Chapter 46 Raine SA gilid ng aking mga mata nahagip ko ang isang pigura na nakatayo sa labas ng pinto. Si Ceasar. Nakatitig siya sa akin, hindi ko alam kung bakit, pero may kakaiba sa paraan ng tingin niya. Para bang sinusuri niya ako mula ulo hanggang paa, at hindi ko mapigilan ang kaba na sumibol sa dibdib ko. Agad akong nakaramdam ng discomfort, at kinuyom ko ang bikini robe na suot ko, gusto kong itago ang aking sarili mula sa kanyang mga matang pananuri. "Hi, darling," narinig kong sabi ni Carissa, na may ngiting bumungad sa kanyang mga labi, "What do you think? Bagay kay Raine, diba?" Saglit na tumigil si Ceasar sa pagkakatitig sa akin at parang napigilan ang kanyang mga iniisip. Bahagyang bumalik ang normal na anyo ng kanyang mukha. "Yes," sagot niya, tumango ng bahagya, at sum

