Episode 7: Nelrose

1607 Words
Naalimpungatan ako nang may tumapik sa pisngi ko. Napabalikwas ako ng bangon bigla. Si Zyair ang nakaupo sa gilid ng kama ko. Nang makita ko ang hitsura ng halimaw na 'yon kagabi, mabilis na akong nagigising dahil sa sobrang takot. "It's lunch time, kakain na tayo." Agad lumabas ng pinto ang lalaki. Nasundan ko siya ng tingin. Napalunok ako kung gaano kapresko sa paningin ko ang lalaki. Bakat ang muscle nito sa kamisetang puti nito. Sumungaw ang ulo nito bigla sa pinto. Biglang nandilat ang mata nito sa'kin. Mabilisan ang ginawa kong pagligo bago lumbas ng kwarto. Nadatnan ko si Zyair sa hapag na naghahanda na ng pananghalian. "Pagkatapos nating kumain, nasa sa'yo kung sasama ka sa'kin para mangaso o mag-stay ka rito pero tumulong ka kay tatay. Sira ang pintuan sa likod, inaayos na niya." Nakahinga ako nang maluwag nang puro gulay ang ulam ang nakita ko sa mesa. Inihaw na okra, tortang talong...kamatis... Sinusumpa ko na talaga ang karne. Wala akong tiwala sa mga hayop na pagala-gala sa paligid. "Iyan lang ba ang ulam?" dismayado ako sa nakikita ko. "May mga de-lata sa baba. Kukunin ko--" "Hey," malakas na sigaw ni Zyair. "Kung ano ang nasa hapag, 'yon ang pagtiyagaan mo! Hindi na mapakinabangan ang mga karne at de-lata dahil marurumi na. Yupi-yupi na ang mga de-lata rito sa taas. Nasira ng mga halimaw kagabi. Ang sa underground, may tamang oras kung kailan gagamitin 'yon, Nelrose." Natigilan ako. Binalingan ko siya bigla, abala pa rin ang lalaki sa pag-aayos ng lamesa. Pawisan ito kaya napanganga na lang ako sa pagkakatitig sa kanya. Ang pawis nito sa noo na dumaloy sa pisngi papunta sa gilid ng labi nito... Parang gusto kong punasan ang pawis niya at 'yon nga ang nangyari . Natagpuan ko lamang ang sarili kong pinupunasan na ang pawis niya sa mukha. Pansamantalang tumigil si Zyair sa ginagawa. Napatitig siya sa'kin kaya grabe ang kaba ko talaga. Agad akong napalunok. Inilapit niya ang gwapong mukha...papalapit nang papalapit sa namumutla kong mukha. Agad akong naasiwa. "Huwag mo'kong bine-baby, ha! Nakakaistorbo ka. Tawagin mo si Tatay sa labas para makakain na tayo, Nelrose." Marahas na inagaw nito ang maliit na basahan sa kamay ng dalaga. "Basahan pa talaga ang ginamit mo, ang daming alikabok nito." Sabay tapon nito sa gilid. Wow! Ako na nga ang concern, siya pa ang may ganang magalit? Isang sulyap pa ang ginawa ko pero pinandilatan niya lamang ako. Lulugo-lugo akong lumabas. Napangiti ako nang tuluyan kong makita ang matandang lalaki na halos patapos na sa pagre-repair ng nasirang pinto. Ngayon ko lamang napagmasdan ang bahay na ito. Parang mansiyon ito na may tore sa taas pero mansiyong maliit lang ito dahil 'di naman kagandahan ang loob. Mga lumang kagamitan lamang ang makikita sa loob ng bahay. "Siguradong matibay na ito." Isang bakal na pinto na ang binukas-sara ng matanda. "Makapal na ito kumpara sa una. Hindi tayo aatakihin ng mga iyon kung hindi nila naamoy ang dugo at ang ingay natin, naririnig din nila." "Pero--pinahiran po ako ni Z-Zyair ng t-tansay--" "Natatandaan mo pa ba ang sinabi ko, na anim na oras lamang ang tinatagal ng tansay sa'yo kumpara sa amin? Mabilis ka