"Hahanapin ko ang asawa ko kaya wag mo akong guguluhin!" Huling sabi nya saka pinutol ang tawag ng kaibigan nyang si Mayumi. Wala syang pakialam kung sisantehin sya nito, ang mahala lang sa kanya ay ang mahanap si Weyn. Ikaapat na beses na nitong hindi umuwi ng gabi at hindi na sya mapakali sa paghihintay. Kanina lang ay galit ang nararamdaman nya ngayon naman ay nilukob ang dibdib nya ng lungkot at pangungulila, hinahanap-hanap nya ito. Namimiss na nya ang init ng katawan nito, ang ngiti nito, ang paghawak nito, pagyakap at paghalik nito namimiss na nya. Pati yung sunog nitong luto namimiss na nya. Pinunasan nya ang luha nang muli iyung kumawala sa mga mata nya, para syang baliw o sadyang nababaliw na nga talaga sya dahil sa asawa nya. Yung annulment paper na nakita nya ay hayun na nasa

