"Ay Dios ko!" Mabilis na naghiwalay ang mga labi nila ng asawa nang narinig ang gulat na sigaw ni Manang Tilda. Bakit ba kasi bigla nalang dumating si Manang?. Naghahanap ng masisisi si Weyn dahil sa inis at pagkabitin, hindi nya masolo ang asawa nya dahil may kasama sila sa bahay. "Manang, bakit kasi bigla kang dumating!?" hindi nya naiwasang maging walang galang ang tono kaya ang matanda ay sumama ang mukha pati ang asawa nyang kanina lang ay nag-iiwas ng tingin ay bumaling sa kanya. Pinapangaralan sya nito gamit ang uri ng pagtingin nito sa kanya kaya bagsak ang balikat na napayuko sya. "Aray! Manang" daing nya nang tumama sa kanya ang hawak nitong hunger dahil likas itong malakas pumalo. "Ikaw bata ka talaga, bakit kasi dito mo pa ginagawa yang dapat sa kwarto lang!?" pangaral n

