Nagulat ako nang bigla na lang lumitaw ang ulo ni Zyair sa harap ko, ngiting-ngiti ang lalaki at nangalumbaba pa ito buhat sa pagkakadapa nito sa sahig.
"What a good girl, huh!" Tumaas ang kilay ng binata nang tingnan ang librong hawak ng dalaga. "S-sineryoso mo na t-talaga ang pagbabasa niyan, ha." Hinablot nito sa dalaga ang libro. "Matulog ka na, pabukang-liwayway na."
Agad naglaho ang anino ng binata nang makuha nito ang libro sa'kin. Mabilis akong tumayo para sundan ito pero biglang itong humarap kaya nabunggo ko ang matigas niyang dibdib.
"Aalis tayo mamaya, Nelrose, gigisingin kita sa takdang oras, ok?" Nakangiting inakbayan ng binata ang babae. Hinimas din nito ang ulo ng dalaga bago ito dumeretso ng kwarto.
Nakagat ko ang labi ko bago ako napangisi. Bakit ganun? First time kong nakita ngumiti si Zyair, grabe ang gwapo niya! Napasigaw ako sa sobrang pagkakilig ko nang mawala na ang lalaki. Ang maputi nitong balat, ang red lips, ang tsinito nitong mata...hawig na hawig talaga ito ng isang aktor na madalas kong pinapanuod. Bigla akong napasandal sa pader at napapikit. Naitakip ko ang kamay ko sa bibig ko. Kasasabi ko lang nang isang araw na sinusumpa ko na ang mga guwapo, pero bakit ganito? Hindi ko mapigil ang kilig ko! Napaawang ang labi ko nang sumulpot sa harap ko si Zyair nang imulat ko ang mata ko.
"Nelrose...kung gusto mong kumain, may mga biscuit sa kusina. Pumunta ka ro'n bago matulog." Nakatalikod na si Zyair bago pa man maka-react ang babae. "May gatas din don." Pahabol pa nito bago tuluyang nawala sa paningin ng dalaga.
"Hala siya!" Napabungisngis ako dahil sa sobrang saya ko. Nasabunutan ko ang sarili ko bago ko pinakalma ang mga nerves ko. Isang malalim na hininga ang pinakawalan ko bago nagmartsa papunta sa kusina. "Tay." Agad kong binati ang matanda pero--ang lalaking iyon? Nasa'n na si Zyair?
"Lumabas si Zyair, 'nak." Napangiti ang matanda nang tumingin sa dalaga. "Mabait naman 'yang si Zyair, eh, magkakasundo kayo niyan. Mukhang nagkakaigihan na kayong dalawa, huh."
Napangiti ako nang mapatingin ako sa matanda. Napahawak pa ako sa pisngi ko, feeling ko, nangangamatis na ang mukha ko. Naku! Baka mahalata ako ni Tatay Herming.
"Tay, pakainin mo na'yang bisita mo. Marami pa kaming gagawin mamaya." Tumiim ang anyo ng binata nang balingan si Nelrose, bigla na lang itong sumulpot sa likod ng dalaga. "Huwag kang aanga-anga, ha. Bawat segundo, mahalaga...buhay mo ang nakataya. Eat now, Nelrose at matulog ka na."
Napa-pout na lang ako ng bibig ko dahil sa biglang pagtalikod ni Zyair. Ba't nagsusungit na naman ang lalaking iyon? Moody! Mabilisan ko na lang ininum ang gatas na tinimpla ko at inisang subo ko lang ang biscuit sa harap ko bago ako nagmadaling bumalik sa kwarto ko. Hindi na'ko nakapagpaalam kay Tatay Herming.
Nang nasa higaan na'ko, naalala ko sina Tiyang Tiya Joy at Cyrish, kumusta na kaya sila? Nangilid ang luha ko. Papa'no kung--
"Nelrose..." Biglang bumukas ang pinto nang pumasok si Zyair, hubad baro pa ang lalaki at nakasampay sa balikat nito ang damit.
Napanganga ako sa mala-Adonis na katawan ng kaharap ko pero--isang langaw ang biglang pumasok sa bintana. Sumakto itong dumeretso sa nakanganga kong bibig. Naramdaman ko ang pagwawala nito sa loob ng bunganga ko. Nakaramdam ako ng sindak nang gumalaw ito pero--sh*t! Napalunok ako! Napaubo ako. Sunod-sunod. Bigla kong nahawakan ang leeg ko para piliting ilabas ito. Natigilan si Zyair at mabilis itong nakalapit. Agad akong pinatalikod ng lalaki sabay pulupot ng kamay nito sa baywang ko. Naluluha na ako at pilit kong niluluwa ang p*steng langaw pero nanlaki ang mata ko nang buhatin ako ni Zyair, pilit nitong tinataktak ang katawan ko para lumabas ang pumasok sa bunganga ko. Isang malakas na paghagis ang ginawa ni Zyair kaya lumipad ako sa ere. Kasabay ng malakas kong pagsigaw, biglang lumipad palabas ng bunganga ko ang langaw-- palayo nang palayo hanggang hindi ko na ito makita.
Napahawak ako sa hamba ng bintana nang sumayad ang paa ko sa sahig pero nang mapatingin ako sa labas, isang lalaki ang nakita ko. Mabilis itong nakatakbo palayo. Iiyak na sana ako pero naudlot ito. Ramdam ko ang nakayakap na katawan ni Zyair pero agad itong bumitaw. Malakas na pagsara na lamang ng pinto ang narinig ko nang tuluyang makalabas ang lalaki.
Muli akong sumilip sa bintana, si Zyair ang nakita kong tumatakbo sa kasukalan ng gubat. Kinabahan ako. Mabilis akong lumabas pero si Tatay Herming ang nakita kong biglang sumulpot sa harapan ko.
"Anak, matulog ka na. Magsisimula na kayo ni Zyair ng training mo mamaya." Sumenyas ang matanda na 'wag na lumabas ang dalaga. Kusa na nitong sinara pakabig ang pinto.
Naguluhan ako pero mas pinili ko na lamang manatili sa loob ng kwarto. Basta umaga, hindi ako mangangambang may susulpot na halimaw. Muling nanumbalik sa balintataw ko ang bungangera kong tiyahin, ang mala-bruha kong kapatid na parang pinsan na rin, si Cyrish. Napaiyak ako dahil sa sobrang pag-aalala. Sana lang, buhay pa ang mga ito pero sa klase ng mga halimaw na iyon, sumakit ang dibdib ko sa pumapasok sa isip ko na posibleng kinahinatnan ng mga ito. Lubhang malakas at nakakatakot ang mga nilalang na iyon. Sinubsob ko ang mukha ko sa unan hanggang sa hilahin na ako ng antok ko sa sobrang pag-iyak ko.
"Nelrose..."
Bahagya lamang itong nakarating sa pandinig ko pero muli ko na namang naulinagan ang boses na iyon. Naramdaman ko ang pagtapik nang paulit-ulit ng kung sino sa pisngi ko.
"W-wake up!!"
Naramdaman ko ang paghila nito sa'kin paupo. Gusto ko pang matulog pero paulit-ulit ang pagyugyog nito sa'kin. Pagod na pagod ang pakiramdam ko at labis ang puyat ko kagabi.
"Nelrose," inis na tawag ni Zyair. "Get up!! It's 1pm."
Inis akong tumingin sa kanya pero ang nararamdaman ko, bigla itong napalis nang masilayan ko ang mukha ng kaharap ko. Agad itong napalitan ng isang ngiti. Nagigising ang diwa ko sa kakisigan ni Zyair.
"Zyair," may lambing kong tawag sa kanya pero ang lalaki, nakatayo na ito.
"May gagawin tayo, kumain ka na sa labas bago tayo magsimula."
