Chapter 47 Raine HABANG dumaan si Damon sa harap, dinaanan ako na parang hangin, parang walang nakikita. Hindi ko maiwasang masaktan sa ginawa niya, pero pinilit kong itago ang selos at bigat sa dibdib. Ikinawit ko ang braso ko kay Kieran, at nagpakawala ng isang matamis na ngiti, pilit na ipinapakitang hindi ako apektado. Muli akong sumulyap kay Damon at napansin kong bahagyang naningkit ang mga mata niya. Pero agad rin niyang binawi ang tingin at hinapit ng mas mahigpit si Mariz sa bewang nito, na lalo pang nagpainit ng ulo ko. May isang reporter na tumawag kay Kieran para sa picture, kaya hinila niya ako sa gitna ng red carpet, at sabay kaming ngumiti sa camera. Pagkatapos ng ilang shot, bigla kaming sinamahan nina Damon at Mariz para isang group photo. Sa ayos namin, magkatabi k