nilang maamoy pero maagap lang si Zyair kaya nakaligtas tayo kagabi." So, kasalanan ko pa pala? Gusto kong umiyak pero pinigil ko ang sarili ko. "Tanghalian na po, sabay-sabay na raw tayo." Muli kong pinagmasdan ang paligid. Mga halamang matataas ang nagtatago sa bahay ng mga ito. Ang creepy ng lugar pero kung lalayas ako rito, siguradong magiging hapunan ako ng mga impaktong iyon. Ang paligid, napakrus ako ng kamay. Matataas na puno ang nakikita ko sa palibot ng tinutuluyan namin kaya mas lalong nakadagdag ito ng 'di magandang impression sa'kin. Matapos ang tanghalian, naghanda na rin si Zyair pero isasama ako ng lalaki. Katakot-takot na pilitan ang nangyari bago ako napa-oo ng kumag. Sa masukal na gubat kami napadpad para maghanap ng halaman ng tansay pero ayon sa lalaki, malapit ito sa lagusan ng isang dimensiyon kung saan lumalabas ang mga nilalang kapag lumalatag na ang dilim. Nangangalahati na ako sa binabasa ko kagabi pero dahil nga antok ako, kaunti lang ang pumasok sa kukote ko. Babasahin ko ang libro mamaya para maintindihan ko ito lalo. Panay linga ko sa paligid. Matataas na puno ang nandito pero ang mga nakita kong kakaibang uri ng nakakatakot na puno, wala na ang mga ito. "Nelrose," malakas na sigaw ni Zyair habang pasan ang mga halamang may mabahong amoy. "Bantayan mo 'to, may hahabulin lamang ako--" "Ano? Hoy--" Pero ang lalaki, mabilis na itong nakatakbo palayo kaya naiwan ako. Nakaramdam ako ng takot pero sa gabi lang naman lumalabas ang mga halimaw. "Z-Zyair?" may nginig ang boses ko nang tawagin ko ang lalaki pero wala. Hindi ito sumasagot sa tawag ko. Ang w*langh*ya! Iniwan talaga ako rito. Hindi ko pa naman alam ang daan papunta sa bahay ng mga ito. "N-nasa'n ka na Z-Zyair?" Tuluyan nang nalaglag ang luha ko nang inabot ako ng isang oras sa paghihintay ko, 'di pa rin sumusulpot ang lalaki. Isang malakas na kalabog sa likod ko ang nagpatalon sa'kin. Isang baboy ramo ang lumipad sa gawi ko at ang--hubad barong lalaki, si Zyair. Pawis na pawis nitong pinunasan ang pawis sa noo ng hinubad na damit. "We need to go. Marami pa kaming gagawin," saglit na tumingin sa dalaga si Zyair. "And you, marami ka pang kailangan alamin!" Mabilis nang pinasan ng lalaki ang baboy at agad tumalikod. "Hoy--" natingnan niya ang halamang halos kasinlaki na niya nang pagsama-samahin ito ng lalaki kanina. "Bring that t-tansay, Nelrose. Faster! Maghahapon na, 'wag kang kukupad-kupad. Hindi kabigatan 'yan dahil mga dahon lang 'yan." Hindi raw kabigatan pero naubos ang energy ko nang makarating kami ng bahay. Sumakit ang balikat ko. Ang braso ko, nangangalay na sobra pero mas kailangan ko ito dahil hindi tumatagal ang bisa nito sa'kin. Kailangan ko ng maraming supply. Ano na bang nangyayari sa mundo? W*langh*yang Abellius na 'yon! Sana hindi ko na nakilala ang impaktong 'yon, disin sana'y hindi ako naghihirap nang ganito. Kahit gaano pa kasarap ang luto ng Zyair na ito, hinding-hindi ako kakain ng karne. Naalala ko ang pangil sa bunganga ng baboy ramo habang buhat-buhat ito ni Zyair kanina. Kamukha ito ng pangil ng halimaw na naengkwentro namin kagabi sa bintana ko, mas matulis nga lang ang sa impakto at mas nakakatakot ang hitsura nito. P*ste! Vegetarian na talaga ako. Inusog ni Tatay Herming sa harap ko ang isang de-lata, sardinas lang naman ito pero parang napakabongga ng ulam ko ngayong gabi. Nangingilid ang luha ko nang ngitian ko ang matanda pero napaismid ako nang magtama ang mata namin ni Zyair. Tumaas lang ang kilay nito habang sarap na sarap ito sa karneng kinakain nito. Latag na ang dilim sa labas. Umaatake naman ang nerbyos ko kaya nauna na'kong bumaba sa underground. Mga ungol na nakakapangilabot na ang naririnig ko ilang sandali pa. Paparami nang paparami at papalakas nang papalakas ito. Nanginginig ang kamay ko nang buklatin ko ang maliit na libro na unang binigay ni Tatay Herming. Natakpan ko nang mariin ang tenga ko nang hindi ko makayanan ang ingay ng mga nilalang na iyon. Nagtago ako sa ilalim ng mesa pero ang dalawang lalaki, hindi pa rin bumababa. Tinuon ko ang atensyon ko sa pagbabasa ng dokumentadong pagsaliksik ni Tatay Herming sa alamat ng Mondabor. Muli ko na naman itong inulit para pumasok na ito sa utak ko. Natigilan ako sa unang nabasa ko. Ang "Luna y Damim," ito ang espesyal na dugong taglay ko. Napakunot noo ako sa sumunod na nabasa ko. Westward? Dito matatagpuan ang "Datura Nerium," isang uri ng halaman na ihahalo sa dugo ko para ipatak sa lugar kung saan ako dinala ng impaktong si Abellius para maisara ang lagusan? Nagulat ako nang umingit ang bakal na pinto, si Zyair ang pumasok. May bitbit na junk foods ang lalaki na mabilis nitong hinagis sa gawi ko bago ito lumabas ulit. Hindi ba magtatago ang mga ito? Nanginginig ang kamay ko habang hawak ko ang maliit na boteng dala-dala ko kahit saan ako magpunta. Panay ang check ko sa relong suot ko. Bago pa man sumakto ang anim na oras, agad na'kong nagpapahid nito. Nadala na ako kaya kailangan kong maging alisto. Nanginig ang labi ko nang isang nakakapangilabot na ungol ang narinig ko pero ilang sandali pa, papahina nang papahina na ito. Isang lampara ang nasa gilid ko, ito ang ginagamit ko para mas lalong lumiwanag sa gawi ko. Hinding-hindi ako matutulog hangga't hindi ko matatapos ang p*steng libro na ito. May isang tasa rin ng kape sa gilid ko para gising na gising ako sa magdamag na ito. Natuon muli ang atensyon ko sa binabasa ko. Mondaborians? Isa itong tribo sa Westward na naglaho na parang bula. Walang nakakaalam! "Ano ba 'to?" inis kong usal nang hindi ko makita ang karugtong. Napakaluma na ng libro at may punit na rin ang ilang pahina. Muntikan na'kong mapasigaw sa gulat ko nang biglang lumipad sa harap ko ang malaking libro pero isang kamay na bakal ang tumakip sa bibig ko. Umangat pa ang buhok ko nang liparin ito ng hangin. "Hayan ang malaking libro, kumpleto 'yan. Tapusin mo," anas ni Zyair na inayos pa ang libro bago tumayo. "Study hard, Nelrose," habilin nito bago tuluyang isara ang bakal na pinto. Nakahinga ako nang maluwag nang makitang buhay pa si Zyair. Nakadapa lang ako sa sahig sa ilalim ng mesa. Muli ko na namang tinuon ang oras ko sa pagbabasa. South Arctic? Isa itong bansa na may nagyeyelong klima. Walang araw at puro gabi lamang ang lugar na ito. Dito nagsimula ang lahat...
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD