ORAS NATIN DALAWA

2075 Words
“Althaia anong ginagawa mo?” Maging ako ay napangiwi nang makita ang hitsura ni Deimos dahil sa pagkakakunot ng mukha nito. Hindi ko naman akalain na pupunta s’ya ngayon dito sa training ground kung saan ako naroon. Desperada na ako sa kagustuhan na makontrol ng ayos ang aking kapangyarihan kaya naman kahit wala kaming pagsasanay ngayon ay minabuti ko pa din ang manatili sa training ground. Ilang araw na mula nung sinabi kong magagawa ko na ito ng tama pero hanggang ngayon ay wala pa din nangyayari sa akin at hindi ko pa din matukoy kung paano gagamitin ng ayos ang kakayahan. Kasalukuyan akong nakasalampak sa damuhan ngayon at para akong nananalangin. Nakapikit pa ang aking mga mata nang madatnan ako ni Deimos kaya ganun na lang ang pagtataka nito sa akin kanina. Akala siguro nito ay natutulog na ako sa aking kinauupuan. Kung alam lang sana nito kung ano ang pinagdadaanan ko ngayon. Ang totoo ay nananalangin nga ako dahil hindi ko na talaga alam kung ano ang dapat kong gawin. Nagdadasal ako sa pag-asang may makarinig sa akin at tulungan ako sa aking problema. Ilang beses na din akong sinubukan tulungan ng magkaibigan maging ni Vera pero nanatili kaming bigo. Tila kahit anong paraan an gaming gawin ay hindi talaga umuubra kung paano ko magagamit ang aking kapangyarihan. Hanggang sa pagpapalabas lamang nito ang aking kaya. “Huwag kang maingay dahil nagdadasal ako.” Sumenyas pa ako kay Deimos na itikom nito ang kanyang bibig upang hindi n’ya masagabal ang aking ginagawa. Nagmumukha na naman akong katawa-tawa sa paningin ni Deimos pero wala akong pakialam dahil nga desperada na ako sa gusto kong mangyari. “Sigurado ka ba na nakakatulong yan sayo?” Hindi pa din nawawala sa mukha nito ang pagtataka sa aking ginagawa. Hindi ko din alam kung may kasiguraduhan ang aking ginagawa ngayon. Ang sigurado ko ay kailangan kong gawin ang lahat ng aking makakaya baka sakaling magkaroon ng magandang resulta. “Wala naman masama kung susubukan ko diba.” Sagot ko sa kanya pero dahil ang ingay nito kaya tuluyan na akong nawalan ng gana at tumayo na mula sa aking pagkakasalampak sa damuhan. “Oh bakit tumayo ka na?” Nilapitan na ako nito habang pinapagpag ko ang mga d**o na kumapit sa aking salawal. Itinigil ko ang ginagawa at tinignan s’ya ng masama. “Ang ingay mo eh.” Nakataas ang kilay na sagot ko sa kanya. Tila nagulat ito sa nagging sagot ko sa kanya dahilan para manahimik ito at hindi halos nakagalaw sa kanyang kinatatayuan. Muntik na akong matawa sa kanyang hitsura dahil nanlumo ito sa ginawa kong pagtataray. Bahagya akong naawa sa lalaki dahil wala naman itong kasalanan sa akin pero heto at pinagtatarayan ko. Ang totoo ay ngayon ko lamang ito nagawa sa kanya kaya talagang nabigla ito sa aking inasal. “Halika na nga.” Binalikan ko pa si Deimos upang isukbit sa kanyang braso ang aking kamay at hilahin ang lalaki palabas ng training ground. Siguro mas mabuti kung magpahinga muna ako sa pagsasanay at huwag pilitin ang sarili na magamit ng tama ang kapangyarihan. Hahahayaan ko na lamang siguro na kusa s’yang magpagamit sa akin ng ayos kaysa naman sumakit ang aking ulo sa sobrang pag-iisip nang maaari kong gawin. “Akala ko ay galit ka sa akin.” Bahagya itong nakasimangot sa akin dahil hindi nito magawang tanggapin sa sarili na pinagtarayan ko s’ya. Madalas kasi ay si Marko lamang ang aking natatarayan. Naramdaman tuloy nito ngayon kung ano ang madalas na maramdaman ni Marko kapag pinagtatarayan ko. “Pasensya ka na Deimos. Pangako ko sayo na hindi ko na ito uulitin.” Nagpa-cute pa ako sa kanya upang hindi na ito magmukhang kawawa at maging ayos na ulit kami. Sa tingin ko ay umepekto naman ang aking ginawa dahil hindi na malungkot ang hitsura nito ngayon. Hindi din s’ya nakatiis kaya tinanggal na nito ang aking kamay na nakahawak sa kanyang braso upang ipagsalikop ang aming mga kamay. “Huwag mo ng uulitin huh kinabahan ako akala ko galit ka talaga sa akin.” Nakangiting wika nito s akin. Tumango na lamang ako bilang sagot sa kanyang sinabi at ipinagpatuloy na namin ang aming paglalakad. Hapon na kaya mas masarap namnamin ang sariwang hangin sa labas ng opisina. Napagpasyahan namin ni Deimos na maglakad-lakad muna sa sentro ng kaharian upang maglibang dahil na din sa ilang araw na pagkakulong namin sa opisina gawa ng aming mga trabaho. Kung tutuusin ay ito pa lamang ang kauna-unahang pagkakataon upang gawin naming itong dalawa simula nang maging kami. Susulitin namin ang mahalagang araw na ito upang hindi namin makalimutan sa pagdaan ng mga panahon.Sisiguraduhin ko na madami kaming gagawin na magagandang bagay ngayon. Sa isipin pa lang na masosolo ko si Deimos ngayon ay nagpakilig na iyon sa akin lalo pa at maghakawak kamay kaming naglalakad ngayon. Dapat pala ay humingi ako ng ilang tip mula kay Marko dahil sa aking pagkakaalam ay bihasa daw ang kaibigan ni Deimos pagdating sa ganitong bagay. Ilang beses na akong nakapunta sa sentro bakit tila napakaganda nito sa akin ngayon. Nakakapagtaka din na hindi ako nabibingi sa ingay ng mga mamimili ngayon. Balewala din sa akin ngayon ang ingay ng mga batang naglalaro sa ilang palaruan dito sa sentro ng laharian. Ang umaagaw lamang sa atensyon ko ngayon ay ang mga babae na nadadaanan naming ni Deimos. Hindi siguro nila matanggap na ako ang kasintahan ni Deimos kaya ganun na lamang ang tingin nila sa akin. Likas na matigas ang aking mukha kaya naman lalo kong ipinangalandakan sa kanila na ako ang kasintahan ni Deimos at wala na silang magagawa. Hindi din nila magagawang agawin sa akin ang lalaki dahil mahal na mahal ako nito. Bahagya pa na nagtaka si Deimos sa aking inaasal pero nang mapansin nito ang tingin sa amin ng ilang babae na aming nadadaanan ay tila alam na nito kung ano ang aking ginagawa.   Napatingin ako kay Deimos at masaya ako nitong nginitian. Bahagya pa nitong ginulo ang aking buhok at inakbayan na din ako. Tila sinasabi pa ng mga mata nito na malaya akong tignan at puntahan kung ano ang gusto ko. Madami kasing magagandang bagay ang makikita dito na tiyak magugustuhan ko bilang babae. Masaya akong bumitaw sa pagkakahawak ni Deimos at agad na nagtungo sa isang tindahan kung saan madaming magagandang bagay ang naroon na para sa mga magkasintahan na gaya namin. Umagaw ng pansin sa aking paningin ang napakagandang pigurin ng anghel. Kulay ginto ang kulay ng pakpak nito na gaya sa liwanag ng aking kapangyarihan. Malaki ang pakpak nito na bumagay sa napakahabang itim na buhok. May mga gintong beads din ang damit nito at napakaganda talagang tignan. Pakiramdam ko ay hindi ako makakatulog kapag hindi ko iyon nabili.   “Gusto mo ba yan?” Nakangiting tanong sa akin ni Deimos. Masaya akong tumango at hindi inaalis ang tingin sa pigurin na anghel. Pakiramdam ko ay may kung anong mahika ang tila bumubulong sa akin na bilhin ang bagay na iyon. Wala naman akong maisip na ibang dahilan kundi dahil sobra akong nagagandahan sa pigurin. “Oo gustung-gusto ko.” Parang bata na sobrang saya sa nakitang laruan ang kahalintulad ng nararamdaman ko ngayon. Hindi na nagdalawang isip pa si Deimos at agad n’ya binili itong binili upang ibigay sa akin. Binalot na agad iyon ng tinder at masayang inabot sa akin. Paalis na sana kami ng mapansin ko si Deimos na tila hindi din nito maialis ang kanyang tingin sa isang pigurin na katabi nung kinuha ko kanina. Kahalintulad ito ng aking pigurin ngunit kulay itim lamang ang pakpak nito. “Kunin mo na din yan para pareho tayo.” Nakikita ko sa kanyang mga mata na gusto n’ya ang bagay na iyon pero nagdadalawang isip s’ya kung kukunin o hindi, kaya naman ako na mismo ang kumuha at nagbayad upang iabot sa kanya ang supot na naglalaman ng pigurin na gusto nito. “S-salamat.” Nahihiya pa na wika nito sa akin. Nginitian ko na lamang s’ya at  hindi na nagsalita. Muli ko na lamang hinawakan ang kanyang kamay upang magpatuloy na kami sa paglalakad. Sobrang saya ng araw na ito. Halos lahat ng tindahan na nagbebenta ng magagandang bagay ay tinigilan naming upang tignan. May ilan kaming nabibilhan at may ilan din na hanggang tingin lamang. Hindi na naming halos napansin ang oras dahil sa masayang paglalakad namin. Hanggang sa marinig ko na lang ang tila pag-ungol ng aking sikmura hudyat na gutom na akO. Nakaramdam na din ako ng bahagyang pagod kaya tumigil muna kami saglit sa paglalakad. "Gutom ka na ba?" Tanong ni Deimos sa akin ng mapansin ang paghawak ko sa aking sikmura. "Hmm medyo." Nararamdaman kong tila nagwawala na ang aking mga alaga sa tiyan. Kumain naman ako kanina pero dahil kanina pa kami naglalakad kaya nagugutom na naman ako. "Halika maghanap na tayo ng pwede nating kainan." Siguro ay gutom na din si Deimos kaya naging mas mabilis ang lakad na ginagawa namin ngayon. Kahit sino naman ay gugutumin kapag ganitong puro lakad ang aming ginagawa. Matagal din bago namin natagpuan kung saan namin nais kumain. Simple lang ang lugar na gusto namin kainan at sakto ang isang maliit na resto sa aming harapan ngayon. Ang maganda dito ay wala masyadong kumakain dahil nasa pinakadulong bahagi na ito ng sentro. Sa tingin ko din ay tahimik ang resting ito dahil nga malayo na kami sa mismong sentro ng pamilihan. Umorder na si Deimos ng aming makakain upang matapos din kami agad at muling maipagpatuloy ang aming ginagawa bago bumalik sa opisina. Sobrang saya ko ngayon dahil maghapon kaming magkasama. Madalas nga kami magkasama sa opisina pero hindi ko mamam maramdaman ang aming relasyon dahil sa mga trabaho namin. Tila hindi na naman napapagod ang aking panga sa aking pagngiti sa lalaking kasama. "Ang lalim yata ng iniisip mo ngayon?" Nag-aalalang tanong sa akin nki Deimos dahilan para umiling ako sa kanyang tanong. "Hindi naman dahil sobrang saya ko nga ngayon kaya hindi ko mapigilan ang aking sarili na hindi mag-isip." Nakangiting sagot ko sa kanya. Itinigil ni Deimos ang ginagawang pagkain upang titigan ako. Ganun din ang aking ginawa at hindi ako magsasawang titigan ang napakagwapo nitong mukha. Hinawakan pa nito ang aking kamay at bahagya akong nagulat nang halikan n’ya ito. Ito din ang isa sa nagustuhan k okay Deimos dahil madalas ako nitong pakiligin sa simpleng ginagawa n’ya para sa akin. "Ako din sobrang saya ko ngayon." Abot hanggang tainga ang kanyang ngiti at masayang pinisil ang aking kamay. Sumandal pa ako sa kanya at tila pinakinggan ang t***k ng kanyang puso. Hindi ko alam pero tila naririnig ko ang aking pangalan mula doon. Napapaghalataan na sobrang mahal ko SI Deimos dahil sa kung anu-anong naiisip ko. "Dapat siguro ay madalas natin itong gawin kapag may bakanteng oras tayo." Suhestiyon ko sa kanya dahilan para lalong maningkit ang mata nito sa sobrang tuwa. Pinanggigilan pa nito ang aking pisngi dahilan para pisilin iyon. "Oo naman dahil hindi ko makakalimutan ang masayang araw na ito." Muli nitong hinalikan ang aking kamay dahilan para bahagya akong matawa dahil sa kanyang ginagawa. Ilang beses na yata n’ya itong ginawa ngayong araw. Siguradong hindi ko makakalimutan ang napakaimportanteng araw na ito. "Kumain na ulit tayo." Anyaya ko sa kanya kaya binitawan na nito ang aking kamay at nagpatuloy na ulit kami sa aming pagkain. Muli akong napangiti nang makita ang napakaaliwalas na mukha ng lalaki. Siguradong hindi ko alam ang aking gagawin kapag nawalay sa akin si Deimos dahil sobrang mahal ko na s’ya ngayon. Handa akong gawin ang lahat para sa aming ikaliligaya. "I love you Deimos." Mahinang bulong ko pero natigilan ito sa ginawang pagsubo at tila narinig ang aking sinabi. “I love you too Althaia.” Sagot nito sa akin at sa aking pagkabila ay sa labi na n’ya ako hinalikan ngayon dahilan upang matigilan ako. Ito ang unang beses na hinalikan n’ya ako sa aking labi kaya hindi ko alam kung ano ang dapat kong gawin. Bago din para sa akin ang ganitong pakiramdam kaya labis akong nawindang. “Deimos!” Sa ngayon ay sa isip ko na binanggit ang kanyang pangalan dahil baka marinig na naman nito ang aking ibinibulong.  
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD