PAGTUNGO SA MUNDO NG MGA TAO

1520 Words
Tinatamad akong bumangon lalo kapag naaalala ko na ngayon ang araw kung kailan ako magtutungo sa mundo ng mga mortal na tao upang hanapin si Althaia. Hindi ko pa din tukoy kung ano ang hitsura nito at sabi ng aking Ama ay kailangan ko lamang magbase sa kanyang kakayahan na pareho sa akin. Hindi ko pa rin matanggap sa sarili na magtutungo ako ngayon sa lugar na iyon. Gayunpaman ay hindi ko maaaring suwayin ang ipinag-uutos sa akin ng mahal na hari. Wala akong karapatan na hindi ito sundin lalo pa at nararamdaman kong tila may kung anong bagay ang gumugulo sa kanya na may kinalaman kay Althaia. Nag-inat ako ng aking mga braso upang magising na ng tuluyan ang aking katawan at isip. Medyo inaantok pa ako dahil halos madaling araw na din ako natulog gawa ng tinapos ko pa ang iba kong trabaho dito sa kaharian.May mga kapangyarihan kami pero may ilang bagay din kaming inaaskikaso para sa aming kaharian. Nang matapos mag-inat ay inayos ko na din ang aking higaan dahil tiyak kong matatagalan bago ako muling makabalik dito sa kaharian ng Elysian. Ang totoo ay nakakaramdam ako ng kaba dahil hindi ko alam kung ano ang naghihintay sa akin doon. Bahagya akong natatakot dahil hindi ko pa kailanman naranasan ang makihalubilo sa mga mortal na tao.  Oo nga at bibigyan naman ako ng proteksyon ng aking Ama ngunit iba pa din sa pakiramdam na may kasama ka habang isinasagawa ang misyon. Gayunpaman ay alam ko din na walang iba na maaaring sumama sa akin dahil baka maging dahilan pa iyon ng aking ikapapahamak. Nag-ayos na ako ng sarili upang makaalis na din at masimulan ang aking misyon na tinatawag ng mahal na hari. Naabutan ko pa s’ya na kumakain sa hapagkainan kaya sumabay na din ako. Tahimik lamang kami habang ninanamnam ang aming kinakain.  Naunang natapos sa pagkain ang aking Ama kaya nakangiti ako nitong pinagmasdan habang kumakain dahilan para mailang ako. "Bakit ganyan mo ako tignan Ama?" Nakakunot ang noo na tanong ko sa kanya. Hindi ako makakain ng ayos dahil sa ginagawa nitong pagtitig sa akin. Pakiramdam ko pa ay tila may nais s'yang sabihin sa akin kung saan ay nagdadalawang isip s'ya kung gagawin iyon o hindi. “Wala naman nais ko lang sabihin sa’yo na mag-iingat ka doon.” Ito lang naman pala ang gusto n’yang sabihin. Kinabahan pa ako sa pag-aakalang kung ano ang sasabihin nito. “Syempre naman kailangan kong mag-ingat dahil nais kong makabalik pa dito sa kaharian.” Pabirong sagot ko sa kanya dahilan para saglit na tumawa ang aking Ama. Natawa na din ako dahilan upang mapuno ng aming halakhak ang buong silid.  Matapos iyon ay nagpasya na kaming tumayo at lumabas ng silid na aming kinaroroonan. Pagkatapos kumain ay muli akong bumalik sa aking silid upang ayusin ang iba kong trabaho. Hindi talaga ako mapalagay na iwan ang mga yun ng hindi ko natatapos. Baka maging dahilan pa ang mga ito upang pilitin ang sarili na muling bumalik agad sa kaharian. Nang masigurong ayos na ang lahat ay muli akong nag-ayos ng aking sarili. Hindi ko alam kung bakit kailangan ko pa itong gawin samantalang takot naman ako makihalubilo sa mga mortal na tao. Hindi ko pa alam kung ano ang mga dapat kong gawin sa oras na tumuntong ang aking mga paa sa kanilang mundo. Nagmadali na ako sa aking ginagawa dahil kailangan ko pa ulit magtungo sa mahal na hari upang bigyan ako nito ng proteksyon at itago na din ang napakaganda kong pakpak. Hinawakan ko pa itong muli nang maisip na hindi ko makikita ng ilang araw ang aking napakagandang pakpak. Nang masigurong maayos na ang aking hitsura ay agad na akong lumabas ng silid. Tinignan ko pa ng matagala ang kabuuan nito bago ko tuluyang isinara ang pintuan. Hindi ko sigurado kung gaano ako katagal mawawala kaya mas mabuti ng manatili sa akin ala-ala kung ano ang hitsura ng aking silid. Nang makita ang mahal na hari sa kanyang trono ay tila sinasabi sa akin ng tingin nito kung bakit ngayon lang ako. Pinandilatan ko na lang s’ya ng mata bago tuluyang lumapit sa kanya upang iparamdam sa kanya na hindi ko nagugutuhan ang kanyang tingin sa akin ngayon. “May tinapos pa ako kaya ngayon lang nakalabas.” Wika ko sa kanya upang malaman nito kung bakit ako natagalan. Ngiitian lamang ako nito kaya gumanti na din ako ng ngiti sa kanya. “Gawin mo na ang dapat mong gawin sa akin.” Tutal ay hindi na makapaghintay ang hari na makaalis ako kaya tumalikod na ako sa kanya upang itago nito ang aking pakpak. Agad na nagliwanag ang aking likuran hudyat sa pagsimula nito sa kanyang ginagawa. Ito ang unang beses na itatago ang aking mga pakpak kaya hindi ko sigurado kung ano ang aking mararamdaman. Malamang ay maninibago ako nito at muling nanaisin na makita ang pakpak. Unti-unting nawala ang nakakasilaw na liwanag at pakiramdam ko ay tila gumaan ang aking likod ngayon. “Ayan mukhang mortal na tao ka na ngayon kaya hindi ka nila paghihinalaan bilang taga-Elysian.” Tinapik pa nito ang aking likod.  