Chapter 48 Raine HABANG patuloy ang fashion show, unti–unti kong nararamdaman ang tensyon sa paligid. Ang unang sampung lalaki ay naglakad na sa runway, at si kieran ang nanguna. Suot niya ang isang beachwear na bagay na bagay sa kanya; kitang–kita ang kanyang confident, ang kakisigan niya, at hindi maikakaila ang malakas na sigawan at palakpakan mula sa mga tao. Parang si Kieran ang crowd favorite. Habang pinapanood ko silang lahat, hindi ko mapigilan ang kaba sa dibdib ko. Pakiramdam ko ay bumibilis ang pintig ng puso ko, lalo pa't papalapit na ang oras ko. Pero bago pa ako makapag–focus sa sarili ko, lumapit sa akin si Mariz, nakangiti pero halata ang panunuya sa mata niya. "Really, girl?" sabi ni Mariz, habang tila hindi mapigilang kumutya. "You actually think you'll make it out th