Likod na lamang ng lalaki ang nakita ko nang bigla itong tumalikod. Tumayo na lang ako para sundin ito. Mabilisan ang ginawa kong pagligo para makasunod na'ko sa labas. Napaawang ang labi ko nang hindi lang si Tatay Herming ang nadatnan ko sa kusina, may isang lalaki ang nakaupo at kumakain. Ang nakapagtataka lang, ubod ito ng guwapo. Saglit lamang nagtama ang paningin namin pero mabilis din nitong tinuon ang pansin sa pagkain.
May pagtataka kong tiningnan si Tatay Herming na abala lamang sa pagpupunas ng isang sibat. Ngumiti lamang ang matanda nang tumingin ito sa'kin. Napapitlag ako nang biglang may humawak sa balikat ko.
"Kumain ka na, Nelrose. May gagawin tayo pagkatapos nito." Mabilis na hinila ni Zyair ang dalaga katapat ng lalaking kumakain. "Brandon, dalhin mo'ko sa mga kasamahan mo mamaya."
Tumaas ang sulok ng labi ng tinawag na Brandon. Sinupil ko ang ngiti ko nang si Zyair mismo ang maglagay ng kanin sa harap ko. Gulay lahat ang nasa harap ko pero ang Brandon, inusog nito ang karne papunta sa harap ko. Lumabas ang biloy ng lalaki nang nginitian niya ako. Napangiti ako nang kimi nang dumampot ako ng karne. Nakakahalina ang ngiti ng bisita namin.
Isang pitik sa kamay ng dalaga ang ginawa ni Zyair na ikinagulat ng huli. "Brandon, vegetarian 'yan." Muli itong inusog ng binata pabalik sa bisita.
"Lahat ng nakagat ng mga halimaw na iyon, nagiging kasapi na rin sila. Dumarami nang dumarami..." Natigilan si Brandon bago nanlisik ang mata nito. "Dito na kami napadpad. Walang buhay sa araw ang mga namatay pero--" Isang malalim na paghinga ang pinakawalan ng lalaki. "Muli silang nabubuhay kapag dumidilim na."
Isang malakas na kalansing ng sibat na nalaglag sa sahig ang nagpaangat sa mukha namin. Ang mga balah*bo ko sa braso, nagtayuan sa narinig ko.
"Hindi ko ito a-alam." Natigilan si Herming at kumuno't ang noo. "Sa tagal ng pag-aaral ko sa alamat ng Mondabor, ngayon lamang nangyari ang ganito. Ang kaluluwa ng mga halimaw na Mondaborian lamang ang alam kong sumasalakay sa gabi hindi ang mga taong nabibiktima nito o napapatay."
"Kaya nang makita ko na may tao kanina rito, tumakbo ako palayo. Nag-iingat lamang ako. Nagmamasid ako para sa kaligtasan namin." Inusog ng lalaki ang pagkain nito palayo bago dumilim ang mukha nito. "Nakita ko kung paanong nabuhay ang mga taong nakahandusay pero muling namamatay kapag bukang liwayway."
Sh*t! Parang hindi na kinakaya ng puso ko ang anumang naririnig ko sa mga ito. Ano ang nangyayari sa mundo namin? Bakit nagkakaganito na? Isang malakas na iyak ang kumawala sa akin dahil sa sobrang takot na nararamdaman ko. Biglang tumayo ang bisita namin at sa isang iglap, nakayakap na ito sa likod ko.
"Huwag mong hahayaan na makagat ka ng halimaw," bulong ni Brandon. "Kung ayaw mong--alam mo sayang ka, eh. Maganda ka pa naman..."
Malakas na hinila ni Zyair ang lalaki palayo sa akin. Nagsukatan ng tingin ang dalawa nang magharap ang mga ito. Mas matangkad si Zyair, hanggang tenga lang nito si Brandon pero ang mga muscles ng mga ito, nagpapatagisan sa laki.
"Duwag na nga 'yang si Nelrose, lalo mo lang dinaragdagan ang takot niya. H*ll!" inis na anas ni Zyair sa mukha ng bisita.