Chapter 49 Raine BUHAT–BUHAT niya ako na parang wala lang, kahit na pilit akong nagpupumiglas at pinagsusuntok ko siya sa likod. Hindi siya natinag ni isang segundo; mas lalo pang humigpit ang hawak niya sa akin. At tuwing sinusubukan kong manlaban, pinapalo niya ako sa pwetan na para bang isa akong bata. Hindi lang ito ang unang beses na ginagawa niya sa akin. "Bitawan mo ako, Damon! Hindi ako bata!" galit kong sigaw, pero ni hindi man lang siya sumagot. Patuloy lang ang mabigat niyang mga hakbang papunta sa elevator, at halos masira ang button nang madiin niyang pinindot ito rito. Pinagtitinginan kami ng mga tao, may mga nagkikislapang flash sa paligid. Nakasunod ang mga bodyguard niya na hindi maawat ang asal ng kanilang amo. Bumukas ang pinto at pagpasok namin sa loob, marahas niya

