya, hindi na nya kaya. "Hmn? Nandito ka?" Hindi makapaniwalang tanong nya sa lalaking nakaupo sa dulo ng mesa. Kumakain ito habang nasa harap ang laptop. Napalunok sya ng balingan sya nito ng tingin. "Of course this is my house. What did you expect?" Sarkastikong turan nito na ikinairap nya. "Bakit ngayon ka palang kumakain?" Tanong nya rito na dahilan para makagat nya ang ibabang labi. Masyado syang feeling close sa tanong na yun. Inaasahan na nyang hindi ito sasagot kaya hindi makapaniwalang napatingin ulit sya rito nang magsalita ito. "I was busy doing my works, I forgot the time" sabi nito na tinanguan nya. "Ikaw?" "Huh-ha?" Hindi nya inaasahan ang tanong nito kaya hindi sya agad nakasagot. Inalis nito ang tingin sa laptop at kunot noo syang tinignan. "Ah ano, n-nakatulog ako. Kakagising ko lang" kabadong sagot nya. Tumango ito at ibinaling ulit ang atensyon sa laptop. "Madam, pagkain nyo ho" imporma sa kanya ng katulong na may katandaan na. "Salamat po manang" pasalamat nya saka nanunubig ang bagang na tumingin sa pagkain. Amo'y at itsura palang masarap na. Hindi nya alam kung anong klaseng luto yun pero mukhang masarap kaya sumubo agad sya. Hindi sya nagkamali dahil kada subo nya ay napapapikit pa sya sa sarap. "Ija, dahan - dahan baka mabulunan ka, ikukuha pa kita" sabi ng matanda na nasa tabi pala nya. "Ah ang sarap po kase eh" nakangiting sagot nya rito pagkatapos ay sumubo ulit. "Hmn ang sarap talaga" ulit pa nya. Mahinang tumawa ang matanda at hinaplos sya sa balikat. "Salamat at nagustuhan mo. Magaling kasing kusinero ang nagluto nyan" duon sya natigilan. "K-kusinero?" Nanlalaki ang matang ulit nya. "Oo ija, kusinero ng mansion ang nagluto nyan" her jaw literally drop of what she just heard. There is a frickin chef inside this house?. Gaano ba kayaman ang accidental husband nya't pati kusinero ay pinapasweldo nito para lang magluto sa bahay?. "Ganun ho ba? Kaya pala" nasabi nalang nya't itinuon ang pansin sa kinakain. Umiling sya't kinalimutan nalang ang gumugulo sa isip. Muli syang napapikit nang malasahan ang masarap na pagkain. Ganto ba lagi kasarap ang kinakain ng Voulger na yun?. Sandali syang huminto sa pagnguya at binalingan ng tingin ang asawang nasa harap nya. Malayo ang kinaroroonan nila sa isa't-isa dahil mahaba ang mesa at nasa magkabilang dulo sila. Muntik nang mailuwa ni Amy ang pagkaing nasa bibig nang makitang titig na titig sa kanya ang lalaki. Bahagya pa itong nakangiwi habang tinititigan sya. "B-bakit ka nakatingin?" Utal na tanong nya. Nakanganga paring umiling ang asawa nyang parang hindi makapaniwala sa nakikita. "Is that food really taste so good and you even moan while chewing it?" Tanong nitong ikinataas ng kilay nya?. Hindi naman sya umungol ah? "Hindi naman ako-" "You did, you even closed your eyes while moaning " giit nito. "Eh?" Wala syang masabing tumingin sa matandang nasa tabi parin nya. Nang ngumiti ang matanda at tumango ay sya naman ang napangiwi. So, she really moaned while chewing her food?. s**t! Iniimagine nya palang nahihiya na sya. "S-sorry" nasabi nya nalang at nag-piece sign. Ba't kasi sobrang sarap ng pagkain?, hindi tuloy nya napigilan. Naunang natapos kumain si Mr. Voulger kaya naiwan sya sa dinning. Magliligpit na sana sya ng kinainan nya ng may umagaw nun sa kanya. "Ako na po madam, trabaho po namin 'to" magalang na sabi ng babaeng halos kasing edad nya o mas bata sa kanya. Ngumiti ito sa kanya kaya ngumiti rin sya pabalik. Isa rin ito sa kasambahay nila, ilan kaya lahat ng tauhan dito sa mansion? Sa bagay ang laki ba naman ng mansion na tinitirhan nya ngayon eh. "Okay, s-sige" pagsang-ayon nalang nya't dumiretso na sya sa lababo para mag hugas ng kamay. Pagkatapos maghugas ay nginitian nya muna ang kasambahay bago umalis ng dinning. She's about to go upstairs when she notice Mr. Voulger sitting on the sofa while still typing on his laptop. Kanina pa ito nakatutok sa laptop ganun ba ito magtrabaho?. "Don't stare at me, I can't focus" Napapitlag sya nang bigla itong magsalita. Kung ganun ay kanina pa nito alam na nakatingin sya?. Tumikhim sya't nagsimulang humakbang palapit rito. "So what, kasalanan ko bang dinala mo ako rito sa bahay mo at—Ah!" Napasigaw sya nang bigla syang natapilok. Nakalimutan nyang naka heels pala sya. Pumikit nalang sya't hinintay na bumagsak sya pero hindi iyun nangyari. Isang matigas na braso ang pumulupot sa beywang nya para saluhin sya at isa pang braso ang naramdaman nyang humawak sa likod nya't humatak sa kanya para muling maiangat ang katawan nya. "Open your eyes" parang isang musikang rinig nyang sabi ng baritonong boses. Paulit-ulit syang napalunok nang maamoy ang mabango nitong huminga. "I said open your eyes" utos na nito kaya wala syang nagawa. Dahan-dahan nyang iminulat ang kanang mata. Ang gwapong nilalang na nakakunot ang noo ang bumungad sa kanya. "Are you kidding!? Open your two eyes" madiing utos nito. Gusto nyang tumawa dahil sa sobrang pagkapikon sa boses nito pero pinigil nya ang sarili. "Okay" maikiling sagot nya't iminulat ang isa pang mata. "Why are you wearing those?" Seryosong tanong nito tinutukoy ang sapatos nya na may takong. Umirap sya't mahinang tinulak ang asawa. "Duh? Walang damit at kahit anong sapin sa paa, anong inexpect mong isusuot ko?" Puno ng sarkastikong tanong nya. "Dinala-dala mo ako rito nang biglaan tapos wala naman palang ipasusuot sakin!" Sumbat nya pa. "f**k!" Mura nito, luh pikon talaga!?. "I threw away the clothes, it won't fit you because the clothes I ordered before is for Britthany's size" paliwanag nito. "Kay Britthany? Sa mapapangasawa mo sana?" Tanong nya. Nag-aalala itong tumango na ikinainis nya. "What the! Pinatapon mo? Hindi ka nanghinayang? Sayang yung mga damit na yun kung tinapon mo lang!. Alam mo bang maraming nagugutom dahil wala silang pambili ng pagkain tapos ikaw, yung mga damit na bagong-bago pa tinapon mo lang?" Halos sumigaw na sya sa sobrang inis. Napakawaldas talaga ng kumag na asawa na nya ngayon. "Are you angry because I threw away the clothes?" Hindi makapaniwalang tanong nito na ikinalukot ng mukha nya. Kung hindi yun, ano pa bang ikagagalit nya?. "So, yun nga ang dahilan?"Natatawang sabi nito na hindi pa rin makapaniwala. "Don't worry I already ordered new clothes for you, It will come tomorrow so only tonight you have nothing to wear" paliwanag nito na para bang wala syang sinabi kanina lang. "Nag order ka na? Baka hindi magkasya sakin alam mo ba-" "I know and I make sure those clothes fits you, just you" putol nito sa sinasabi nya. Mukha naman itong sigurado kaya hindi na sya nagtanong. Bumalik ito sa pagkakaupo kaya naiwan syang nakatayo sa gilid nito. "I'll go upstairs now" paalam nya rito. Nang hindi ito sumagot ay nagpasya na syang umalis. Ngunit isa iyung pagkakamali dahil isang hakbang nya palang ay muntik na syang matumba dahil sa natapilok nyang paa kanina, mabuti nalang at nahawakan sya sa braso ng asawa nyang nakaharap pa rin sa laptop at magtitipa gamit ang kaliwang kamay. "Done" saad nito saka sinara ang laptop. Tumayo ito nang hindi inaalis ang pagkakahawak sa kamay nya. "I'll take you to your room" blanko ang emosyong sabi nito. Hahawakan na sana sya nito sa beywang para alalayan ang likod nya't simulan syang buhatin pero mahina nya itong itinulak. "A-anong gagawin mo?" Utal nyang tanong. Tinignan lang sya nito na para bang ibinabalik nito ang tanong nya sa kanya. "I will carry you to your room" inosenteng sagot nito. Awtomatikong napahakbang sya paatras dahilan para muntikan ulit syang matumba. "f**k! Be careful!" Naiinis nanaman ito, napakabilis talaga nitong mapikon. Ngingiti na sana sya nang makita ang position nila. Nasa beywang nanaman nya ang kamay nito at iilang dangkal lang ang layo ng kanilang mukha. Itutulak sana nya ulit ito pero nauna na ito. Nagawa na sya nitong buhatin ng pa bridal style. "Don't move if you don't want us to fall here" hindi na sya nagpumiglas nang mapagtantong nasa hagdan na sila. Bakit ba ang bilis ng t***k ng puso nya? At bakit napakabait ng lalaking ito sa kanya? Pumikit nalang sya't nagpakawala mg isang malalim na buntong hininga. "Stay here, I'll get you some clothes" sabi nito bago sya iwang nakaupo sa kama nya. Akala ba nya ay bukas pa darating ang mga damit nya?. Lagkit na lagkit na sya sa katawan nya at gustong -gusto na nya maligo. Hindi na sya nakatiis na iika-ikang tinungo ang banyo. Sinabi naman ni Mr. Voulger na dadalhan sya nito ng damit kaya malakas ang loob nyang naligo. Unang dampi pa lang ng malamig na tubig sa katawan nya ay nakaramdam na sya ng ginhawa. Sa wakas ay nalinis na rin ang katawan nya. Hindi nya alam kung gaano sya katagal sa banyo pagkatapos nyang tuyuin ang katawan gamit ang towel ay nagsuot sya ng robe. Sana nasa kwarto na nya ang damit. Yun ang nasa isip nya nang makita ang matangkad na bulto ng lalaking nakatayo sa tabi ng bookshelf. Nagbabasa ito at hindi agad napansin na nakalabas na sya. Napalunok sya nang maalalang robe lang ang suot nya, kailangan nyang magdamit. Walang ingay syang iika-ikang naglakad papunta sa kama kung saan nakalapag ang damit na dinala ni Mr. Voulger. "Ano 'to!?" Napatakip sya sa bibig nang mapagtanto kung ano ang ginawa nya. "Tapos ka na pala?, yan na muna ang isuot mo dahil bukas pa darating ang mga damit mo" sabi nito na diretsong nakatingin sa mga mata nya. Tinakpan nya ang katawang tanging robe lang ang nakatakip gamit ang mga kamay pero tumawa ito sa ginawa nya. "Kahit mag hubad ka pa hindi ako magnanasa sayo" sabi pa nito bago isara ang librong kanina ay binabasa nito. "Good night, have a sweet dream, Wife" paalam pa nito bago lumabas at isara ang pinto ng kwarto nya. "Kahit mag hubad ka pa, hindi ako magnanasa sayo" umakyat ang lahat ng dugo nya sa ulo nya ng paulit-ulit yung nagreply sa isip nya. "Nang-iinsulto ba sya!? Gago yun ah!" Sigaw nya sa sobrang inis. Gusto nyang punit- punitin ang damit nitong nasa kama nya pero hindi nya pwedeng gawin yun dahil matutulog sya ng walang saplot pa ganun. Without any choice, she wear his accidental husband's clothes. A T-shirt and a boxer, 'di ba para talaga syang asawang kakatapos lang makipagtalik sa asawa tapos walang masuot kundi damit ng asawa nya. Napailing sya sa naisip, pero ang asawa nya ay manhid na nga ata lakas pa mang insulto! Pagdating talaga sa lalaki sagad ang kamalasan nya!.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD