Ang mga mahihinang yabag pagtungong pinto ng closet ang gumising sa natutulog na diwa ni Amy. Nag-unat sya ng braso bago bumangon at inilibot ang tingin.
"Good Morning Madam" ang pagbating iyun ang umagaw ng atensyon nya.
Ang babaeng parang manika na nakasuot ng black and white maid uniform. Napakurap-kurap sya at napangiwi nang marialize na nasa mansion pa rin sya.
"OH MY GOD!" halos mapatalon ang mukhang manikang maid sa bigla nyang pagsigaw.
"Madam?" Nag-aalalang tanong nito.
"M-MAY ASAWA PARIN AKO!?" Pasigaw na tanong nya sa maid na nag-aalangang tumango bilang tugon.
"AAHHHHH!" Sigaw nya. Mababaliw na sya, totoo hindi sya nanaginip?. Totoo ang lahat? May asawa na sya? Asawang ni hindi nya kilala!.
"What happened?" Napatayo sya mula sa pagkakaupo sa kama nang pumasok sa kwarto ang gwapong lalaki na akala nya ay panaginip nya lang. Yung lalaking asawa pala talaga nya. At ang lalaking humalik sa kanya?.
"M-maliligo na ako!" Pagdadahilan nya't patakbong tinahak ang daan papunta sa banyo.
Nilakasan nya ang buhos ng tubig sa shower para hindi sya marinig ng nasa labas. Ba't ba kasi sya sumigaw?.
Mula sa nababalisang pag-iisip ay napahawak sya sa labi. Sa isiping hindi panaginip ang lahag ng nangyari sa kahapon ay totoong hinalikan nga sya nito at ninakaw nito ang first kiss nya.
Marahas syang umiling, mali ang isipin nya iyu at isa pa ay hindi naman yun halik. Parang nagkadikit lang ang mga balat nila nun dahil hindi nga yun dumagal ng isang sigundo.
Sa pag-iisip sa banyo ay sa wakas nakumbinsi nya ang sariling hindi hga yun isang halik at mabuting kalimutan nya nalang.
Sinadya nyang magtagal sa banyo at nang makaramdam na ng lamig ay pinakiramdaman nya ang labas. Nang mapagtantong wala nang tao sa labas ay binuksan nya na ang pinto at mabilis syang nagpatuyo ng katawan pati ng buhok.
Her mouth form an Oh, when she saw dresses and elegant clothes on her closet. Ito ba yung mga damit na in-order ni Mr. Voulger?. Tanong nya sa isip nang ang magaganda pero nakakailang isuot na mga damit ang naruon dahil sa sobrang elegante.
Wala syang pambahay, talaga bang gantong damit ang isusuot nya sa bahay?. Ipinilig nya ang ulo, well, wala naman syang magagawa. She picked up the simple plane ocean blue sleeveless dress above the knee.
Before she made her way out of her room, she checked herself to the mirror and when she felt satisfied she smiled and winked in her reflection.
"Perfect" she uttered before steping out of her room.
"Morning" she greeted Kiel who's standing outside of her room.
"Good Morning madam" he greeted back.
Nginitian nya ito nang igiya sya nito pababa sa hagdan. Ang gentleman naman, dapat talaga ito nalang pinakasalan nya.
"Thank you" pasalamat nya na tinanguan at nginitian ito.
"Bakit ang tagal mo?" Ang baritong boses ni Mr. Voulger ang umagaw sa atensyon nila. Blangko ang ekspresyon nitong nakatingin sa kanila ni Kiel.
"Sit" utos nito na agad nyang sinunod.
"Ito na ija, pagkain mo" nginitian nya ang matandang naglagay ng pagkain nya sa harap nya.
Pagkatapos kumain ay sabay sila ni Mr. Voulger na pumunta sa sala. May kinuha ito sa round table at tinawag sya.
"Take this" mahinang sabi nito. Nakanguso nyang kinuha ang cards na inaabot nito.
"Credit card?" Napapaisip na tanong mya rito.
"What do you think, does it looks like a movie ticket?" Sarkastikong tanong nito na ikinairap nya.
"Ang ibig ko sabihin, bakit mo ako binibigyan ng ganito meron naman ako-"
"You're my wife now" sagot nitong parang ito na ang sagot sa lahat ng kanyang katanungan.
Bumuntong hininga nalang sya saka napipilitang tumango. Tatalikod na sana sya para makaalis na pero tinawag ulit sya nito.
"Meron pa" tumaas ang kilay nya nang may iniabot nanaman ito sa kanya.
"A black card?" Halos mamilog ang mga mata nyang kinuha ang iniaabot nito.
"Yeah, You're my wife remember?. A Multi Billionaire's wife" sabi nito bago sya lagpasan. She was left speechless again, she's holding a black card. A black card owned by her. A multi billionaire's wife.
"Madam, dito po" magalang na iginiya sya ng driver nya papunta sa isang nakaparadang sasakyan.
Ngayon ay napatunayan nyang seryoso si Mr. Voulger tungkol sa mga sinabi nito kahapon. Napailing nalang sya at iwinaklit ang mga gumugulo sa isip. Magtatrabaho pa sya, marami pa syang gagawin mamaya kaya kailangan nyang kumalma.
Pagpasok nya pa lang sa opisina ay nakatingin na ang halos lahat sa kanya.
"Wow, ganda ng outfit ah!" Bulalas ni Kimie na hindi nya alam kung saan nanggaling.
"Eyow, single baby" napairap sya sa bati ng CEO nila. Sya talaga ang target nitong asarin araw-araw. Nagtawanan ang lahat, sya talaga ang clown ng mga ito.
"Bahala nga kayo dyan!" Padabog na sabi nalang nya. Gusto nyang sabihing may asawa na sya at hindi sya single pero baka mas lalo syang pagtawanan kapag nalaman ng mga ito kung paano sya naikasal.
Hindi nya akalain na ang pesteng marriage contract na yun pa ang magiging pinakamalaking problema nya. Gusto nya ng asawa at pamilya pero paano ito ngayon na may asawa nga sya pero imposibleng magkaroon sya ng pamilya. Una sa lahat ay wala naman silang nararamdaman para sa isa't - isa, they are just strangers for goodness sake!.
Ang gaga mo talaga, Amy! Binatukan nya ang sarili sa sobrang inis.
"Nga pala, Amy" ang CEO iyun na nasa harap na pala nya.
"Good work, na-recieve ko na yung extra payment ni Mr. Voulger para dun sa kasal nya last time" tumaas ang kilay nya. Extra payment? Yun ba yung trabahong sinasabi nito?.
"Sabi na nga ba't magaling ka kaya na convince mo sya" sabi pa nito saka sya kinindatan bago umalis. Kung ganun pati CEO hindi alam na asawa sya ni Zefrouweyn Voulger?.
Paglabas pa lang ni Amy ay nag-aabang na sa kanya ang driver nya. Pinagbuksan sya nito ng kotse at magalang na yumukod.
Ano ba yan, para naman syang royal princess kung igalang nito. Wala naman syang ibang pupuntahan kaya dumiretso na sila sa mansion. Nginitian nya ang mga tauhang bumabati sa kanya, nakakahiya naman kung hindi nya papansinin ang mga ito.
"Ija, maaga naman yata ang uwi mo?" Tanong sa kanya ng matandang kasambahay. Oo nga pala, hindi pa nya natatanong ang pangalan nito.
"Amn, manang, ano pong pangalan nyo?" Tanong nya dahilan para humarap ito sa kanya.
"Tawagin mo akong Manang Tilda" nakangiting sagot nito na nginitian nya rin.
"Ok po, manang Tilda" sa unang pagkakataon ay natawag nya ito sa pangalan. "Nga pala, may makakain po ba dyan?" Tanong nya na tinanguan nito.
"Ija, hindi mawawalan ng pagkain dito. Magsabi lang at ipagluluto ka ng kusinero" mabilis syang umiling sa sinabi nito.
"Ahh, hindi na ho kailangan ng kusinero, meryenda lang naman" paglilinaw nya rito. Tumango-tango ito saka ngumiti.
"Sige Ija, ikukuha kita." Sabi nito.
"Thank you manang, wait lang ah. Bihis lang ako sa kwarto" paalam nya't nagmadaling umakyat sa silid nya. Pagbukas nya ng closet ay nakusot nanaman ang mukha nya. Anong pambahay naman ang isusuot nya? Puro magaganda at elegante ang design eh.
Wala syang choice na nag miniminimo nalang kung anong isusuot. Napili nya ang isang hanging T- Shirt na kulay puti at pinareha ang maong na maikling shorts. Napangiti sya ng makita ang sarili sa salamin.
Tinanggal nya lahat ng make up at naglinis ng mukha. Sa wakas ay nakaramdam sya ng ginhawa sa mukha, she tied her hair a messy bun before going out of the room.
"Manang!" Salubong nya sa matandang inilalagay na ang isang slice ng chocolate cake sa platitong para sa kanya.
"Thank you po" magalang nyang pasasalamat bago nagsimulang kumain.
"Coffee or juice?" Tanong ulit ni manang Tilda.
"Juice nalang po" tumango ito bago pumunta sa kitchen. Pagbalik nito ay may dala na itong orange juice.
Ilang minuto rin syang kumain at nang makaramdam ng kabusugan ay nagtungo sya sa sofa kung nasaan nakaharap sa tv.
"Good Evening, Sir" rinig nyang bati ng mga tauhan bahay.
Tinignan nya ang pinto kung saan nanggaling ang pagbati at duon nya nakita ang gwapong-gwapo at hot na hot nyang asawa na hindi mapapasakanya. Hanggang pantasya nalang talaga sya.
"Nandito ka na agad?" Baling nito sa kanya na hindi nya namalayang nakalapit na pala sa kanya.
"Ah O-Oo" nag iwas sya nang tingin nang sagutin ito.
Hindi nya alam kung bakit ba sya nauutal basta ang alam nya naiinis sya dahil dun. Naramdaman nyang naupo ito sa tabi nya't halos manakit ang leeg nya dahil sa pagpigil nyang wag itong lingunin pero ang ending ay hindi nya rin napigil.
Seryoso lang nitong tinatanggal ang coat na suot pagkatapos ay inilagay yun sa handle ng sofa. Nakita nya ang pag-angat baba ng adams apple nito na gumising ulit ng kakaibang pakiramdam na naramdaman nya noong una nya itong nakita.
Napakurap-kurap sya nang humarap ito at nagtama ang kanilang mga mata. Nakita ba nitong tinititigan nya ito?.
Agad syang yumuko nang magsimula nitong ibuka ang bibig. Mas nakakahiya kung malaman nitong kanina nya pa pinipigil ang sariling halikan ito, hindi naman sya mahalay pero ba't ganito sya ngayon?.
"Are you-"
"Inaantok na ako, goodnight" pagdadahilan nya saka mabilis na tumakbo paakyat sa hagdan at tinungo ang kwarto nya.
Hinihingal nyang pinaypayan ang sarili, Gosh! Ano bang nangyayari sa kanya?. Bakit nag-iinit sya?.
Pumukit sya para pakalmahin ang sarili, himigop sya ng hangin saka bumuga. Ilang ulit nya yung ginawa para kumalma. Nang maramdamang bumalik na sa dati ang kanyang paghinga ay nagmulat sya pero ilang segundo lang ay ang Adams apple nito na umaangat pababa ang pumasok sa isip nya, mula roon umangat ang tingin nya sa jawline nito sa matangos na ilong at sa labi.
Binasa nya ang nanunuyong labi dahil sa naiisip, she felt hot inside of her, hotter than she felt earlier. Napatampal sya sa sariling mukha!
"Amy! Ano bang iniisip mo!?" Pangaral nya sa sarili at isinubsob ang mukha sa kama. God, kailangan nyang mag refresh.