
Maagang gumising si Bia para magtungo sa paaralan, ito kasi ang kanyang unang araw, kahit september na ng taon. Napagpasyahan kasi ng kanyang mga magulang na ilipat siya ng paaralan , dahil full scholar ito hanggang sa maka tapos sa haighschool sa naturang paaralan.
'' Magandang araw sa lahat, gusto kung ipakilala sa inyo si,
Bia Corpuz, bago nyong kamag aral. '' pakilala ng prinsipal.
Ngumiti c Bia sa mga kaklase, ngumiti naman ang iba ,at ang iba ay walang paki alam sa kanya.
''Ah Bia doon ka muna sa upuan sa bandang likuran, dahil hindi pa naman pumasok ang naka upo dyan'' sambit naman ni Bb.Janneth
Tumangu naman si Bia sa guro, nagpatuloy ang klase hanggang sa matapos at sumapit ang hapon.
Kinabukasan, napa balikwas ng bangon si Bia, dahil tinanghali sya ng gising, minabuti nyang maligo na lang at umalis patungo sa paaralan , hindi na sya kumain pero nag baon naman ito.
pagdating niya sa harap ng room ay ganon parin umupo siya sa silya kung saan siya pina upo ni Bb. Janneth kahapon.
Maya-maya ay may lalaking estudyante na pumusok sa room nila at patungo ito sa kinaruruonan niya, at humintoa sa kanya tapat''
''Bakit? Mahinahon na tanong ni Bia
''Anong bakit upuan ko yan'' naka nguso at taas kilay na sagut ng kaharap ni Bia.
'' aah! ganon bah. sorry'' napa tayo na sabi ni Bia, at umusug ng kunti sa gilid ng upuan.
Hindi na umimik ang lalaking estudyante at umupo na ito sa upuan, snob lang ang nakuha ni Bia na sagot.
''Ang yabang akala mo kung gwapo! well gwapo nga. tumugil ka Bia suplado yan lukarit ka talaga.'' sabi ni Bia sa kanyang isipan.
''Miss, anong pang tinatayo mo dyan'' estriktong tanong ng lalaki .
'' huh? ano kasi ''
KRIIIINGGGGGGG!!!!!!!!
Hindi na natapos ang sasabihin ni Bia dahil nag bell na, hudyat na magsisimula na ang klase.
Sakto naman ng dumating na si Bb. Janneth.
'' Magandang umaga po Bb.Janneth'' bati ng mga estudyante nito.
''Magandang umaga , magsiupo ang lahat. Ok tayo ay mag kakaroon ng activity sa umagang ito. yes! Bia pwede ka nang umupo'' sambit ni Bb.Janneth.
Kaya naka tingin ang lahat ng kanyang kaklase sa kanya dahil naka tayo parin siya.
'' Wala napo kasing bakanteng upuan maam.'' nahihiyang sagot ni Bia.
'' Ay oo nga pala, anyway Marcus samahan mo si Bia kumuha ng upuan sa gym.'' paki waring utos ni Bb.Janneth.
'' Yes po Maam.'' naka ngiting sambit ni Marcus.
'' Marcus pala pangalan nitong suplado nato.''sabi ni Bia sa kanyang isipan.
''Hoy! arat na.'' tawag ni Marcus sa kanya.
Hindi na sumagot si Bia , binilisan na lang nya ang kanyang lakad palabas ng room. Naka sunod lang si Bia sa likuran ni Marcus.
'' Aray!'' hiyaw ni Bia sabay himas sa noo niya.
Nabunggo lang naman nya ang isang poste ng kanilang hallway.
Napalingon si Marcus sa kanyang likuran. Laking gulat nya nang hawak.hawak na ni Bia ang noo.
''anyari?'' alalang tanong ni Marcus sabay sapo sa kamay ni bia na nasa noo nito.
'' na nabunggo ko yong poste .'' naka ngiwi na sagot ni Bia.
''really? ano ba klaseng paglalakad ginagawa mo? tara na nga '' galit na sabi ni Marcus sabay hila sa kamay ni Bia patungo sa clinic ng paaralan.
Samantala, nabigla naman si Bia sa ginawa ni marcus.
'' okay kana?'' tanong ni marcus kay Bia ,habang naka dungaw sa pinto, inaantay matapos gamutin ng nurse ang noo nito.
Tumango naman si Bia . Sabay sabing '' Salamat po ''
Pagkatapos ay nag tungo na sila sa gym upang mak kuha na sila ng upuan.
'' Ako na .'' biglang sabi ni Marcus at kinuha ang upuan na dala ni Bia .
'' Salamat'' nahihiyang sambit ni Bia.
Hindi na nag salita ni Marcus, nang nasa bandang pintuan na silang room.
''wag kang mag alala ,may bayad to'' ngising sabi ni Marcus kay Bia . nang papasok na sila sa room
Napa nganga na lang si Bia sa narinig.
'' walang hiya to, nabudol pa ako sa kabaitan nya.''mahinang sambit ni Bia sa sarili.
Binaliwala muna ni bia ang sabi ni Marcus, at nag focus na lang sa klase.
Nang matapos na ang magkasunod na klase.
KRRIIIINNGGG.. KRRRINGGG.... KRIIINNNG..
''GOOD BYE CLASS!'' paalam ni Bb. Janneth
''Goodbye Bb. Janneth.'' sagot naman ng mga mag aaral.
Nagsimula nang magligpit ng mga gamit si Bia nang marinig nya ang pinag uusapan ng nasa harap ng kanyang upuan.
'' Marcus, lets eat together'' pa cute na yaya ni ivy kay Marcus''
'' Sabay kaming kakain ni Bia, may utang kasi sya na kailangan bayaran .''sagot naman ni Marus dito. Sabay tingin kay Bia,,napatingin naman si Ivy sa gawi ni Bia. na para bang naghahanap nang sagot.
'' huh? tika , bakit ako ? tanong ni Bia sabay tingin kay Marcus.
'' paano ba yan Marcus , parang di alam ni Bia na may utang sya sayo.'' sabat naman ng isa sa mga kaibigan ni Marcus na pilit nagpipigil na tawa.
'' talaga bang hindi mo alam? Hoy! ang bigat at layo ng pagkakabitbit ko sa upuan mo huh, sabay na tayong kumain. '' pikon na pagkasabi ni Marcus , sabay hila kay Bia.
Napa tulala naman si ivy at ang mga kaibigan nito nang lagpasan sila ni Marcus na hawak kamay si Bia.. walang nagawa si Ivy kundi ang mag dabug na parang pasan ang problema ng mundo.....

