Chapter 53 Raine PAGKAPASOK namin ni Damon sa loob ng bahay, agad niyang kinuha ang cellphone mula sa kanyang bulsa at nag–dial. Tahimik lang akong nakikinig habang siya ay nakikipag–usap sa kabilang linya, ang bawat salitang binibitawan niya may pagkamando at urgency. "Listen, I need the suit here by 3pm," mariin niyang sabi, walang bahid ng pasensya. Ilang saglit siyang nakikinig, at nakita kong kumuyom ang kamao niya, halatang hindi nagugustuhan ang sinasabi ng kausap sa kabila. "What? 4pm? No, that's not going to work. I want it here by 3. Today," dagdag pa niya, mas lalong tumitindi ang tono. Nagpatuloy ang pag-uusap at tila may argumento sa kabilang linya, ngunit hindi nagpadaig si Damon. "Look, I don't care if it's inconvenient. I need it done now. Call the Mayor if you have to

