DEDAY'S POV Masaya kaming kumakain sa canteen ni Joseph nang lumapit sa amin si Stephen. "Hi Desra, it's good to see you here," sabi niya sa akin habang nakangiti. "Hi, Kuya Stephen, bati ko sa kanya. "Woah kuya! Bro may kapatid kana pala na babae ngayon," sabi ng kaibigan nito. Kaya napangiwi ako at kita ko na siniko ni kuya Stephen ang kaibigan niya. "Who's this guy Des?" tanong niya sa akin. "Si Joseph po, classmate ko," pakilala ko dito. Pero deadma lang sila sa isa't isa ang attitude pareho. Hinayaan ko na lang sila, baka ayaw nilang magpakilala. Napaintag ako ng tawagin ako ni manong. Wala akong nagawa kundi sumunod. Alam ko na galit ito ngayon pero mas galit ako. Unang araw ko sa klase pinalabas niya ako. "Mauna na ko sa inyo," paalam ko sa dalawa. "Pero hindi kapa tapo