Nakakapanibago dahil sobrang gaan ng likod ko ngayon at napakadali na din ng ginagawa kong pagkilos. “Napakagaan pala sa pakiramdam kapag wala ang malaking pakpak sa likod.” Nasisiyahan kong wika sa kanya dahilan para muling mapangiti ang aking Ama. Kung malaki ang aking pakpak ay doble naman ang sa aking Ama. Mabuti na lamang at hindi s'ya nahihirapan sa mga yun.  “Halika at bibigyan na din kita ng proteksyon.” Ipinatong naman nito ngayon sa aking ulo ang kanyang dalawang kamay at muling lumiwanag ang mga iyon. May kung anong kataga na binabanggit ang aking Ama kung saan ay hindi ko maintindihan. Marahil ay mahika ito upang mabigyan n’ya ako ng proteksyon habang nasa mundo ng mga mortal na tao. Katulad kanina ay unti-unting nawala ang liwanag sa kanyang mga palad at ibinaba na din nito ang kanyang mga kamay mula sa aking ulo. Muli n’ya akong hinawakan sa magkabila kong balikat at mataman na tinignan. Sinalubong ko ang kanyang tingin dahil mukhang may mahalagang bagay s'yang sasabihin sa akin. “Kung sakaling mapahamak ka sa mundo ng mga mortal na tao ay huwag kang mag-alala dahil kusang lalabas ang iyong pakpak upang tulungan ka na makaalis sa lugar. Lagi mong tandaan na pinagmamasdan ko ang iyong kilos upang masiguro ang iyong kaligtasan.” Mataman nitong bilin sa akin. Napayakap ako sa kanya dahil sa narinig. Hindi naman pala ako nito pababayaan habang wala ako sa kanyang tabi. "Maraming salamat Ama, huwag kang mag-aalala at pagbubutihin ko ang misyon na ito at sisiguraduhin kong mahahanap si Althaia upang makilala natin." Kumalas na din ako sa pagkakayakap sa kanya. Nginitian ulit ako nito at tumango bilang sagot sa aking sinabi. "May kailangan ka pa ba bago ka tuluyang umalis?" Nagsisiguradong tanong nito sa akin. Bahagya akong nag-isip at inalala sa sarili kung may iba pa akong kailangan.  "Sa tingin ko ay maayos na ang aking kalagayan at handa na din akong umalis upang magtungo kay Althaia." Hinawakan ko pa ang kamay ng aking Ama dahil hindi ko tiyak kung kailan ko ulit mahahawakan ang kamay nito.  'Mabuti kung ganun, dalangin ko ang iyong kaligtasan doon." Pinisil pa nito ang aking kamay at tumango na lamang ako sa kanyang sinabi. Nagpaalam na ako sa kanya upang makaalis. Bahagya akong napanatag ngayon dahil sa isiping babantayan ako nito sa aking misyon. Kaya naman pala hindi s’ya nag-abala na magkaroon ako ng kasama sa gagawing misyon ay dahil hindi na ito kailangan. Hinatid pa ako nito hanggang makarating kami sa may b****a ng kaharian. Pinagmasdan ko ng matagal ang kabuuan ng Elysian upang alalahanin iyon sa aking pag-alis. Ito ang unang beses na aalis ako sa aming kaharian kaya hindi ako sanay sa mga dapat kong gawin.  "Mag-iingat ka Avarice." Muling tinapik ng aking Ama ang aking balikat. Nginitian ko s'ya at muling hinagkan bago ako tuluyang umalis. Kumaway pa ako sa mahal na hari dahil nagpaiwan na ito sa mismong tarangkahan ng palasyo.  Gumamit na ako ng aking mahika upang madaling makarating sa aking patutunguhan. Ipinikit ko ang aking mga mata dahil kinakabahan na naman ako ngayon. Sana ay walang masamang mangyari sa akin at agad kong makilala si Althaia. Hiling ko din na sana ay hindi ako mapahamak sa panahon ng aking pananatili doon at ligtas na makakabalik sa Elysian. “Tapyel okao ragul!” Isa itong kataga na aking ginagamit upang mabilis akong makapunta sa isang lugar na nais kong puntahan. Agad akong binalot ng liwanag at naramdaman ko na tila may kung anong humihila sa aking katawan palayo sa kaharian ng Elysian. Wala na itong atrasan ngayon at desidido na ako sa misyon na kailangan kong gawin para sa aking Ama.  “Hanggang sa muli nating pagkikita mahal kong Ama.” Huling wika ko sa sarili bago ako tuluyang nilamon ng kung anong bagay na magdadala sa akin patungo  sa mundo ng mga mortal na tao. 
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD