Chapter#05

1322 Words
"Are you-" he's about to ask his wife if she's fine but she cut him off. Pagkatapos sabihing aalis na ay mabilis itong tumakbo papunta sa kwarto nito. Naguguluhan syang umiling, ano kayang problema ng asawa nya?. "Sir, Miss Brittany wants to talk to you" imporma ni Kiel na inaabot ang cellphone sa kanya. Sa cellphone ni Kiel ito tumatawag dahil hindi naman nito alam ang phone number nya. Walang gana nyang kinuha mula kay Kiel ang cellphone para sagutin si Brittany. "Yes?" "Zefrou, ano yung sinasabi ni Kiel na may asawa ka na at hindi ako?" Pasigaw na tanong nito kaya nailayo nya sa kanyang teynga ang cellphone. "Don't shout, Damn it!" mura nya sa inis. "That's true, so are you done talking?" Walang gana nyang sagot. "Hell no!, ako dapat ang asawa mo hindi ba? May marriage contract na tayo, pirma mo nalang ang kulang kaya bakit ngayon may iba ka nang asawa? Hindi.! Hindi ako papayag" mariin syang napapikit. "Wala akong pirma sa marriage contract natin pero sa marriage contract namin ng asawa ko meron. Sorry nalang kung naunahan ka nya. Wala naman akong pakialam kahit sinong maging asawa ko kaya, manahimik ka na!. Naiintindihan mo ba?" Hindi na sya naghintay ng sagot nito at pinutol na nya ang linya. "Block her number to your phone" utos nya kay Kiel na magalang syang tinanguan. Bumuga sya ng hangin at tinitigan ang kisame na para bang naroon lahat ng nagtatanggal sa pagod nya. Bakit ba gustong - gusto ng mga babae na mapangasawa sya?, hindi ba maintindihan ng mga ito na hindi sya husband material?. He can't even make his wife happy lalo na't hindi naman nyang gustong gawin ang bagay na yun. Kung hindi nya lang talaga kailangang mag-asawa hindi hindi sya pipirma sa marriage contract. He's tired and drained, masyadong abala sa opisina at maraming ginagawa. Napahawak sya sa batok nang manakit iyun, wala na syang gana kumain. "Kiel" tawag nya sa body guard. "Sir?" Mabilis na sagot nito. "Ikaw ang magbantay sa asawa ko, siguraduhin mong wala syang gagawing ano man na makakasira sa pangalan ko, naiintindihan mo?" Madiing bilin nya rito. Sa totoo lang wala syang pakialam sa mga gagawin ng asawa nya, ang mahalaga lang sa kanya ay wag itong gagawa ng mga bagay na makakasira sa pangalan nya. Nang sumang-ayon si Kiel ay lumakad na sya papuntang 2nd floor kung nasaan ang inuukupa nyang kwarto. Nasa 3rd floor talaga ang masters bedroom pero ang kwarto sa 2nd floor ang gingamit nya dahil mas malapit ito sa baba. Pagkarating sa kwarto nya ay dumiretso na sya ng higa sa kama, ramdam nya ang sakit sa likod at batok nya dahil sa maghapong pagbabasa ng mga reports at business proposals, dagdag pa ang bagong negosyong itinatatayo nya. Tumitig muna sya sa kisame bago ipikit ang mga mata. Inaasahan na nyang lalamunin agad sya ng antok pero hindi iyun nangyari nang ang mukha ng kanyang asawa ang bigla nyang naalala. Ang namumula at pinagpapawisang mukha nito kanina, ang halos hindi maisarang bibig nung ini-tour nya ito sa bahay, ang nakapikit nitong pag-ungol habang kumakain at ang mukha nitong halos malukot kapag naiinis. Hindi nya napigilang mapangiti habang inaalala ang mukha at ang mga ekspresyon ng asawa. She's cute, bulong ng isip nya. Iminulat nya ang kanyang mga mata nang may tanong na pumasok sa isip nya. "Do his wife deserve a husband like him?" Ang kaninang ngiti sa kanyang mga labi ay agad naglaho. Yeah, maybe she don't. . . . Kalalabas lang ni Weyn sa banyo, tanging towel lang ang tumatakip sa kanyang pambaba habang tinutuyo nya ang bubok gamit ang isa pang towel. Huminto sya sa pagtutuyo ng bahok nang makarinig ng mga yabag sa harap ng pinto nya. Nagpantay ang kilay nya, anong ginagawa ni Kiel ng alasais ng umaga?. Nagtataka ma'y binuksan nya ang pinto pero iba ang nakita nya. Isang babaeng halos gumapang na papunta sa tapat ng pinto nya at walang iba kundi ang asawa nya. "What are you doing down there?" Mas lumalim ang gatla sa noo nya nang dahan-dahan itong mag-angat ng tingin pagkatapos ay malakas itong sumigaw. "THE FVCK! DON'T SHOUT!" sigaw na rin nya para tumigil ito. Tinakpan nito ang bibig dahil sa ginawa nyang pagsigaw. Kumurap-kurap ito habang nakatingin sa kanya mula ulo papababa sa katawan nya pagkatapos ay impit itong sumigaw at tumalikod. "Napipi ka na ba at hindi ka makapagsalita!?" Nauubos na ang pasensya nya sa babaeng nasa harap. "Ehh p-pano ba naman kasi!" Pasigaw na katwiran nitong bitin. "What?" Madiing tanong nya. "Y-yang ano... ano- yung-" "Just tell me woman!" Sigaw na nya. Namula ang pisngi nito at hindi makatingin sa kanya. Ano bang problema ng babaeng ito?. "YUNG MATA KO MAKASALANAN NA!" Pikit matang sabi nito, mula sa mukha ng dalaga ay nalipat ang tingin nya sa sariling katawan. Napailing nalang sya, na hindi makapaniwala. "Bakit ka kasi-" "Eh kasi pinupulot ko lang naman yung barya!. Hindi ko naman alam na lalabas ka ng ganyan" paliwanag na nitong hindi na sya pinatapos sa pagtatanong nya. "Maingay ka kasi!. Bakit ka tumatakbo!?" Pikon narin sya sa mga nangyayari. "Eh kasi nga hinahabol ko yung barya!" "That fvcking coin! Magkano ba yan at kailangan mo pang tumakbo para habulin?!" Halos sigawan nya ito sa inis. Hindi sya tinitignan na inangat nito ang hawak na barya para ipakita sa kanya na mas lalo syang hindi makapaniwala nang makita ang limang pisong barya. For just a fvcking 5 peso coin? "Y-yan lang" hindi nya maiwasang mautal dahil hindi na nya alam kung ano ang mararamdaman. "Sorry!" Mabilis na sabi nito at mabilis ring tumakbo pababa ng hagdan. Hindi makapaniwalang natawa sya sa kawalan, ano yun? Ganun lang?. Umiling sya't muli na lang bumalik sa kwarto nya. Ilang minuto lang ang lumipas ay nakapagbihis na si Weyn, sinadya nya ring bilisan dahil hindi pa rin mawala sa isip nya ang scenario na nangyari sa pagitan nila ng asawa nya. Pagkatapos ng minadaling pagbihis ay dumiretso sya sa dinning. Naabutan nya ang asawang nakapatong ang paa sa isa pang bangko at akala mong lalaki kung umupo habang kumakain. Umiling ulit sya at hinayaan nalang ito. Umupo sya sa dating pwesto sa harap ng kanyang asawa. Habang naghihintay ng pagkain ay tinitigan nya ito na hindi nito napansin ang presensya nya. Nakatingin lang ito sa plato habang kinakagat-kagat ang kutsara. Mula sa plato nito ay napunta ang tingin nito sa kutsarang nasa bibig pagkatapos ay bigla nalang itong namula. Natataranta itong kumurap-kurap saka binatukan ang sariling may binibigkas ito na hindi nya maintindihan. Hindi nya napigilang matawa sa ginagawa ng asawa na naging dahilan rin para mapansin sya nito. Ang kaninang namumula nitong pisngi ay nadagdagan pa. Wala naman itong nginunguya pero naubo ito. "Ijo, ito na ang almusal mo" nakangiting imporma sa kanya ni Manang Tilda. "Oh, Ija!, anong nangyari sayo?" Nag-aalalang nagmadali ito sa paglapit sa asawa nya. Hinaplos nito ang likod ng dalaga at inabutan ito ng tubig. "Uminom ka, ano ba kasing iniisip mo't nasasamid ka?" Tanong nang matanda na dahilan para lalo itong mamula. "W-wala akong iniisip" dipensa nito saka binalingan sya ng mabilis na tingin. "Bakit hindi mo sabihin kung anong nakita mo na hindi maalis sa isip mo?" Pang-aasar nya pa rito na pinipigilang kumawala ang tawang kanina nya pa pinipigilan. Mas naubo pa ito kaya mas nag-alala ang matanda. "A-alis na ho ako, m-maaga pasok ko ngayon" paalam nito at mabilis na nawala sa paningin nila. Natatawa syang napadila sa ibabang labi habang ang matanda ay nagtatanong na tumingin sa kanya. "Kain tayo manang?" Alok nya rito na ikinanguso ng matanda. "Ikaw talaga, anong ginawa mo dun sa asawa mo?" Pang-aakusa nito na tinawanan lang nya. "Wala akong ginawa sa kanya, sya ang may ginawa" Nakangiting sabi nya habang inaalala ang namumula nitong mukha. How cute!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD