Chapter 54 Raine HABANG inaayusan ako ng make–up artist, hindi ko maiwasang kabahan. Mula sa aking buhok hanggang sa mukha, banayad at maingat ang bawat kilos na ginagawa nila. Tila hindi sila nagmamadali at may buong ingat, ang bawat brush sa pisngi ko, bawat ayos sa kilay, lahat ay may alalay. Parang ang haba ng oras habang nakaupo ako. Nang matapos sila, nagbukas ako ng mata at humarap sa salamin. Halos hindi ko makilala ang sarili ko. Sa simpleng make–up at maayos na pag–aayos ng buhok, parang ibang tao ang nakatingin sa akin. Ang buhok ko, inayos nila sa isang simple ngunit eleganteng paraan—maluwag na nakatirintas pababa, may ilang hibla ng buhok na pabagsak sa gilid ng mukha, na nagbibigay ng natural at mas malambot na awra. Suot ko ang puting dress na talagang tamang–tama, hind

