KALLIX POV It's lunch time kaya pumunta ako sa canteen para kumuha ng food ko. Simula noon ay gustong-gusto ko ang mga pagkain doon. Mahaba ang pila kaya naghintay muna ako. Nilibot ko ang tingin sa loob ng canteen. "Sh*t" hindi ko maiwasang hindi magmura ng makita ko si manang na nilapitan ng pinsan ni Luke. "Sir mauna na po kayo," saad sa akin ng isang student. Akala siguro niya ay minura ko siya. "No thanks, I'm fine," sabi ko sa kanya. Huminga ako ng malalim bago umalis na doon dahil kung hindi ko gagawin ay mapapaaway pa ako. Buong araw akong badtrip dahil sa nanyari. Hindi na nga ako kumain ng lunch ko. Humanda talaga siya pag-uwi mamaya. Oras na ng uwian ang office ko ay malapit sa court kaya paglabas ko ay naririnig ko ang ingay ng mga estudyante. Wala sa sarili na tumigil

